Matagal na regla? 10 posibleng dahilan nito

Matagal na regla? 10 posibleng dahilan nito

Madalas ka bang nakakaranas ng matagal na mens. Hindi lamang iyon may kasama pang malakas na mens o malakas na regla? Alamin ang mga posibleng sanhi nito.

Madalas ka bang nakakaranas ng matagal na mens. Hindi lamang iyon may kasama pang malakas na mens o malakas na regla? Alamin ang mga posibleng sanhi nito.

Ang pagkakaroon ng regla o menstruation ng isang babae buwan-buwan ay pahirap na para sa kababaihan. Bukod kasi sa nakakaramdam ng sakit at pagkahilo ang karamihang babae. May dagdag pa itong pasakit kung matagal ang pagkakaron ng na mens.

Gaano ba dapat katagal ang pagkakaroon ng regla o mens?

Maraming range ng isang normal na mens o regla. Ayon kay Jessica Sheperd, MD. Isang minimally invasive gynecologist na Dallas, “Usually, it can last anywhere between five to seven days,” dagdag pa niya, “But there are times at which it can be a few days longer or shorter.”

Narito ang Menstrual cycle 101

Tuwing period cycle ang katawan ng isang babae ang nagpapadala ng hormones upang kumapal ang lining ng uterus (endometrium) upang maging maganda itong tahanan para sa isang potensyal na fertilized egg.

Sa kalagitnaan ng inyong period cycle, ang isa sa inyong mga obaryo ang nagre-release ng isang egg cell kada buwan. Nagta-travel ito pababa ng inyong fallopian tube. Kapag nakipagtalik ang babae dito papasok ang sperm cell upang makabuo ng isang sanggol. Kapag hindi naman ito nakapasok ang sperm cell ay lalabas ang egg cell na ito sa katawan ng babae at ito ang magiging regla o mens. Kasama sa paglabas ng regla ang uterine lining na na-built up.

Ang lahat ng babae ay dumadaan sa prosesong ito, ang haba at matagal na menso malakas na regla maaaring mag-iba-iba sa babae. Sapagkat nakadepende ito sa kanilang hormonal shift tuwing menstruation cycle nila. Nakakaapekto ito sa endometrium development, at dahil rito ang maaaring umabot ito ng ilang araw bago ito mag-shed ay kay Dr. Shepherd.

Kaya naman kung ang inyong regla ay tumagal ng isa o dalawang araw o mas umiikli kaysa sa normal niyong tagal ng regla. Kung ganun lamang ang inyong nararanasan ay hindi dapat ito ipag-aalala. Subalit kung nakakaramdam ka ng extreme na menstrual pain o cramps, at malakas na regla o malakas na mens o pagdurugo ay dapat na kayong komunsulta sa inyong doktor.

matagal na mensat malakas na regla
11 na posibleng dahilan ng matagal na mens

  1. Mayroon kang IUD

Isa sa mga common na dahilan ng pagkakaroon ng matagal na mensng mga younger women ay dahil sa IUD (intrauterine devices), isa itong uri ng birth control kung saan inilalagay ito direkta sa cervix ng isang babae.

Nagiging sanhi umano ito ng matagal na mens, lalo na pagkatapos nitong ilagay sa cervix ng babae. Nagiging sanhi rin ito ng malakas na regla o malakas na mens. Isa umano itong side effect.

Kapag ganun pa rin umano ang nararanas matapos ang tatlong cycle ng inyong regla o menstruation bumalik na sa inyong doktor upang mapagkonsulta.

  1. Nag-oovulate ka

Kapag ikaw ay nireregla at nilalabas ng inyong katawan ang extra blood o tissue sa inyong katawan kung na-fertilized ang inyong egg cell. Pero sa ibang pagkakataon ang mga hormonal signal na ito ay maaaring maging sanhi ng pagdurugo habang nire-release ang egg cell. Ayon ito kay Sherry Ross, MD, isang ob-gyn at awtor ng She-ology.

Ang tawag umano rito ay “intermenstrual bleeding” ay nangyayari ito dahil sa resulta ng slight dip ng estrogen; na nangyayari kapag ovulation.  Maaaring mag-cause ito ng spotting. Kung nakakaranas ka nito kapag malapit ng matapos ang iyong cycle ay hindi mo dapat ito ipag-aalala pero kung nakakaranas ka nito na may kasamang matinding sakit, agad na puntahan ang iyong doktor upang magpakonsulta.

  1. Ikaw ay buntis

Isa rin umanong sanhi ng matagal na mensay ikaw ay buntis. Ang signs na ito ay hindi madalas o karaniwan. Ayon ito kay Dr. Toth. Sa kaniyang pagpapaliwanag, “A common cause for abnormal menses, including longer bleeding, is pregnancy.” Maaaring hindi kasama rito ang tipikal na sintomas ng pagbubuntis katulad ng nausea.

“Any time a woman has unusual bleeding, it’s always best to eliminate possibility of pregnancy with a blood test for pregnancy for reassurance,” dagdag pa niya.

  1. Nasa homonal birth control ka

Maaari ka ring makaranas ng matagal na menskung imiinom ka ng hormonal birth control. May potensyal umanong mapahaba ng birth control na ito ang inyong mens o regla.

Ang mga uri ng hormonal birth control na ito ay pill, patches, rings, shots, at implants. Ang magandang balita umano ayon kay Dr. Toth ay maraming option ay nagba-vary ng iba’t ibang lebel at types ng hormones. Kaya naman kundi sa swak sa ‘yo ang isang uri ay marami ka pang options na pwedeng gawin na angkop sa iyong katawan.

  1. Mayroon kang PCOS

Ang polycystic ovary syndrome o PCOS ay isang kundisyon na nakakaapekto sa 10% ng kababaihan. Kung saan nahihirapan silang magkaanak, ayon ito sa Office of Women’s Health (OWH).

Ito’y ang pagtubo ng maliliit na cysts sa obaryo ng babae at nagiging sanhi ito upang hindi makapag mature ang egg cell ng isang babae; na maaaring maresulta ng fertility issues.

Kung ikaw ay nakakaranas nito at iba pang sensyales ng PCOS. Katulad ng migraines, facila hair growth, at weight gain. Magpakonsulta na sa inyong doktor. Narito pa ang iba pang kaalaman tungkol sa PCOS.

  1. May thyroid issues ka

1 sa 8 kababaihan ang nagsa-suffer sa low thyroid function o hypothyroidism, minsan sa kanilang buhay ayon ito sa OWH.

Ang thyroid ay isang maliit na butterfly-shaped gland na nakokontrol sa inyong hormones, na nareregulate sa maraming system sa inyong katawan. Katulad na lamang kung gaano kayo kabilis mag-burn ng calories, o gaano kabilis ang tibok ng iyong puso, o kasama na rin dyan ang inyong menstruation o regla.

Ang pagkakaroon ng maliit  na thyroid hormone ay maaaring mag-resulta ng matagal na mensat malakas na mens o matagal na regla. Isa pang sintomas ng hypothyroidism ay weight gain, fatigue, at hair loss. Kung pakiramdam mo ay nakakaranas ka nito agad na komunsulta sa inyong doktor.

  1. Malapit ka nang mag-menopause

Kung ikaw ay tumatanda na at malapit na sa menopause stage tiyak na paiba-iba na ang cycle ng iyong regla. Ang pagiging menopause ay kung ikaw ay 12 na buwan nang hindi nakakaranas ng regla. Kadalasan ang mga babaeng nasa 50 taong gulang pataas ang nakakaranas nito.

Kapag nangyari ito maaari kang makaranas ng matagal na mensat malakas na regla. Maaari rin mas maikli na lang ito at hindi na ito regular.

  1. Ikaw ay stress

Ang pagiging stress din ay maaaring magresulta sa matagal na mens, at malakas na regla o mens. Ang reaksyon ng katawan ng babae sa stress ay maaaring maging sanhi ng pagbabago ng maraming hormones. Ayon ito kay Dr. Horton.

“Stress can cause delayed ovulation, causing your period to start later than expected, which can make your periods longer and heavier than usual,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, “Identifying and eliminating stressors in your life will help regulate your periods over time. Meditation, getting enough sleep, and regular exercise are also effective ways to manage stress.”

  1. Pagiging medically overweight o obese

Kapag ikaw naman ay overweight o obese maaari itong makaapekto sa iyong menstrual cycle. Ayon pa rin ito kay Dr. Horton. Sapagkat mas malaki ang iyon katawan mas nagpo-produce ito ng excess estrogen; na maaaring makaapekto sa iyong regla at magiging sanhi rin ng pag-o-ovulate niyo ng regular.

“When you stop having periods every month, the lining of the uterus will become thick, and eventually shed, resulting in very heavy and prolonged bleeding.” Wika ni Dr. Horton.

Ang pagbabawas ng timbang (ideally umano 15 percent ng iyong body weight) ay maaaring makatulong upang ma-regulate ang iyong mens o regla, ayon ito sa kaniya. Maaaring mag-prescribe any iyong doktor ng birth control pills o progesterone upang makatulong ito sa matagal na mensat malakas na regla o malakas na mens.

  1. Posibleng mayroon kang cervical cancer

Isa na sa maaaring pinaka-severe na dahilan nito ay ang pagkakaroon ng cervical cancer. Ang pagdurugo ng hindi normal o pagdurugo matapos makipagtalik, o spotting sa pagitan ng mga period cycle ay maaaring senyales na ng cervical cancer.

Sapagkat ang cervical abnormalities ay maaaring ma-detect sa isang Pap smear o HPV test. Kaya naman siguraduhing regular na magpatingin o magpa-check up sa iyong doktor lalo na kung may history kayo ng cancer sa pamilya.

 

Mainam pa rin na agad na magpakonsulta sa inyong doktor kung nakakaranas kayo ng hindi normal na period cycle. Lalo na kung matagal na mensat malakas na regla ang lagi niyong nararanasan. Mas okay pa rin na magpakonsulta sa eksperto upang ito’y masolusyunan ng mas maaga.

 

Source:

womenshealthmag

 

BASAHIN: 

Dapat bang ipag-alala ang pagkakaroon ng regla kapag buntis?

Safe ba at maaaring mabuntis kapag nakipag-sex after menstruation?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner