Kambal nina Zoren at Carmina, nagdiwang ng kanilang 18th birthday!

lead image

Ganap ng dalaga't binata na ang twins na sina Mavy at Cassy Legaspi na nagcelebrate ng kanilang 18th birthday nitong Sabado.

Star-studded ang 18th birthday celebration ng Legaspi twins na sina Mavy at Cassy Legaspi na ginanap nitong Sabado, January 12 sa Once Canvas Events Place, Makati City.

Ang celebration ay isang Oscars-themed party na ang kambal mismo ang nakaisip. Sa isang interview sinabi ni Cassy na ito daw ay ideya ni Mavy na ang naging inspirasyon ay ang kasal ng kanilang mga magulang na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Ayon pa sa kaniya, gusto daw nilang gumawa ng isang bagay na kakaiba tulad ng wedding ng kanilang mga magulang na matuturing na iconic.

Matatandaang ang wedding nila Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ay isang surprise wedding proposal at ceremony na inorganize ni Zoren at ng kambal para kay Carmina sa Fernbrook Gardens noong 2012.

Kaya tulad ng kasal ng kanilang magulang, gusto ring i-celebrate nila Mavy at Cassy Legaspi ang kanilang birthday na kakaiba at masaya.

Para nga matulungan silang maisakatuparan ang kanilang Oscars-themed party ay hiningi nila ang tulong at expertise ng event designer na si Gideon Hermosa.

Pinuno ng kulay red at gold ang birthday party ng kambal na niliwanagan ng naggagandahang chandeliers at backdrop ng tulad ng pang-awards show.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Elegant and enchanting debut of Mavy and Cassy last night #MCeightwinth @gideonhermosa @lstsoundmobile #niceprintdebut

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

Samantala, para naman maging complete ang kanilang look for their Oscars-themed party ay binihisan sila ng award-winning designer na si Francis Libiran.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Beautiful twins @mavylegaspi and @cassy ?? #MCeightwinth

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

Kumikinang sa ganda si Cassy sa kaniyang glittering gold mermaid dress na may mahabang ruffles. Isang young at fresh gentleman naman tingnan si Mavy sa kaniyang navy blue ensemble na tinernohan niya ng white sneakers. Ito daw ay dahil ang kanilang birthday ay hindi isang formal event kung hindi isang celebration na gusto lang nilang maging memorable at masaya.

Looking young and lovely din ang magulang ng kambal na si Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa kanilang mga outfit.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Tonight! Debut / 18th birthday of @mavylegaspi @cassy ?? with their parents @zoren_legaspi @mina_villarroel #mceightwinth

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

Lutang na lutang ang ganda ni Carmina sa kaniyang sequined purple off-shoulder gown na dinesenyo rin ni Francis Libiran. Isang tunay na maginoo namang tingnan si Zoren sa kaniyang navy blue tuxedo. Sa kanilang family picture nga ay makikita ang saya ng showbiz family royalty sa espesyal na araw na ito para sa kanila.

Ang Oscars-themed birthday party nga nila Mavy at Cassy Legaspi ay mas lalo pang binuhay ng pagdating at pagdalo ng mga kilalang actor at actresses mula sa iba’t-ibat network na nagsama-sama para sa importanteng araw na ito sa kambal.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

#KathrynBernardo at #mceightwinth 's bday! ??

A post shared by KD (@kathniel.fighters) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Miguel Tanfelix with Mavy and Cassy Legaspi at their 18th birthday celebration tonight!

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

Nagsimula nga ang birthday celebration at grand entrance ng kambal sa pamamagitan ng isang song number mula kay Cassy ng hit na "Blow Your Mind (Mwah)” ni Dua Lipa.

Isa nga sa pinakahihintay at madamdaming parte ng birthday celebration ay ang father and daughter dance ni Cassy at ng kaniyang amang si Zoren. Hindi rin naman syempre nagpahuli sa Mavy na may mother and son dance kasama ang kaniyang ina na si Carmina.

Father and daughter dance

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Dancing with tatay Cassy and Mavy 18th Birthday celebration. #cassylegaspi #darrenespanto #cassren #mavylegaspi #cassrenmav #MCeighTWINth

A post shared by CassRen Official (@teamcassren) on

Mother and son dance

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Mother & Son | Father & Daughter ? #MCeighTWINth

A post shared by monique v. evangelista (@moniqueevangelista_) on

Nag-iwan din ng sweet message sina Carmina at Zoren para kay Mavy at Cassy.

Carmina:

"Don't forget to look after each other, because besides us, you only have each other.

"Remember that life is not easy, it's filled with challenges, difficulties, and failures, but don't give up.

"If you fall, stand up and keep on trying until you succeed."

Zoren:

"Please, don't make your life difficult by making bad decisions.

"I keep telling them, pag traffic ka sa EDSA, if you miss a way, napakahirap di ba mag-U-turn sa EDSA.

"So that's about life. If you make a mistake in your life, napakahirap mag-U-turn."

Hindi tulad nga ng traditional na debut, imbis na 18 roses ay 18 awards ang inihanda ng kambal para sa mga attendees’ ng kanilang party. Ito ay kanilang paraan upang mabigyan ng recognition at pasasalamat ang 18 na taong naging importanteng parte ng kanilang buhay.

Ang naturang event ay dinaluhan ng mahigit na 200 na guests na binuo ng mga kapamilya, kamag-anak at mga kaibigan ng pamilya Legaspi.

Nakompleto naman ang event sa pamamagitan ng four-course meal na inihanda ni Chef Florabel Co-Yatco at ng tatlong art-deco black-and-gold cakes na ginawa ng Mannix Monday para sa kambal.

Ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi ay ipinanganak noong January 6, 2001 na nagkaroon ng intimate celebration kasama ang kanilang mga magulang sa kanilang mismong kaarawan sa The Cellar, Bonifacio Global City.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Happy Birthday my favorite twins Mavy and Cassy! ?? we Love you so si much! ❤️?

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) on

 

Sources: PEP.ph, Inquirer
Photo: Nice Print Photography

Basahin: Zoren Legaspi and Carmina Villaroel had a photoshoot with their kids!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!