theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
  • COVID-19
  • Becoming A Parent
    • Project Sidekicks
    • Trying to conceive
    • Pagbubuntis
    • Delivery
    • Losing a Baby
  • Edad at Yugto
    • Baby
    • Toddlers
    • Pre-schooler
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Balita
    • Relasyon at Sex
  • Kalusugan
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Edukasyon
    • Pre-school
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Contests & Promotions
    • Mga Artista
    • Fitness
    • Wellness
    • Pera
  • Press Room
  • Shopping

Mga mahalagang dapat tandaan at gawin kapag may sunog

4 min read
•••
Mga mahalagang dapat tandaan at gawin kapag may sunogMga mahalagang dapat tandaan at gawin kapag may sunog

Maging handa, maalam at kalmado sa oras ng skauna param sigurado ang kaligtasan ng buong pamilya. Narito ang mga dapat gawin kapag may sunog! | Lead image from iStock

Minsan, kahit anong ingat pa natin, nangyayari talaga ang mga hindi inaasahang bagay. Isa na rito ang ang pagkakaroon ng sunog sa ating mga tahanan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 3 karaniwang pinagmumulan ng sunog
  • Mga mahalagang dapat tandaan at gawin kapag may sunog
  • Paghahanda bago, habang at pagkatapos ng sunog
mga dapat gawin kapag may sunog

Mga dapat gawin kapag may sunog | Image from Unsplash

Hindi natin matatakasan ang mga ganitong trahedya ngunit maaaring mapigilan natin ito sa pagigitan ng pagiging maalam. Narito ang mga dapat tandaan upang makaiwas sa sunog at mga dapat gawin kapag may sunog sa inyong bagay.

3 karaniwang pinagmumulan ng sunog

Ang sunog ang isa sa mga karaniwang pinagmumulan ng sakuna sa loob ng bahay man ‘yan o labas. Maraming bagay ang pinagmumulan ng apoy. Katulad na lamang ng naiwang kandila sa bahay, nag-leak na gas stove o kaya naman ang simpleng paglalaro ng posporo ng mga bata.

Lahat ng ito ay posibleng mangyari lalo na kung walang tamang pag-iingat ang iba. Narito ang tatlong pangkaraniwang pinagmumulan ng sunog.

BASAHIN:

7 bagay na dapat gawin ng mga bata pag mayroong lindol

10 bagay na dapat gawin at ihanda bago dumating ang bagyo

LIST: Important emergency and delivery hotlines na dapat mong malaman

1. Kandila

Kapag naiwang may apoy pa ang isang kandila sa kusina at ito ay hindi sinasadyang matumba, malaki ang posibilidad na pagmulan ito ng apoy. Kaya naman, kung gagamit ng kandila, mabuting patayin agad ito at ‘wag iiwanang magdamag sa inyong bahay. ‘WAG ding paglalaruan dahil ito ay lubhang delikado.

2. Overheat

Sobra-sobra at matagal na paggamit ng isang appliances. Ito ang una sa ating listahan. Pinagmumulan ito ng sunog dahil kapag ito ay uminit ng todo, maaari itong sumabog at pagmulan ng apoy. Lalo na kung ang isang appliances ay malapit sa tela katulad ng kurtina o kumot.

Upang makaiwas sa pag o-overheat ng isang bagay, ugaliing ipahinga ito kung wala namang gumagamit. Pangalawa, iwasang bumili ng mga pekeng appliances o hindi rehistrado. Kung aalis ng bahay, bunutin lahat ng saksakan sa main socket o kaya naman i-off muna ang main breaker switch ng buong bahay.

mga dapat gawin kapag may sunog

Mga dapat gawin kapag may sunog | Image from Unsplash

3. Chemical fire

Ayon sa NFPA, ang sunog na nagmumula sa mga kemikal ay lubhang delikado. Ito kasi ay biglaan at mabilis kumalat. Upang makaiwas dito, gumamit lamang ng aprubadong gas. Kung hindi ginagamit, isara ito para maiwasan na mag-leak.

Mga mahalagang dapat tandaan at gawin kapag may sunog

May sunog? Kailangang maging kalmado ngunit dapat mabilis ang pagkilos! Sa loob ng dalawang minuto, maaaring malagay na sa panganib ang buhay ng iyong pamilya.

  • Mabilis ang apoy. Kailangan nating malaman na mabilis kumalat ang apoy sa loob ng bahay. Lalo na kung gawa sa kahoy mahinang mteryales ito.
  • Nakamamatay ang sunog. Mas matindi ang banta sa buhay ng usok at toxic gases kaysa sa apoy mismo.

Paghahanda bago ang sunog

Gaya ng nabasa sa taas, kadalasan ay hindi natin namamalayan ang sunog. Kaya naman kung sakling ito ay mangyari, maaaring magplano ng maaga ng inyong FIRE ESCAPE PLAN sa bahay. Itipon ang pamilya at pag-usan ito.

  • Maghanap ng dalawang labasan sa inyong bahay na malayo sa apoy o usok.
  • Turuan ang maliliit na bata na hindi dapat magtago kapag may sunog.
  • Siguraduhin na madaling maalis ang mga bintana.
  • Maglagay ng smoke alarm sa loob ng bahay.
  • Ilagay sa iisang bag ang lahat ng importanteng dokumento o kaya naman magkaroon ng digital copy nito.
  • Maglagay ng fire extinguisher sa loob ng bahay.
mga dapat gawin kapag may sunog

Mga dapat gawin kapag may sunog | Image from Unsplash

Paghahanda habang may sunog

  • Kung tanaw mo na ang makapal na sunog sa loob ng inyong bahay, takpan ang ilong ng basang tela at gumapang ng mabilis palabas.
  • Kung inabot ng apoy ang iyong damit, ang dapat mong gawin ay i-roll ang sarili sa sahig. Gawin ito hanggang sa mapatay ang apoy.
  • Kung hindi mabuksan ang pinto, agad na pumunta sa pangalawang labasan.
  • Kung may oras pa, kumuha ng malaking towel at basain ito. Ito ang gawing pangtaklob sa sarili habang lumalabas ng bahay.
  • Tumawag agad ng rescue.
  • Maging mabilis ang kilos at maging kalmado!

Paghahanda pagkatapos ng sunog

  • Hintayin ang signal ng mga rescuer kung maaari nang pumasok sa inyong bahay. Sundin sila dahil sila ang nakakaalam kung ligtas na bang puntahan ang inyong bahay.
  • Magsagawa ng inventory para sa lahat ng bagay na nasunog o nasira.
  • Bantayan ang mga tulong na paparating sa inyong lugar.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img

Sinulat ni

Mach Marciano

  • Home
  • /
  • Emergency
  • /
  • Mga mahalagang dapat tandaan at gawin kapag may sunog
Share:
•••
  • Kakulangan ng ospital sa Boracay, inireklamo ng isang ina

    Kakulangan ng ospital sa Boracay, inireklamo ng isang ina

  • E-bike naging sanhi ng sunog matapos itong magliyab sa isang tindahan!

    E-bike naging sanhi ng sunog matapos itong magliyab sa isang tindahan!

  • If you don’t want your kids to be ill mannered, stop doing these 5 things

    If you don’t want your kids to be ill mannered, stop doing these 5 things

  • Solenn Heussaff inamin na 8 buwan na silang hindi nagtatalik ni Nico Bolzico

    Solenn Heussaff inamin na 8 buwan na silang hindi nagtatalik ni Nico Bolzico

app info
get app banner
  • Kakulangan ng ospital sa Boracay, inireklamo ng isang ina

    Kakulangan ng ospital sa Boracay, inireklamo ng isang ina

  • E-bike naging sanhi ng sunog matapos itong magliyab sa isang tindahan!

    E-bike naging sanhi ng sunog matapos itong magliyab sa isang tindahan!

  • If you don’t want your kids to be ill mannered, stop doing these 5 things

    If you don’t want your kids to be ill mannered, stop doing these 5 things

  • Solenn Heussaff inamin na 8 buwan na silang hindi nagtatalik ni Nico Bolzico

    Solenn Heussaff inamin na 8 buwan na silang hindi nagtatalik ni Nico Bolzico

  • Pagbubuntis
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Pagiging Magulang
    • Gabay ng Magulang
    • Advice for Parenting Kids
    • Relasyon at Sex
  • Lifestyle
    • Local celebs
    • Mga Artista
    • Pera
    • Balita
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Kalusugan
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore
  • Thailand
  • Indonesia
  • Philippines
  • Malaysia
  • Sri Lanka
  • India
  • Vietnam
  • Australia
  • Japan
  • Nigeria
  • Kenya
Mga Partner ng Brand
Mama's Choice Partner Brand Logo
© Copyright theAsianparent 2021. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use
Articles
  • img
    Community
  • img
    COVID-19
  • img
    Becoming A Parent
  • img
    Edad at Yugto
  • img
    Pagiging Magulang
  • img
    Kalusugan
  • img
    Edukasyon
  • img
    Lifestyle
  • img
    Press Room
  • img
    Shopping
Tools
  • ?Mom Community
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
  • Recipes
  • Food
  • Poll
  • img
    VIP Parents
  • Contests
  • Photobooth

I-download ang aming app

  • Advertise With Us
  • About Us
  • Team
  • Guidelines ng Community
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Maging Contributor
  • Tools
  • Articles
  • ?Feed
  • Poll
Buksan sa app