Ikaw ba ay isang pregnant mom na nakakaranas ng madalas na pagsakit ng likod? Isa sa mga pangunahing dahilan niyan ay ang paglaki at pag-bigat ng iyong tiyan. Pero alam mo bang mayroon kang magagamit upang makaiwas sa pregnancy discomfort na ito?
Ang pag-suot ng maternity support belts ay magandang gamitin habang lumalaki ang baby bump. Mahalaga din ito bilang katuwang sa pag-suporta ng tiyan at likod lalo na kapag madalas na kumikilos ang isang nagbubuntis.
Kaya naman keep on scrolling at alamin ang aming listahan ng best maternity support belt brands na mabibili online!
Best Maternity Support Belt Brands
Best Maternity Support Belt Brands
| Mama’s Choice Pregnancy Belt | | View Details | Buy on Shopee |
| Mama's Choice: Activewear Maternity Leggings Best Leggings | | View Details | Buy Now |
| Mamaway Ergonomic Maternity Support Belt Best Stretchable | | View Details | Buy Now |
| Blanqi Maternity Belly Belt Support Best for Exercise | | View Details | Buy Now |
| Mommy Kits Adjustable Support Belt Belly Band Best Adjustable | | View Details | Buy Now |
| Aynmer Maternity Support Belt Most affordable | | View Details | Buy Now |
Best Overall Maternity Support Belt
Ang Mama’s Choice Pregnancy Belt ay swak sa anumang body at belly size. Ito kasi ay free size rin kaya naman siguradong akma ito para sa lahat. Napaka komportable rin nitong suotin dahil gawa ito sa polyester blend material na moisture-wicking at breathable. Adjustable pa ito kaya naman siguradong ligtas para sa mga pregnant moms.
Bukod sa maganda ito gamitin para sa lumalaking tiyan ay nakakapagbigay din ito ng suporta maging sa lower back.
Features we love:
- Free size
- Gawa sa polyester
- Breathable at adjustable
Best Maternity Leggings with Belly Support
Best Maternity Support Belt Brands Na Stretchable At Komportable Suotin | Mama’s Choice
Kung hilig mo naman ang pagsusuot ng leggings habang nagbubuntis, good investment ang Mama’s Choice Activewear Maternity Leggings. Pinagsama nito ang leggings at maternity belt sa iisang produkto. Malaking tulong ang leggings na ito upang masuportahan ang iyong tiyan. Nakakapagbigay pa ito ng compression sa mga binti upang makaiwas sa varicose veins.
Karagdagan, ito ay free size kaya masusuot mo ito anuman ang body size mo. And espesyal na waistband naman nito ay tumutulong sa pagsuporta sa iyong tiyan. Sa ganoong paraan ay maaaring mabawasan ang pananakit ng likod at pelvis.
Maaari pang magamit ang leggings na ito pagtapos manganak at magsisilbing postpartum belly band.
Features we love:
- Gawa sa cotton at polyester materials
- Waistband
- Mayroon itong extra strap na pwedeng i-adjust
Best Stretchable Maternity Support Belt
Best Maternity Support Belt Brands Na Stretchable At Komportable Suotin | MamaWay
Ang MamayWay Maternity Support Belt ay widely used na rin ng maraming pregnant moms. Nakakatulong ito bilang suporta sa growing belly ng mga moms-to-be at nakakapagbigay pa ng extra comfort.
Ginamitan ito ng Papolis deep sea squaline fibers na napaka stretchable kaya naman maaari kang makakilos ng malaya habang suot ito. Sinamahan pa ito ng dalawang stretchy bands na sumusuporta at nagpapaangat sa tiyan. Malambot din ito at nakakapaghydrate pa ng sensitive skin.
Ligtas ito gamitin habang nakahiga upang makakuha ng mas komportable at mahimbing na tulog.
Features we love:
- Ginamitan ng Papolis deep sea squaline fiber
- Stretchable at hindi nakakapaglimita ng galaw
- Dalawang stretchy bands
Best Maternity Support Belt for Exercise
Best Maternity Support Belt Brands Na Stretchable At Komportable Suotin | Blanqi
Madalas ka bang mag prenatal exercise mommy? Ito ang must-have workout outfit for you! Cycling shorts ito na humuhulma sa katawan at extended hanggang sa tiyan. Nakakapagbigay ito ng extra support sa nagbabagong katawan kaya naman swak din gamitin habang nag-eehersisyo.
Bukod pa riyan ay kaya rin nitong i-secure ang mga unbuttoned jeans at skirts kaya maaari pa ring magamit ang mga pre-pregnancy clothes. Sa usapang comfort naman ay hindi rin ito magpapatalo. Gawa ito sa stretchable at malambot na fabric na napaka presko suotin.
Features we love:
- Seamless panels
- Body-hugging shorts with belly support
- Stretchable at breathable fabric
Best Adjustable Maternity Support Belt
Best Maternity Support Belt Brands Na Stretchable At Komportable Suotin | Mommy Kits
Isa sa pinaka importanteng katangian na dapat hanapin sa maternity support belt na bibilhin ay ang pagiging adjustable nito. Likas ang paglaki ng tiyan at paglapad ng katawan sa mga pregnant moms kaya importanteng adjustable ang belly band na gamit. Kaya naman kasama rin sa aming listahan ang Mommy Kits Maternity Support Belt.
Free size ito at adjustable kaya naman kasya sa lahat ng body sizes. Gawa ito sa cotton fabric at iba pang stretchable materials na presko at napaka komportable isuot. Bukod pa sa suporta na nabibigay ng maternity support belt na ito sa belly ay kaya rin nitong ibsan ang lower back pain. Beneficial pa ito para sa circulation ng dugo sa pelvic region.
Features we love:
- Adjustable
- Gawa sa cotton fabric
- Nakakapag improve ng blood circulation
Most Affordable Maternity Support Belt
Best Maternity Support Belt Brands Na Stretchable At Komportable Suotin | Aynmer
Affordable choice naman for pregnant moms ang Aynmer Maternity Support Belt. Sa kabila ng pagiging mas mura nito kumpara sa ibang brands ay makakasigurado kang maganda ang quality nito. Hindi ito nahuhulog o dumidiin sa katawan kaya maarin itong gamitin habang nakahiga.
Ginamitan ito ng stretchy at preskong materials na idinisenyo buhatin ang weight ng iyong lumalaking tiyan tulad ng stable at firm na mga kamay. May arc cuts pa ito para masiguradong akma ito sa shape at size ng belly.
Features we love:
- Budget-friendly
- Stretchy at presko
- Arc cuts
Price Comparison Table
|
Brands |
Price |
Mama’s Choice – Leggings |
Php 599.00 |
Mama’s Choice – Belt |
Php 699.00 |
Mamaway |
Php 2,308.00 |
Blanqi |
Php 3,599.00 |
Mommy Kits |
Php 499.00 |
Aynmer |
Php 359.00 |
Kahalagahan ng pagkakaroon ng maternity support belt
-
Pag-bawas ng sakit ng joints at likod
Una sa lahat, naitala na 71% ng nagbubuntis ay nakararanas ng back pains samantalang 65% naman ay nakararanas ng pelvic pain. Bagama’t karamihan ng nagbubuntis ay nakararanas ng back at pelvic pain, maaari itong maiwasan sa paggamit ng maternity support belt bilang support sa tyan at lower back.
-
Nagsisilbi bilang gentle compression sa paggalaw
Ang maternity support belt ay nagsisilbing compression na nakakapag-suporta ng uterus at nagbibigay ng ginhawa tuwing gumagalaw ang mga Mamas. Mas mapapadali ang paggalaw kapag may maternity support belt na suot dahil ito at tumutulong sa pagdala ng tyan ng mga Mamas.
Hindi lang sa pagbubuntis maaaring gamiting ang maternity support belt dahil ito rin ay katuwang ng mga kapapanganak lang na Mamas. Lalo na at bagong panganak lamang kayo, Mamas, mahirap parin kumilos at nag-aadjust pa rin ang inyong katawan matapos manganak. Ang maternity support belt ay makatutulong i-compress nang mahinay ang inyong tyan para hindi masyadong masakit sa likod o sa inyong sugat ang pagkilos.
-
Tumutulong sa pag-maintain ng posture
Mamas, napapansin niyo ba na minsan ay nakahawak na kayo sa balakang ninyo para suportahan ang inyong posture? Ito ang tinatawag na “swayback" na kung saang sinusubukan ng isang Mama na suportahan ang dagdag na bigat ng kanilang tyan. Ang paggamit ng maternity support belt ay isa sa mga madaling solusyong upang hindi na kayo mag swayback at makapag-maintain ng good posture.
-
Pag-bawas sa pamamaga ng binti
Karamihan ng Mamas na nagbubuntis ay nakararanas ng pamamaga ng binti. Ito ay dulot ng pag-adjust ng inyong katawan sa pagbigat ng tyan. Ang pagsuot ng maternity support belt at nakatutulong sa pag-distribute ng body weight sa inyong binti para hindi mahirapan ang mga muscles at mamaga.
Tips kung paano ito suotin nang maayos
- Siguraduhing hindi masikip ang pag-suot ng belt
- Maaaring suotin sa ibabaw ng damit
- Alamin ang inyong tamang size para makaiwas sa discomfort o complikasyon
- Magkonsulta sa doctor kung kayo man ay nakraranas ng discomfort o pain sa paggamit ng maternity belt