6 na paraan upang maging matalino ang iyong anak

lead image

Siguradong makakatulong ang mga tips na ito upang tumaas ang posibilidad na magkaroon ng matalinong anak ang mga magulang.

Kahit sinong magulang siguro ay nagnanais na magkaroon ng matalinong anak. Siyempre, kapag matalino ang isang bata ay mas angat sila sa paaralan, at mataas rin ang posibilidad na umasenso sila sa buhay.

Ngunit hindi lang pala nakabase sa mga genes, o kaya sa natural na kakayanan ng bata ang pagiging matalino. May mga ilang paraan upang makatulong ang mga magulang sa pagiging matalino ng kanilang mga anak.

6 na paraan upang magkaroon ng matalinong anak

1. Kumain ng isda habang nagbubuntis

Ang pagkain ng mga fatty fish tulad ng salmon, trout, at sardines, ay malaki ang maitutulong sa development ng mga bata. Ito ay dahil ang mga healthy fats na nasa mga isdang ito ay nagpapatibay ng brain development ng mga bata.

Kaya't ugaliing kumain ng mga healthy na isda habang nagbubuntis. Ngunit siguraduhing wag sumobra sa pagkain nito, dahil ang ilang mga isda ay mataas sa mercury na nakakasama naman sa paglaki ng mga sanggol sa sinapupunan.

2. Siguraduhing kumakain ng almusal ang iyong anak

Mahalaga ang pagkain ng almusal sa mga bata dahil bukod sa ito ang ginagawang 'fuel' ng mga bata, nakakatulong rin ito sa kanilang concentration sa school. Siyempre, kung gutom ang iyong anak, mahihirapan siyang mag-focus sa pag-aaral, at maaapektuhan nito ang kaniyang kakayanang matuto.

Mahalaga rin ang almusal dahil nagbibigay ito ng nutrisyong kailangan ng mga lumalaking bata.

3. Siguraduhing positibo at puno ng pagmamahal ang inyong tahanan

Malaki ang nagiging epekto ng environment kung saan lumalaki ang isang bata. Hindi dapat binabalewala ng mga magulang ang epekto nito sa mga bata.

Umiwas sa pag-aaway sa harap ng iyong anak, at hangga't-maari huwag silang sigawan, saktan, o pagsabihan ng masama. Mahalaga ang disiplina, ngunit mahalaga rin ang pagpapakita ng pagmamahal sa iyong anak.

Sa ganitong paraan, mas magiging positibo ang pananaw nila sa buhay, at mas gaganahan silang paghusayin at pagbutihin ang kanilang mga sarili.

4. Huwag masyadong lumipat ng tinitirahan

Alam niyo ba na ang paglipat ng tinitirahan ay mayroong malaking epekto sa paglaki ng mga bata? Ito ay dahil nagiging sanhi ito ng stress, na nakakaapekto sa development ng mga bata.

Hangga't-maari, ay mabuting huwag masyadong lumipat ng tahanan upang masanay ang iyong anak sa isang lugar, at maging komportable siya sa kaniyang pang araw-araw na gawain. Malaki ang naitutulong nito sa kaniyang development.

5. Umiwas sa maduming hangin

Ang maduming hangin ay mayroong negatibong epekto sa paglaki ng iyong anak. Ito ay dahil punong-puno ito ng mga toxins at heavy metals na nakakaapekto sa utak ng mga bata.

Importanteng ilayo sila sa mga mausok na lugar, dahil posibleng bumagal ang pag-develop ng kanilang utak dahil sa maduming hangin.

6. Paghusayin ang 'working memory' ng iyong anak

Ang working memory ay ang memory na ginagamit natin sa pang araw-araw na buhay. Mahalaga ito dahil pinapatibay nito ang memory ng iyong anak, at sinasanay ang kanilang utak na palaging gamitin ito.

Tulad ng ibang mga bagay, mas nahahasa at tumatalino ang utak ng tao kapag ginagamit ito. Kaya't ugaliing sanayin sa mga bagay tulad ng math ang iyong anak, dahil nakaka-boost ito sa kaniyang working memory.

 

Source: Live Strong

Basahin: Mas malaki ang balakang ng nanay, mas matalino ang bata!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!