Maxine Medina sa mister na si Timmy Llana: “I can’t wait to see you in your new dad role, and please know that I love you more than anything in the world.”

Si Maxine malapit naring maipanganak ang first baby nila ng mister na si Timmy.

Maxine Medina may sweet na birthday message sa husband niyang si Timmy Llana.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Maxine Medina birthday message to husband Timmy Llana.
  • Pagbubuntis ni Maxine sa una nilang anak ng mister.

Maxine Medina birthday message to husband Timmy Llana

maxine medina with husband timmy

Larawan mula sa Instagram

May sweet na mensahe ang beauty queen na si Maxine Medina sa husband niyang si Timmy Llana na nagdiwang ng birthday nito kamakailan lang. Si Maxine ibinahaging napakasaya niya sa piling ng kaniyang mister. Sa katunayan kahit nga daw wala pa silang isang taon na kasal ay feeling niya sampung taon na silang magkasama. Ngayon na ini-expect narin nila ang kanilang first baby ay excited rin si Maxine na makita ang mister niyang si Timmy bilang isang ama.

“To my lover, husband, best friend, and soon-to-be dad of our son— @timmyllana Wala pa pala tayong 1 year kasal but it feels like 10 years already! I can’t wait to see you in your new dad role, and please know that I love you more than anything in the world.”

Ito ang bungad ni Maxine sa kaniyang IG post.

maxine medina with husband

Larawan mula sa Instagram

Pagpapatuloy niya, proud din siya sa achievement nilang maga-asawa. At naglolook forward siya sa more memories together lalo na kapag dumating na ang kanilang baby na tinawag ni Maxine na “Zeke”.

“I’m always proud to be your ride-or-die. I’m so thrilled with whatever goes on in our lives and it makes me more excited to see more life adventures with you! My favorite, my love, my everything. Cheers to more adventures, laughs, and diaper changes together! I LOVE YOU babe HAPPY BIRTHDAY 🎈🎂 Zeke is coming. 🤗”

Ito ang mensahe pa ni Maxine sa mister niyang si Timmy Llana sa kaarawan nito.

Pagbubuntis ni Maxine sa una nilang anak ng mister

maxine medina pregnancy

Larawan mula sa Instagram

Si Maxine ngayon ay nasa 36th week na ng kaniyang pagbubuntis. At anumang araw ay inaasahan na manganganak na siya sa unang anak nilang mag-asawa.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!