100-day maternity leave update: naaprubahan na ng kongreso

lead image

Breaking news: inaprubahan na ng kongreso ang pangatlo at panghuling reading ng bill na magbibigay sa mga nanay ng 100 na araw na paid maternity leave. | Photo by Paul Lin on Unsplash

Sa pangatlo at panghuling pagbabasa, inaprubahan na ng House of Representatives ang House Bill No. 4113 na nag-e-extend sa paid maternity leave ng mga babae hanggang 100 na araw. Maaari pa itong i-extend muli ng 60 na araw ngunit hindi na ito bayad.

Dalawang version ng bill

Dati rati, nakakakuha lamang ng 60 na araw na maternity leave ang mga babae na nagtratrabaho sa gobyerno at pribadong sektor. Ipinapanukala ng HB 4113 na gawing 100 na araw ang paid maternity leave at puwede pa itong ma-extend ng karagdagang 40 na araw ngunit hindi na ito bayad.

Sa bill na ito, nasasaad na:

  • Puwede itong makuha ng lahat ng babae—kasal man o hindi, lehitimo man ang ipinagdadalangtao o hindi
  • Mabibigyan ng patas na bilang ng maternity leave ang mga nanganak ng vaginal birth at ng caesarean
  • Hindi puwedeng tanggalin ang babae sa trabaho o di kaya'y i-demote dahil kumuha siya ng maternity leave
  • Maaari rin mag-avail ng maternity leave ang mga nakunan
  • Once na masimulan na ang maternity leave kailangan tuloy-tuloy ang implementasyon nito; hindi puwedeng paputol-putol ang pag-serve ng leave
  • Hanggang sa pang-apat na pagbubuntis lamang puwedeng i-apply ang 100-day maternity leave; kapag lagpas na sa pang-apat ang pagbubuntis, balik sa 60 na araw ang puwedeng i-avail

Exempted naman sa benepisyong ito ang mga sumusunod:

  • Mga empleyado sa retail o service estanblishment na hindi hihigit sa 10 ang empleyado
  • Mga empleyado na kumikita base sa komisyon, boundary, o task basis
  • Mga empleyado na fixed ang sahod para sa specific na trabaho na ginagawa nila
  • Mga manggagawa mula sa maliliit na negosyo (hindi lalampas sa P3 million ang halaga) na may kinalaman sa pag-gawa, processing o manufacturing ng mga produkto o commodities
  • Mga empleyado na nakakakuha na ng parehong benepisyo mula sa kanilang kumpanya

Ayon kay Congressman Alfred Vargas, isa sa mga authors ng bill, pinapakita ng mga pag-aaral ang lubos na benepisyo ng mahabang maternity leave para sa kalusugan ng baby. Nababawasan din daw insidente ng pagkamatay ng sanggol. Dagdag pa niya na hindi man tukoy kung bakit, ipinapalagay na dahil ito sa mas mahabang panahon na maaaring mag-breastfeed ang nanay at mas mahabang panahon na naaalagaan ang bata.

Dahil sa pasado na ang HB4113, iaakyat na ito sa bicameral conference committee kung saan pagdedesisyunan kung ano ang mga puntos na isasama sa panukalang-batas. Mayroon din kasing version ng extended maternity leave ang senado, ang Senate Bill 1305 na nagbibigay ng 120 days ng paid maternity leave.

Ayon dito:

  • Puwede itong makuha ng lahat ng babae—kasal man o hindi, lehitimo man ang ipinagdadalangtao o hindi
  • May option na i-extend ito ng karagdagang 30 na araw ngunit hindi na ito bayad
  • Kapag single parent, makakkuha ng 150 days maternity leave
  • Puwedeng ilipat ang 30 na araw mula sa 120 na araw sa ibang puwedeng mag-alaga sa baby katulad ng asawa, common law husband, o di kaya'y kamag anak

Para tuluyang maisabatas ang panukala, kailangan magkasundo ang bicameral conference committee kung anu-ano ang mga isasama sa batas.

 

SOURCES: Manila Bulletin, Rappler, CNN