X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Matigas ang ulo ng bata? 9 na paraan para matuto siyang makinig at sumunod

8 min read
Matigas ang ulo ng bata? 9 na paraan para matuto siyang makinig at sumunodMatigas ang ulo ng bata? 9 na paraan para matuto siyang makinig at sumunod

Narito ang mga tips kung paano mapapasunod ang batang matigas ang ulo.

Matigas ang ulo, mahirap pasunurin at hindi ba nakikinig ang anak mo? Maaring dahil kulang lang siya sa atensyon at pag-aalaga mo.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano makikipag-usap sa batang matigas ang ulo.
  • Ano ang dapat gawin para mapasunod ang iyong anak.

Batang matigas ang ulo

Ayon sa parenting expert at child and family therapist na si Meri Wallace, normal sa mga bata ang minsan ay matigas ang ulo, mahirap pasunurin at hindi nakikinig sa mga sinasabi ng kanilang magulang. Ito daw ang karaniwang nagiging reaskyon nila sa ilang mga bagay na nangyayari. Katulad ng na may kaugnayan sa kanilang pamilya. O kaya naman ay para mapansin o makuha ang atensyon ng mga magulang nila.

Hindi lang sinusubukan ng gawi nilang ito ang pasensya ng kanilang magulang. Nagdudulot rin ito ng sama ng loob sa kanila dahil lagi silang napapagalitan at nasisigawan.

Ngunit may mga paraan daw na maaring gawin ang mga magulang para maging cooperative o hindi na maging matigas ang ulo ng isang bata. Ayon kay Wallace, ito ay ang sumusunod:

matigas ang ulo

Image from Freepik

Mga paraan para hindi na maging matigas ang ulo ng iyong anak

1. Maging consistent sa mga limits na ibinibigay sa iyong anak.

Una ay maging firm at consistent sa pagbibigay ng limits sa anak at siguraduhing susundin ito kahit na ba umalma o hindi sumunod ang anak. Tulad ng pagbabawal na siya ay hindi puwedeng kumain sa sofa. Kung hindi ka niya pinapansin ay bigyan siya ng pagpipilian.

“Puwede kang kumain sa mesa pero puwede rin namang itabi natin ang sandwich mo para mamaya mo nalang kainin.”

Sa ganitong paraan ay naiisip ng iyong anak na siya ay may control sa nangyayari at magiging cooperative na. Ngunit kung hindi parin ito umuubra sa kaniya, hawakan na ang kaniyang kamay at dalhin siya sa mesa para matapos ang kinakain niya.

2. Kung mararamdaman mo na ang hindi niya pagsunod ay may kaugnayan sa emotional issue o dahil sa kawalan mo ng oras sa kaniya ay i-address ang kaniyang nararamdaman.

Sa pag-aaddress ng kaniyang nararamdaman ito ang maari mong sabihin: “Siguro kaya hindi ka sumusunod dahil galit ka. Siguro dahil busy ako at wala ng masyadong oras sayo.”

Sa ganitong pagkakataon ang pagseset-up ng isang outing o pag-mamark sa calendar ng inyong paglabas na makikita niya ay makakapagpabago ng kaniyang nararamdaman.

3. Pag-aayos sa inyong paligid para mas sundin ng iyong anak ang mga limits na ibinibigay mo.

Halimbawa, laging inaakyat ng iyong anak ang counter na kung saan nakalagay ang cookie jar at kahit ilang saway mo ay patuloy niya paring ginagawa ito.

Mabuting ilipat nalang ang cookie jar sa isang secure cabinet na hindi niya maabot o makikita. Ito ay para hindi na pagsimulan pa ng conflict at hindi ka na paulit-ulit na magsasaway pa sa kaniya.

4. Ang paraan kung paano ka nakikipag-usap sa iyong anak ay maari ring makaapekto sa pagsunod niya sa iyo.

Subukang i-neutralize ang iyong boses sa tuwing makikipag-usap sa iyong anak lalo sa tuwing mag-rerequest ka sa kaniya. Dahil sa ganitong paraan ay mas nararamdaman niyang may tiwala ka sa kaniya at siya ay makikipag-cooperate.

Para din mapasunod siya ay kailangan mong maging deretso sa gusto mong sabihin. At huwag na siyang bigyan ng pagkakataon na makasagot ng hindi.

Imbis na tanungin siya na, “Gusto mo bang hugasan ang kamay mo?”. Deretsong sabihin sa kaniya na, “Kailangan mong maghugas ng kamay bago kumain.”

matigas ang ulo ng bata

Photo by Ketut Subiyanto from Pexels 

BASAHIN:

12 signs na mayroon ng mental health disorder ang bata at hindi lamang simpleng pagiging matigas ang ulo

Kapag matigas ang ulo ng bata, makakatulong itong maging successful siya balang araw

STUDY: Mas nagiging pasaway ang bata kapag pinapalo

5. Iwasan ang pagtatalo sa pagitan niyo sa pamamagitan ng pagsasabi agad ng “no” o “hindi” kapag siya ay nag-request ng isang bagay na hindi puwede.

Tulad nalang kapag nanonood siya ng TV ngunit hindi mo siya maiwang mag-isa at kailang ninyong umalis.

Una ay ulitin mo muna ang kaniyang request, “Gusto mo manood ng TV.” Saka ilatag sa kaniya ang problema, “Pero kailangan nating lumabas, kasi baka magsara ang bangko kaya kailangan na nating umalis.” Saka magbigay ng solusyon tulad ng, “I-rerecord nalang natin yung palabas para mamaya mapapanood mo pag-uwi natin.”

6. Huwag mag-overreact at manatiling kalmado.

Minsan ang mga bata ay mas gusto na makikita tayong naiinis o naasar sa kanila. Kaya imbis na magalit ay baguhin ang reaksyon mo. Mas maiging manatiling kalmado o huwag mag-overreact sa tuwing may ginagawa siyang hindi mo gusto.

Sa ganitong paraan ay iisipin niyang hindi ka na naapektuhan at babaguhin niya na ang style niya at makikinig na sayo.

7. Mag-focus sa positibong ginagawa ng iyong anak.

Para naman sa human behaviour expert na si Danielle M. Dick, makakatulong rin kung mag-focus ka sa mga positibong bagay na nagagawa ng iyong anak kaysa sa mga negative actions niya.

Partner Stories
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Paliwanag ni Dick, tulad nating matatanda ayaw din ng mga bata na laging pinapansin ang mali nila. Naririndi rin sila at nakakaramdam na lagi nalang silang inaaway at hindi naiintindihan.

Kaya payo ni Dick, kaysa pansinin ang mga mali ng iyong anak ay mag-focus sa mga nagagawa niya ng tama. Kahit maliit na bagay man ito, lagi itong i-point out sa kaniya.

Dahil sa pamamagitan nito ay mas natutuwa siyang ulitin ang tamang gawi. At magiging masunurin na sa bawat utos mo dahil alam niyang ikinatutuwa mo ito.

Halimbawa, sabihin sa kaniya na masaya ka dahil nagising siya ng maaga. O kaya naman very good siya dahil naubos niya ang pagkain niya at hindi na sila nag-aaway ng kapatid niya.

Iwasang agad siyang pagalitan sa oras na siya ay may nagawang mali. Umisip ng paraan kung paano ito gagawing positibo sa kaniya.

matigas ang ulo tips

People photo created by tirachardz - www.freepik.com 

8. Gumamit ng rewards para mas mapasunod ang iyong anak.

Ayon parin kay Dick, isa pang pagkakamali na ginagawa nating mga magulang ay ang maling paggamit natin ng mga rewards at consequences sa ating anak.

Hindi raw makakabuti kung lamang ang consequences na ibinibigay sa kaniya kaysa sa rewards. Maiuugnay ito sa naunang paraan na ibinahagi ni Dick para mapasunod ang batang matigas ang ulo. Ito ay ang pag-fofocus sa mga positibong nagagawa niya at ang pagrereward sa mga ito.

Sa pagbibigay ng reward sa iyong anak, payo ni Dick ay dapat isaisip nito.

  • Dapat ay maging speficic o sabihin sa iyong anak ang behavior niya na binibigyan mo ng reward.
  • Kailangan ang ibibigay mong reward sa kaniya ay enthusiastic o ikatutuwa niya.
  • Ang reward ay dapat agad mong ibinibigay sa oras na magpakita siya ng magandang behaviour.
  • Dapat ay maging consistent rin sa pagbibigay ng reward sa tuwing ginagawa niya ang good behaviour na ito.

Pagdating sa pagbibigay ng consequences sa iyong anak ay narito ang mga dapat mong isaisip, ayon parin kay Dick.

  • Hangga't maari, payo ni Dick ay mainam na i-ignore ang bad behaviour ng iyong anak at mag-focus sa good behaviour na ginawa niya. Pero kung  sa tingin mo ay hindi dapat i-ignore ang bad behaviour na iyon ay dapat patawan na ito ng consequences.
  • Dapat ay maging consistent rin sa pagbibigay ng consequence sa bad behaviour niyang nagawa.
  • Sa pagbibigay ng consequence sa iyong anak ay dapat maging kalmado sa pakikipag-usap sa kaniya.

9. Tulungan ang iyong anak sa pag-solve ng kaniyang problema.

Payo parin ni Dick, sa pagtatama ng katigasan ng ulo ng iyong anak mas mabuti kung tutulungan siyang gawin ito. Tulungan siyang solusyonan ang problema niya na nagdudulot ng bad behaviour. O hindi lang naman dapat ikaw ang nag-struggle na maitama ang bad behaviour niyang ito. Paano ito gagawin?

Una, ay kausapin siya tungkol sa bad behaviour niyang ito. Alamin at tanungin siya kung bakit niya ito nagawa. Halimbawa, tukuyin ang dahilan kung bakit niya inaaway ang kapatid niya.

Bakit ayaw niyang mag-sipilyo, matulog sa hapon o bakit ayaw niyang kumain ng gulay. Sa ganitong paraan ay alam mo ang hakbang na susunod mong dapat gawin. Hakbang na dapat ay pareho ninyong sinang-ayunan at base sa inyong napag-usapan.

Halimbawa, kung nalelate ang iyong anak sa school ng dahil sa mabagal siyang kumain ay pagkasunduan ninyong ihuli ito sa mga preparations na ginagawa niya araw-araw.

Bago siya pakainin ay paliguin at pagbihisin na siya ng uniporme para ang huli niyang gagawin ay kakain nalang. Sa ganitong paraan ay hindi naapektuhan ang iba pa niyang task. Hindi rin siya na-pepressure at hindi rin sumasakit ang ulo mo sa pagpapasunod sa kaniya.

Dapat tandaan

Tandaan, ang bawat bata ay iba-iba ngunit pare-pareho lang ang pangangailangan nila. Ito ay ang atensyon at pagmamahal mula sa kanilang mga magulang.

Ang batang matigas ang ulo ay may dahilan. Kaya bago sila pagsabihan ng kung anu-ano ay maiging alamin muna kung ano ba ang dahilan kung bakit sila nagkakaganito.

Kausapin sila at tulungan silang itama ang kanilang pagkakamali. Higit sa lahat ay maging mabuting halimbawa sa kanila. Dahil sa bata nilang edad para sa kanila, ikaw ang kanilang modelo at idolo. Higit sa lahat sa iyo umiikot ang kanilang mundo na dapat puno ng pagmamahal at pang-unawa sa bata pa nilang kaisipan.

 

Source:

Psychology Today , Danielle Dick
Photo: Flickr Hive Mind

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Matigas ang ulo ng bata? 9 na paraan para matuto siyang makinig at sumunod
Share:
  • STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

    STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

  • 3 rason kung bakit hindi nagbabago ang ugali ng bata kahit ilang beses nang napagsabihan

    3 rason kung bakit hindi nagbabago ang ugali ng bata kahit ilang beses nang napagsabihan

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

    STUDY: Ang rason kung bakit nagiging pasaway ang bata

  • 3 rason kung bakit hindi nagbabago ang ugali ng bata kahit ilang beses nang napagsabihan

    3 rason kung bakit hindi nagbabago ang ugali ng bata kahit ilang beses nang napagsabihan

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.