McCoy de Leon ng malamang buntis si Elisse: “Buong-buong sa isip ko na gusto kong makita, gusto kong buhayin.”

McCoy de Leon ng malamang buntis si Elisse: “Buong-buong sa isip ko na gusto kong makita, gusto kong buhayin.”

McCoy natulala ng makita si Baby Felize sa unang pagkakataon.

McCoy De Leon at Elisse Josonjourney to parenthood, paano nga ba ang naging reaksyon ng dalawa ng malamang magiging magulang na sila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • McCoy De Leon at Elisse Josonjourney to parenthood.
  • Pagbabago sa buhay nila Elisse at McCoy ng sila ay maging mga magulang na.

McCoy De Leon at Elisse Josonjourney to parenthood

Elisse Joson at McCoy de Leon relationship

Image from Elisse Joson's Instagram account

Sa unang pagkakataon, sa programang Pika-Pika ay nagpaunlak si McCoy de Leon ng isang panayam. Ang first-time dad ay masayang sumagot tungkol sa bagong role niya ngayon.

Ito ay ang pagiging ama sa anak nila ng aktres na si Elisse Joson na kanilang pinangalanang Felize McKenzie na ayon kay McCoy ay 6 months na sa ngayon.

Kuwento ni McCoy, hindi sila magkasama ni Elisse ng malaman niyang buntis ito. Pero noong oras na malaman niyang sila ay magkakaanak na, buong-buo umano ang isip ni McCoy na magpaka-tatay sa anak nila.

“Nag-video lang kami and then nag-send lang siya ng message na she is pregnant.”

“Noong malaman namin buong-buong sa isip ko na gusto kong makita, gusto kong buhayin.”

Ito umano ang naging agad na reaksyon ni McCoy ng malamang buntis si Elisse sa magiging anak nila.

McCoy natulala ng makita ang anak sa unang pagkakataon

McCoy De Leon at Elisse JosonImage from McCoy de Leon's Instagram account

Kuwento ni McCoy, nag-alangan daw sila na sabihin ang magandang balita sa mga magulang nila noong una. Sa katunayan nga daw ay nalaman nalang ng mama niya na buntis si Elisse ng ito ay malapit ng manganak. Nang subukan niya nga daw ipagtapat ito ay naunahan at nahulaan na daw ng mama niya ang sasabiihin niya. Pero naging magaan daw ang pagtanggap dito ng mama niya dahilan para lalo niya itong mahalin pa.

“Lalo kong minahal 'yong nanay ko kasi walang hate. Pero usual worried sa kung anong puwedeng mangyari sa work namin." kuwento pa ni McCoy.

Pagkukuwento pa ni McCoy sa ibang bansa nanganak ni Elisse. Bagama't sa mga unang buwan ng kaniyang pagbubuntis ay nandito pa siya sa bansa. Naranasan nga raw ni McCoy na maghanap ng pinaglilihian nitong mangga ng alas-9 ng gabi.

Dahil sa ibang bansa nanganak si Elisse ay hindi niya nasaksihan ang panganganak nito. Nakita na lang niya ang kanilang baby ng makabalik na ang mag-ina niya dito sa Pilipinas. Sa una nga raw nilang pagkikita ay natulala si McCoy sa anak nila.

“Hala ang liit 'yon lang ang nasabi ko. Hindi ako umiyak. Hindi ako nakatawa, nakatingin lang ako sa kaniya. In a while, sobrang sobrang napapasaya niya ako lalo na ngayon.”

Ito ang pagbabahagi ni McCoy ng makita niya ang anak na si Felize sa unang pagkakataon.

BASAHIN:

Jewel Mische ipinanganak na ang kaniyang 3rd baby na si Yzbel Quinn

LOOK: Elisse Joson at McCoy De Leon ipinakilala na sa publiko ang kanilang Baby Felize

McCoy de Leon: “Hindi man ako perpekto, gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo”

McCoy sinabing lahat ay gagawin para sa mag-ina niya

nextbymetrophoto

Image from Next by MetroPhoto

Sa ngayon, bagama't hindi man deretsong inamin ni McCoy na nagsasama na sila ni Elisse ay naranasan niya raw na mapuyat sa pag-aalaga sa baby nila.

Nasubukan niya na nga rin daw magpalit ng diapers nito. Pero bilang isang ama ay ayos lang daw ito lalo na kapag nakikita niyang nakangiti ang baby Felize niya sa kaniya.

“Mahirap po hindi biro pero kapag nakikita mong nakangiti 'yong anak mo nawawala lahat ng hirap, 'yong stress.”

Ito ang sabi pa ni McCoy.

Sabi pa ni McCoy, malaking pagbabago sa buhay niya ang naidulot ng pagdating ng anak niyang si Felize. Kaya naman ipinangako niya at alam niya sa sarili niya na lahat ay kaniyang gagawin para sa anak.

Mapalad nga umano siya na si Elisse ang kaniyang kasama at ina ng anak niya. Dahil alam niyang tulad niya ay magiging mabuting magulang ito para sa anak.

“Sobrang swerte namin ng baby namin kay Elisse kasi sobrang genuine niya. Lahat gagawin niya para amin, para sa baby niya. Disiplanado siya, confident ako na maapply niya rin sa anak namin.”

Ito ang sabi pa ni McCoy.

McCoy de Leon ng malamang buntis si Elisse: “Buong-buong sa isip ko na gusto kong makita, gusto kong buhayin.”

Image from Next by MetroPhoto

 

Matatandaang nitong Linggo, October 31, ni-reveal nila McCoy at Elisse na sila ay may anak na. Ang rebelasyon ay kanilang ginawa sa programang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN na kung saan nagsimula ang pagtitinganan nilang dalawa.

Photo:

Image from Next by MetroPhoto

Source:

Pika-Pika Showbiz Youtube Channel

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!