LIST: Mga gamit na kailangan ni baby
Ikaw ba ay first time mom at naghahanap ng guide sa preparation kay baby? Don't worry, dahil tutulungan ka namin sa mga dapat bilhin para sa newborn baby!
Ikaw ba ay first time mom at kasalukuyang naghahanap ng guide para sa preparation sa paglabas ni baby? Don’t worry mommy dahil tutulungan ka namin sa mga dapat bilhin para sa newborn baby!
Mga dapat bilhin para sa newborn baby
Ang pag paplano ng maaga ay makakatulong upang hindi magahol sa oras. May pagkakataon kasi na napapaaaga ang panganganak ng ibang nanay dahilan para mawala na sa isip ang mga mahalagang gamit ni baby na gagamitin paglabas nito.
Ang akala ng karamihan, ang tanging kailangan lang ng isang newborn baby ay lampin, baby wipes, diaper, newborn socks at mittens. Ngunit sa likod nito, marami pa talaga ang mga gamit na kailangan ni baby. Katulad na lamang ng crib, undershirts, laundry detergents para sa baby at iba pa.
Makakatulong rin ang advance planning sa pagbili ng mga gamit na kailangan ni baby lalo na kung hindi kaya ng isang bagsakan ang pagbili nito. Kung nag iipon pa at hindi keri ng budget, pwede namang paunti-unti ang pagbili ngunit dapat ay kumpleto na ang mga gamit sa checklist mo.
Kaya naman mahalaga na planuhin agad ang mga kailangan sa paglabas ni baby. Naman narito ang mga dapat bilhin para sa newborn baby.
Clothing
- 12 pcs na lampin – kailangan ito ay madami dahil hindi mapipigilan na oras-oras ay kailangan magpalit ng lampin.
- 6 pcs soft pants – piliin ang malambot at hindi makati sa balat na tela
- 3 pcs newborn hats – proteksyon sa lamig
- 7 newborn undershirts – magsisilbi itong pang araw-araw na suot ni baby
- one piece stretchy sleepers – ito naman ay maaaring suotin sa gabi lalo na kung malamig ang panahon.
- 8 pcs newborn socks – proteksyon para sa lamig sa gabi
- 3 pcs newborn mittens – makakatulong ito upang hindi makalmot ni baby ang kanyang mukha.
- 10 pcs bibs – kailangan rin ng madami nito dahil mapipigilan ang pagkalat ng lungad sa damit ni baby.
- Burp cloths – makakatulong ang burp cloths sa pag papadighay kay baby
- 5 dress up outfit – ito ay optional naman at kung gusto mo lang damitan si baby kung lalabas ng bahay.
Feeding
- Breast pump – makakatulong ang breast pump para sa mabilis na pagpapainom ng gatas kay baby.
- Milk storage containers – ang milk storage containers na ito ay para maimbak mo ng maaga ang iyong gatas. Makakatulong ito kung papainumin ng gatas si baby habang nasa labas kayo ng bahay.
- Thermal bottle carrier – mapapanatili nitong warm ang temperature ng gatas sa container.
- Nursing pillow – upang magkaroon ng komportableng position si baby at hindi mangalay si mommy, ang nursing pillow ay isang solusyon para rito.
Bathtime
- Baby soap – Pumili ng magandang uri ng sabon at siguraduhin na ito ay pwede sa iyong baby.
- Plastic infant tub – ito naman ang mag sisilbing liguan ni baby.
- Baby oil
- Moisturizing cream
- Soft-bristled hair brush – hindi kailangan ng matinding pagsuklay kay baby dahil malambot pa ang bunbunan nito. Piliin ang soft-bristled hair brush para mapanatiling nasa ayos ang buhok nito.
- Toys – optional ang laruan para sa pagpapaligo at ito ay pandagdag aliw lang kay baby.
Bedtime
- Crib – pumili ng maayos at matibay na kuna para kay baby.
- Kumot – pumili ng cotton at maayos na tela para sa magiging kumot ng iyong anak.
- Baby mobile – Nakakatulong kay baby ang baby mobile sa kanyang sensory development.
- Kurtina – ito ay magsisilbing pantakip ng liwanag kung sakaling maaarawan si baby. Kailangan ito upang hindi siya basta bastang magising at maging komportable ang tulog.
- Unan – kung bagong panganak pa lang si baby, mas advisable na wala munang masyadong maraming unan. Ito ay para hindi siya masikipan sa loob ng crib at maiwasan ang risk ng suffocation.
Gamit sa pagpapalit
- Diaper – importante ang diaper lalo na sa unang mga buwan ni baby. Piliin ang magandang uri ng diaper para hindi magkaroon ng rash si baby.
- Changing mat – makakatulong ang changing mat para mapanatili ang kalinisan kapag magpapalit ng lampin o diaper si baby. Ito ay para may specific spot rin kung saan siya ilalapag.
- Baby wipes – dahil hindi pa pwedeng mabasa ng maraming tubig si baby, sapat na muna ang baby wipes para pampahid sa kanyang puwit kapag ito ay nadumi o naihi sa diaper.
BASAHIN: Safe at tamang paghiga ng buntis upang makaiwas sa stillbirth