Alamin: Ano ang mga dapat na laman ng baby bag?

undefined

Narito ang mga importanteng bagay na dapat ilagay sa baby bag para sa iba't ibang pagkakataon

Sa dami ng kailangan ni baby sa tuwing lalabas kayo ng bahay, marahil ay hindi mo na malaman kung paano mo pagkakasyahin sa baby bag ang lahat. Kaya’t dapat ay alamin kung alin lamang ang talagang kailangan at dapat lamanin ng importanteng bag na ito: walang makakalimutan at walang hindi dapat dalhin.

Para malaman kung ano ang kailangan, itanong muna sa sarili ang mga sumusunod:

  • Saan ba kami pupunta?
  • Gaano katagal kami duon?
  • Malamig ba?
  • Outdoor ba o indoor?
  • Sino ang mga kasama?

Ang sagot sa mga tanong na ito ang magsasabi sa iyo kung ano ang importanteng laman ng bag ni baby.

Mga dapat ilagay sa baby bag

Kung malapit lamang ang pupuntahan at hindi magtatagal:

Pagpapakain

  • Breastfeeding cover. Pantakip habang nagpapasuso para may privacy.
  • Tubig para sa iyo at kay baby (nasa bote).
  • Burp cloths. Maaaring lamipn o panyo ng sanggol para ipatong sa balikat.
  • Magdala ng 3 hanggang 5, depende sa layo ng pupuntahan at kung gaano katagal kayo sa labas.
  • Alternatibong bote ng gatas (Formula milk), panigurado lang, kung gumagamit ka din nito
  • Tubig na nasa bote ni baby at formula milk
  • Nursing pads at Nipple Cream

Kung si baby ay 6 na buwan pataas:

  • Kutsara ni baby
  • Bowl o pinggan ni baby
  • Bib
  • Pagkain ni baby
  • Sariwang prutas (saging, avocado, atbp.)
  • Tinidor na plastik para sa pagmamash ng prutas
  • Ziploc bag, para sa nagamit na kutsara at bowl
Alamin: Ano ang mga dapat na laman ng baby bag?

photo: Baby Shop

Kung malayo o magtatagal kayo sa pasyalan, tulad ng overnight o balikan lamang pero out-of-town:

  • Bote ng gatas ng ina (frozen o nbakalagay sa cooler). Ang gatas ng ina ay hindi masisira sa room temperature mula 6 hanggang 8 oras. Kung lagpas dito, kakailanganin mo ng ice pack o frozen na gatas.
  • Breast pump
  • Portable Sterilizer
  • Sleep sack

Damit at iba pang gamit

  • Disposable na lampin. Kung malapit: 1-2 sa bawat oras na kayo ay nasa labas. Kung pang-overnight: isang dosena hanggang 18 piraso.
  • Lampin na tela. 2 hanggang 4.
  • Wet wipes. O bulak na nakababad sa tubig, at nakalagay sa isang lalagyan na mahigpit ang takip.
  • Diaper cream. Sudocream ang karaniwang ginagamit ngayon.
  • Diaper mat. Ito ay wetproof at inilalatag sa tuwing papalitan si baby ng lampin.
  • Damit. Magdala ng 1-2 pampalit na damit sa bawat oras din na kayo ay lalabas. Itupi at ilagay sa isang ziploc bag para madaling hugutin sa bag. Kasama na ang medyas, pantalon o shorts, sapatos.
  • Hand Sanitizer
  • Kumot. Magdala ng hanggang 3 piraso. Higit pa kung ang anak ay sanggol pa at binabalot pa sa pagtulog (swaddling).
  • Panyo. 3 hanggang 5, dahil ginagamit ito kapag naglalaway, pamunas ng gatas, suka o para sa pagdighay.
  • Depende sa klima: sumbrero o bonnet, mittens, jacket, SPF lotion.
  • Bug o spray laban sa lamok.
  • Pacifier
  • Laruan (Rattle, musical toy, paboritong stuffed toy na maliit lamang)
  • Reusable bag para sa maduming damit at plastic bag para sa maduming disposable diaper.

Anong bag naman ang kailangan?

Huwag manghinayang na gumastos ng medyo malaki para sa bag ni baby. Matagal-tagal mo kasi itong gagamitin, at palagi mong dala-dala ito. May iba’t ibang klase na ngayon ng bag.

Pangmalayuang pasyal

Tote Diaper Bag. Ito ang pinaka popular na gamit ng halos lahat at nakasanayan na dahil bitbit sa balikat, maluwag at may kasama nang diaper changing mat. May lalagyan ng iba’t ibang gamit, o compartments. Ang modelo na katulad ng Babymoov ay may kasama pang insulated bag para sa bote ng gatas o tubig, at marami pang kailangan ni baby, kaya’t bagay sa malalayong pasyal ng mag-anak.

Messenger bag. Kadalasang ito naman ang gusto ng mga tatay. Madaling dalhin para sa kanila dahil kaistilo ng mga panlalaking bag. May mahabang strap na nakasukbit sa leegm papunta sa tagiliran. Hindi masyadong “bulky” at kayan ding pagkasyahin lahat ng kailangan ni baby. Karaniwan, ito ang ginagamit kapag mas malaki na din ang anak.

Backpack Diaper Bag. Ang kagandahan ng bagong istilong ito ng diaper bag ay madaling bitbitin sa likod habang karga mo ang iyong sanggol. Maraming pwedeng ilagay sa loob at hindi rin nakakahiyang dalhin ng tatay. Hindi sagabal sa paggalaw ng dalawang braso at kamay.

Pangmadaliang pasyal ni baby

Kung malapit lang at sandali lang ang lakad, ito ang klase ng bag na bagay dalhin. May insulation din ito kaya’t hindi agad lalamig ang dalang pagkain o tubig para sa gatas ni baby. Kung malamig naman o frozen ang dala, hindi rin agad matutunaw ang yelo.

Madami ding bulsa na lalagyan ng iba’t ibang dala para kay baby. Ang Munchkin Baby-on-the-Go Bag ay isang halimbawa ng ganitong bag.

Ang isang rekumendadong bag para naman sa mga batang 2 hanggang 3 taong gulang, ay ang Safari Travel Lunch Bag Set ng BabyShopPh. Kumpleto na rin ang laman, at may lugar pa para sa ibang kailangan ng iyong toddler.

Para kay Nanay at Tatay

Huwag kalimutan na kailangan mo din mga gamit sa pag-alis ninyo ni baby. Ang ibang nanay ay pinipili ang nauso na ring signature bags dahil ito ang hilig nila. Ang Eddi eBauer, Kate Spade, Coach, at sadyang pam-baby na Ju-ju-Be ay ilan lamang sa mga tatak na naglabas na ng diaper bag para kay nanay at baby. Para nga naman hindi na dalawang bag pa ang dala—ito na rin ang lalagyan ng gamit ni Nanay.

Ano nga ba ang kailangan mong dala para sa sarili mo?

  • Susi (kotse, bahay, atbp)
  • Cellphone
  • Wallet
  • Hand sanitizer
  • Sunglasses
  • Water bottle
  • Snacks
  • Sumbrero
  • Headphones at MP3 player
  • Libro
  • Make up (para kay Nanay)

BASAHIN: 20 Pangunahing gamit na kailangan ni baby

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!