Anu-ano ba ang mga nauusong pangalan para sa mga baby?

lead image

Syempre, hindi lang dapat maganda ang pangalan ng ating mga anak, mahalaga din na maganda ang ibig-sabihin ng kanilang pangalan.

Isa sa pinaka-exciting na ginagawa ng mga magulang ay ang pag-iisip ng magandang pangalan sa kanilang magiging baby. Importante na pinag-isipang mabuti ang pangalan ng iyong anak, dahil dito sila makikilala ng ibang tao, at dapat mayroong magandang ibig-sabihin ang kanilang pangalan.

Kung wala pa kayong naiisip na pangalan para sa inyong magiging anak, bakit hindi niyo subukan ang mga sumusunod na tips?

Mga pangalan na madaling bigkasin

Ang mga pangalan tulad ng Mia, Noah, Liam, Arabella, at Ella ay ilan lamang sa mga nauusong pangalan na binibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Nauuso ang mga ganitong pangalan dahil madali silang bigkasin, at madali ring tandaan ang mga ganitong uri ng pangalan.

Siguro ay nagsawa na ang mga magulang sa pagbibigay ng mahahaba at komplikadong pangalan sa kanilang mga anak.

Mga pangalan na magandang tingnan kapag nakasulat

Nauuso din ngayon ang mga pangalan na magandang tingnan kapag nakasulat. Kabilang na dito ang Elliott, Wyatt, Scarlett, at Charlotte.

Hindi lang maganda at elegante pakinggan ang mga pangalan na ito, ngunit maganda din tingnan kapag nakasulat ang kanilang mga pangalan.

Mga pangalan na katutubo

Napakaganda ng mga lenggwahe na matatagpuan dito sa Pilipinas. Kaya hindi rin nakakagulat na mayroon ding mga magagandang pangalan na pwedeng makuha mula sa katutubong mga lenggwahe.

Kabilang na dito ang Amihan, Makisig, Luntian, at Marikit. Ang maganda sa ganitong mga pangalan ay hindi lamang naipapamalas ang ganda ng ating wika, maganda rin ang ibig sabihin ng mga pangalan na ito.

Mga makalumang pangalan

Ang isa pang nauuso pagdating sa pagbibigay ng pangalan ay ang paggamit ng mga makalumang pangalan.

Halimbawa na rito ang mga pangalan noong panahon ng Kastila, tulad ng Carlos, Miguel, Francisco, Maria, Aurora, at iba pa. Nauuso din ang ganitong mga pangalan dahil ito ay mga "classic" na pangalan, na hindi nawawala sa uso.

Kung ano man ang napili mong pangalan para sa iyong anak, ang pinakamahalaga ay ang lumaki silang mabuti, at ipinagmamalaki ang pangalan na iyong ibinigay sa kanila.

Source: todaysparent.com

READ: 15 Trendy (and popular) gender-neutral baby names

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!