Mataas na Vaccine Coverage at Sustainability, mahalaga sa paglaban Kontra-Pneumonia sa bansa, ayon sa Eksperto

Ayon sa Department of Health (DOH), bumaba ang childhood immunization sa 48.5% noong 2021 dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 at sa kinakailangang pagtugon sa virus na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binigyang-diin ng isang vaccine expert ang kahalagahan ng mataas na vaccine coverage at vaccine sustainability na naaangkop sa klase ng pneumococcal conjugate vaccine (PCV) upang mapababa ang insidente ng pneumococcal disease sa Pilipinas.

Ang pneumonia ay ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga batang edad limang taong gulang pababa sa Pilipinas. Sa buong mundo, tinatayang 672,000 na mga batang namamatay sa pneumonia kada taon. Katumbas nito ang isang batang namamatay kada 47 segundo.

Ayon Dr. Olakunle Oladehin, isang vaccine expert at kasalukuyang Regional Vaccines Medical Lead ng GlaxoSmithKline (GSK), importante ang mataas na vaccine coverage upang masiguro ang tagumpay ng isang vaccination program, lalo at higit pa sa gitna ng pandemya.

“Even if we have the best vaccines, we will not be able to see its full impact if vaccination coverage is low. It is critical that every country strives to revive its vaccination uptake against diseases like pneumonia [Kahit na mayroon pa tayo ng mga pinakamahusay na vaccines, hindi natin makikita ang kabuuang impact ng mga ito kung mababa ang bilang ng mga nababakunahan. Kritikal na ang bawat bansa ay nagsisikap na mapalakas at mapainam nag vaccination uptake laban sa mga sakit gaya ng pneumonia],” ani Dr. Oladehin sa isang scientific lecture noong Hulyo 7 kasama ang mga lokal na eksperto sa healthcare.

Ayon sa Department of Health (DOH), bumaba ang childhood immunization sa 48.5% noong 2021 dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 at sa kinakailangang pagtugon sa virus na ito. Patuloy na pinaiigting ng DOH ang mga gawain nito para sa routine immunization kasama na ang paglunsad ng Chikiting Bakunation Days mula Abril hanggang Hunyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I commend the determination of the Philippine government to bring back its immunization rates coming from the impact of the COVID-19 pandemic [Nakikita at pinupuri ko ang determinasyon ng gobyerno ng Pilipinas na maibalik ang immunization rates nito mula sa dinaranas nitong impact ng COVID-19],” ayon kay Dr Oladehin.

Muling binigyang-diin ni Dr. Oladehin na ang siguraduhing ang pagturok ng PCV ay magbibigay-protesksyon laban sa relevant na strains ng Streptococcus pneumoniae sa Pilipinas. Ang S. pneumoniae ay isang klase ng bacteria na nagdudulot ng pneumonia at iba pang invasive na karamdaman.

“To achieve overall protection, the choice of PCV should address the most prevalent strains in the local landscape [Upang makamit ang pangkubuuang proteksyon, ang pagpili ng PCV ay dapat na tumugon sa laganap na strains sa lokal na konteksto],” sabi ng vaccine expert.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong 2020, sinuri ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ng DOH ang paggamit ng PCVs sa bansa matapos maglabas ang World Health Organization (WHO) ng isang position statement noong 2019. Ang mandato ng HTAC ay magsagawa ng technology appraisals na tutukoy sa clinical at economical advantage ng mga bakuna sa healthcare system sa bansa.

Sa ulat ng HTAC, inirekemonda ng Council ang paggamit ng PCVs upang laban ang 11 strains na kaugnay ng 48% ng mga kaso ng Invasive Pneumococcal Disease (IPD) sa Pilipinas. Ang mga ito ay ang 1, 4, 5, 6B, 7F, 9V, 14, 18C, 19A, 19F at 23F. Ang rekomendasyon ay batay sa local surveillance data mula sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) mula 2012 hanggang 2019.

Karamihan sa mga naturang strains ay itinuturing na highly invasive, at kinakailangan na ang isang PCV ay sinusuportahan ng ebidensyang magiging epektibo sa paglaban sa mga strains, ayon kay Dr. Oladehin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni Dr. Oladehin, “Invasive pneumococcal strains like 18C and 4 can destroy living tissues or spread to many organs of the body through the blood, increasing likelihood of death [Ang mga invasive na pneumococcal strains tulad ng 18C at 4 ay may kakayahang sumira ng living tissues o kumalat sa maraming organs ng katawan sa pamamagitan ng dugo, na siya namang nagpapataas ng posibilidad ng pagkamatay].”

Sa kasalukuyan, mayroong tatlong PCVs na pre-qualified ng WHO—ang PCV13 at dalawang klase ng PCV10: PHID-CV at SIIL-PCV. Ang dalawang PCVs na sinuri ng HTAC—ang PHID-CV at PCV13—ay naaangkop sa 11 strains sa Pilipinas.

Parehong kabilang sa Philippine National Formulary (NPF) ang PHID-CV at PCV13. Suportado ang mga ito ng ebidensya mula sa aktwal na karanasan. Pareho rin itong maaaring makuha sa National Immunization Program ng bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

This is a press release distributed by BrownBag Communications Philippines, Inc.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Written by

Press Room