1. Hndi pwedeng isa lang ang sabihan mo ng ‘I love you’. Dalawa na sila so kapag nag I love you ka sa isa, mag I love you ka din sa pangalawa.
2. Kapag bibili ng pagkain, siguraduhing dalawa ang bibilhin. Halimbawa, dalawang ice cream, o kaya naman dalawang cotton candy kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan.
3. Kapag bibili ng laruan, dapat parehas. Parehas ang kulay, ang disenyo o ang hugis nito. Kasi kapag binilhan mo ‘yong isa ng color red, at ang isa naman ay blue, baka sabihin ng isa, ‘Mas maganda ang blue kasi.” At magsisimula nanaman ang pagiging referee mo.
4. Ihanda ang mga braso at kamay sa pagtulog. Hindi pwedeng isa lang ang yayakapin mo. Dalawa na sila kaya dapat sa gitna ka na pupwesto.
5. I-date ang panganay. Lalo na kung hindi pa siya sanay na may kapatid na siyang kahati sa atensyon mo. Paminsan-minsan lumabas kayo na kayong dalawa lang. Magpapasalamat at magsasabi ‘yan ng ‘I love you’ sa’yo, sure ako.
6. Wag lang isa ang pagagalitan. Hindi pwedeng dahil panganay, dapat mas nakakaintindi. At hindi din pwedeng dahil bunso, iintindihin. Hindi pwede yun. Kung sino mali, yun ang dapat pagsabihan.
7. At higit sa lahat, itanim sa puso’t isipan ng mga bata na magkapatid sila, sila dapat ang magkakampi. Sila lang ang magdadamayan pag dumating yung panahon na wala na silang mga magulang.
-Mom and the Chokolitos
Follow for more “Mga natutunan ko” — a series about Life, Parenting and Marriage.
Note: These are based on my experiences having two kids. My eldest is 4 years old and my youngest is 1 year old turning 2 in October. What works for my might not work for other moms out there. Let me just remind you that you are doing a great job and your kids love you Momma!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!