Lampayatot si bunso? 31 na pagkain na makakatulong para tumaba at gumanda ang katawan ng bata
Dagdag pa ang mga tips na maari mong i-apply para mas marami siyang makain at lumusog na ang pangangatawan niya.
Alamin ang mga pagkaing pampataba na dapat ibigay sa iyong anak na siguradong makakabuti sa growth at development niya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kailan dapat mag-aalala sa mababang timbang ng iyong anak.
- Mga pagkaing pampataba na maaring ihain sa iyong anak na masustansiya.
Kailan dapat mag-alala sa mababang timbang ng iyong anak
Tayong mga magulang, nais na laging mukhang presentable ang ating anak sa lahat ng oras hangga’t maaari. Maliban sa gusto natin na lagi silang malinis, siyempre gusto rin natin na kaaya-aya tingnan ang hugis ng kanilang katawan.
Sila ay dapat na may katabaan ng kaunti o hindi payat na payat na madalas na iniuugnay natin sa pagiging malnourished.
Ayon sa mga eksperto, bagamat ito ay hindi isang disorder o sakit, ang hindi pagkakaroon ng dagdag na timbang na isang bata na nararapat dapat sa kaniyang katawan ay tinatawag na “failure to thrive”.
Ito ay ang hindi pagkuha ng isang bata ng sapat na calories na kailangan niya para lumaki o tumaba sa malusog na paraan. Ito ay palatandaan din na siya ay undernourished.
Mga dahilan kung bakit hindi tumataba ang bata
Photo by Alex Green from Pexels
Sa mga maliliit na sanggol o babies, ang madalas na dahilan ng hindi pagtaba ay maaaring dahil sa hirap silang makasuso. O kaya naman sila ay nakakaranas ng reflux o allergy sa ingredients ng formula milk na kanilang dinedede. Sa mga ganitong pagkakataon, may dalawang bagay na dapat gawin. Una, ang painumin sila ng vitamins na pampataba o pakainin ng mga pagkaing pampataba.
Habang para naman sa mga bata, ang mga dahilan kung bakit sila hirap na magkaroon ng dagdag timbang ay ang mga sumusunod:
- Kumakain ng kaunti lang ang bata. Ito ay maaaring dahil sa developmental delay o kaya siya ay picky eater. Maaaring ito rin ay dahil sa may nararanasan siyang kondisyon na kung saan nahihirapan siyang lumunok tulad ng cerebral palsy. O kaya naman nakakaranas siya ng autism na kung saan may mga certain textures o taste ng pagkain ang ayaw niya.
- Maaaring may health problems sa digestive system ang bata. Tulad ng gastroesophageal reflux (GER), chronic diarrhea, cystic fibrosis, chronic liver disease, at celiac disease. Ang mga sakit na ito ay nagiging dahilan para mahirapan siyang makakuha ng sapat na nutrients at calories na kailangan niya para tumaba.
- Siya ay may food intolence o ang katawan niya ay sensitive sa ilang pagkain. Tulad na lamang kung siya’y may milk protein intolerance o ang kaniyang katawan ay hindi maka-absorb ng mga pagkain tulad ng yogurt o cheese.
- Nakakaranas ang isang bata ng ongoing medical condition na may kaugnayan sa kaniyang puso, lungs at endocrine system.
- May impeksyong nilalabanan ang bata kaya naman mas maraming calories ang ginagamit ng kaniyang katawan.
- Kung hirap din ang bata na tunawin ang pagkain o siya ay may metabolic disorders ay hirap rin siyang tumaba.
Mga dapat gawin ng magulang
Sa oras na mapansing, hindi tumataba ang iyong anak ay mas mabuting dalhin siya sa doktor para matingnan. Ito ay upang masuri ang katawan niya at malaman ang dapat gawin para siya ay magkaroon ng dagdag timbang.
Dito ay maaaring magtanong ang doktor sa health history ng iyong anak. O kaya naman ay isailalim siya sa mga test para matukoy ang dahilan ng mababa niyang timbang o hindi pagtaba.
May mga maaari ka namang gawin para matulungang magkaroon ng dagdag na timbang ang iyong anak habang sinisigurado na malusog ang pangangatawan niya.
Una, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng mga pagkaing pampataba na masustansiya at makakabuti sa growth at development niya. Ang mga ito ay ang mga sumusunod;
Mga pagkaing pampataba na masustansiya para sa mga bata
Background photo created by jcomp – www.freepik.com
Protein
- Red meat, kabilang na ang ground beef at steak.
- White meat, tulad ng karne ng manok kasama ang balat nito.
- Pork sausage, pork chops, bacon, ham, at ribs.
- Fatty fish, tulad ng salmon, mackerel, tuna, trout, at sardinas.
- Nut at seed butters tulad ng peanut butter, cashew butter at almond butter.
- Nut at seeds tulad ng chia seeds, almonds at walnuts.
- Soy proteins gaya ng tofu at soy milk.
Dairy
- Full fat yogurt
- Full fat cheese
- Whole o 2 percent milk
- Buttermilk
- Half-and-half o cream
- Sour cream
- Cream cheese
Food photo created by master1305 – www.freepik.com
Fats and oils
- Olive oil
- Avocado oil
- Canola oil
- Butter
- Salad dressings
Carbs
- Rice
- Potatoes at sweet potatoes
- Corn
- High fiber, high protein breakfast cereals
- Whole grain bread
- Pasta
- Quinoa
- Oats
- Low sugar granola bars
Fruits and vegetables
- Coconut
- Avocado
- Figs
- Dates
- Dried fruits tulad ng raisins, apricots at cranberries
- Saging
- Kalabasa at iba pang root vegetables.
Beverages
- Smoothies na may ingredients tulad ng full fat yogurt, nut butters o coconut milk.
- Protein shakes na may protein powder, avocado, nut butters, o chocolate milk
- Hot cocoa na may whole milk
Dagdag tips para magkaroon ng malusog na pangangatawan ang iyong anak
Background photo created by jcomp – www.freepik.com
Maliban sa pagbibigay ng mga nabanggit na mga pagkaing pambata, ang iba pang maaaring gawin para matulungan magkaroon ng dagdag na timbang ang iyong anak ay ang sumusunod.
- Huwag hayaang uminom ng sobrang tubig ang iyong anak sa tuwing kumakain. Dahil sa ito ay maaaring bumusog o pumuno na agad sa kaniyang katawan. Unahin muna ang pagpapakain sa kaniya bago siya bigyan ng fluids o inumin. Iwasan ding bigyan siya ng mga inuming matatamis tulad ng soda at fruit juices.
- Bigyan ng anuman sa mga pagkaing pampataba ang iyong anak sa tuwing siya’y nagugutom. Huwag mag-stick na sa agahan, tanghalian o hapunan lang siya pakakainin.
- Makakatulong din ang pagbibigay ng pagkain sa iyong anak na makulay at presentable sa kaniya. Gaya ng paghihiwa o paghuhugis sa gulay at prutas ng iba-iba.
- Bigyan siya ng maraming small meals araw-araw. Hayaan siyang kumain ng kumain hangga’t gusto niya basta healthy ang mga kinakain niya.
- Huwag siyang hayaang kumain ng mga pagkaing walang sustansiya. Tulad ng mga binibili sa fast food na madalas ay mababa ang level ng nutrients.
- Hayaan ang iyong anak na mag-exercise para mas maging malusog ang katawan niya.
Ang mga nabanggit ay mga tips lang para madagdagan ang timbang ng iyong anak. Para makasigurado mas mainam parin na dalhin at ipakonsulta siya sa doktor. Ito ay para mabigyan siya ng angkop na treatment plan at maging malusog na ang kaniyang pangangatawan. Pero mas mainam na ngayon pa lang ay pakaininin na siya ng mga pagkaing pampataba.
Source: