Deniss Padilla sa tampuhan nila ng mga anak: "Sana patawarin niyo na ako. I am not getting any younger."

Hiling ng aktor ngayong pasko ang pagpapatawad ng mga taong malapit sa puso niya.

Dennis Padilla nais magkasama-sama ang mga anak. Aktor hiling na sana’y mapatawad na siya ng mga anak na may tampo sa kaniya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga anak ni Dennis nais niya sanang mapagsama-sama.
  • Dennis may mensahe sa mga mahal sa buhay na may tampo at galit sa kaniya.

Dennis Padilla’s trending post tungkol sa relasyon ng anak at magulang

Muling nagsalita ang aktor na si Dennis Padilla tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng mga anak niya sa aktres na si Marjorie Barretto.

Ito ay dahil sa naging trending niyang pagre-repost sa quote na ginawa ng aktres at model na si Ivana Alawi kamakailan lang. Sa post ni Ivana ay sinabi niyang kung maaari habang buhay ang ating mga magulang at mayroong hindi pagkakaintindihan ay mabuting magpatawaran na. Huwag ng hintayin na sila ay mawala. Ayon sa aktor, ay great advice daw ito.

mga anak ni dennis padilla

Image screenshot from Dennis Padilla’s Instagram account

Marami ang nag-akalang patama ito ng aktor sa mga anak niya kay Marjorie Barretto na sina Julia Barretto, Claudia Barretto at Leon.

Pero sa isang panayam sa kaniya ng aktres na si Aiko Melendez ay sinabi ng aktor na hindi naman ito patama sa kaniyang mga anak. Nai-repost niya lang umano to dahil sa n-amiss niya ang tatay niya na isa ring kilalang aktor rin na si Dencio Padilla.

“‘Di ba kasi malapit na piyesta ng patay nun, malapit na ‘yong All Soul’s Day naalala ko kasi ‘yong tatay ko. Kasi panganay ako sa magkakapatid, may times na kapag panganay ka kasi ang kailangan mo tatay. Kasi minsan may mga bagay na hindi mo masabi sa nanay mo. Kaya namiss ko.”

Ito ang pagpapaliwanag ni Dennis kung bakit niya nai-share ang post ni Ivana patungkol sa mga magulang. Dagdag pa niya, pinaliwanagan niya naman daw ang mga nag-akala na ang ni-repost niya ay para sa mga anak.

“Nag-message naman ako sabi ko I posted that regarding parents kasi I miss my dad. Hindi naman lahat ng pinopost ko tungkol sa parents e tungkol sa akin o sa mga anak ko.”

Ito ang kuwento pa ni Dennis.

Mga anak ni Dennis Padilla nais niyang mapagsama-sama

mga anak ni dennis padilla

Mga anak ni Dennis Padilla na sina Julia Barretto, Claudia Barretto at Leon/ Image screenshot from Dennis Padilla’s Instagram account

Pag-amin ng aktor malungkot siya sa estado ng relasyon nila ng mga anak niya ngayon kay Marjorie Barretto. Aminado naman umano siya na may naging pagkukulang at may nagawa siyang kasalanan sa kanila.

Pero sabi ng aktor nagsisisi na siya at humingi na ng patawad. Bagama’t naiintindihan niya rin naman na baka hindi pa handa ang mga ito na patawarin siya.

“Well, I tried. Kasi tayo ‘di ba pag may nagawang kasalanan sa atin ang isang tao kahit mag-sorry siya pero hindi pa naman tayo ready na patawarin, ayaw muna natin.

“Inuunawa ko na lang na baka nga nasaktan ko ‘yong damdamin nila. Kaya ganun ‘yong nararamdaman nila towards me.” sabi pa ni Dennis Padilla.

Ayon nga kay Dennis, dahil sa ngayon ay nagkakaedad na siya, may isang bagay sana siyang nais gawin. Ito ay ang mapagsama-sama ang mga anak niya.

“That was a dream for me na mapagsama-sama ‘yong mga anak ko kasi malalaki na.”

Kabilang nga sa mga anak na tinutukoy niya ay ang panganay ni Marjorie na si Dani Barretto na itinuturing niya naring hindi iba.

“I consider her my daughter. Kasi many years in her young life, she was using my family name. She was a Baldivia. hanggang grumaduate ata siya ng grade 7.”

Ito ang sabi pa ng aktor patungkol naman sa anak ni Marjorie kay Kier Legaspi na si Dani Barretto.

BASAHIN:

Julia Barretto asks dad Dennis Padilla kung ano ang biggest regret niya

Julia Barretto on relationship with dad Dennis Padilla: “Everything is so much better than it was before”

Marjorie Barretto may babala sa mga naninira sa anak niya, “You better know when to stop!”

Hiling at realizations ni Dennis Padilla

mga anak ni dennis padilla

Image screenshot from Dennis Padilla’s Instagram account

Ngayon, sabi ni Dennis ay magiging napaka-lungkot ang pasko niya. Dahil nag-iisa lang siya dito sa bansa at ang second family niya ay nasa Australia.

Kaya ngayong pasko ay may hiling sana ang aktor.

“Sana kung ano man ‘yong mga naging pagkakamali ko ‘dun sa mga tao na minamahal ko patawarin niyo na ako. I am not getting any younger.”

Ito ang pakiusap ng aktor. Dagdag niya pa dahil sa mga pinagdadaanan niya ngayon ay may realizations siya.

“Ngayon ko lang naappreciate ‘yong tatay at nanay ko noong araw. Grabe pala yung sakripisyo binuhos nila sa atin kasi ganoon rin tayo ngayon sa anak natin.”

Ito ang sabi pa ng aktor na isa ring anak at ama na si Dennis Padilla.

Panoorin dito ang buong panayam ni Aiko Melendez kay Dennis Padilla.

Source:

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!