Mga sanhi ng hirap sa paghinga ng buntis

lead image

Ayon sa pagaaral na nasagawa noong 2015, halos 60 hanggang 70 na porsyento ng mga buntis ay nakararanas ng hirap sa paghinga matapos ng mga simpleng gawain tulad ng pag-akyat ng hagdanan. Ang kadalasan na sinasabi ng mga duktor na ang hirap sa paghinga ng buntis ay dahil sa paglaki ng uterus na tumutulak sa baga ng nagbubuntis. Ngunit, may iba pang rason kung bakit madaling nahihirapan sa paghinga ang mga buntis.

Bakit madaling kapusin sa hininga ang mga buntis?

Kahit pangkaraniwan na hirap sa paghinga ng buntis, hindi parin agad masasabi ng duktor kung ano ang eksaktong rason nito. Ayon sa pagaaral, marami ang posibleng rason kung bakit madaling mahirapan sa paghinga ang mga buntis, mula sa paglaki ng uterus hanggang sa pagbago ng pangangailangan ng puso.

Ang ibang nagdadalang tao ay madaling napapansin ang hirap sa paghinga. Sa iba naman, sa panggalawa o pangatlong trimester napapansin na kinukulang na sila sa hangin.

Unang trimester

Sa unang trimester ng pagbubuntis, kahit ang fetus ay sobrang liit pa, ang diaphragm ay kusang umaangat ng halos apat na pulgada. Dahil dito, mapapansin na ng iba na hindi na sila nakakahinga ng malalim tulad ng dati.

Isa pang rason kung bakit nahihirapan sa paghinga sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ang nagdadalang tao ay ang pagdami ng hormone na progesterone. Ang progesterone ay tumutulong sa paglaki ng fetus ngunit isa rin sa epekto nito ang pagbilis ng paghinga ng nagdadalang tao. Patuloy ang pagdami nito sa patuloy na pagbubuntis.

Pangalawang trimester

Mas kapansin-pansin ang hirap sa paghinga ng buntis sa ikalawang tatlong buwan ng pagbubuntis nito. Tulad ng kadalasang sinasabi, ang paglaki ng uterus ang pangunahing dahilan ng pagkakapos ng paghinga sa mga buntis. Ngunit, nagbabago rin ang pangangailangan ng puso sa panahon na ito.

Habang nagbubuntis, mas dumarami ang dugo sa katawan ng babae. Dahil dito, mas lumalala ang pagtibok ng puso. Ang pakiramdam na dulot nito ay maaaring maramdaman bilang hirap sa paghinga.

Pangatlong trimester

Sa mga huling bahagi ng pagbubuntis, magdedepende sa posisyon ng ulo ng dinadalang bata kung ang nagbubuntis ay madadalian o mahihirapan sa paghinga. Habang hindi pa bumababa ang bata sa bandang balakang ng nagbubuntis, mararamdaman na parang ang ulo nito ay nasa ilalim ng ribs at umiipit sa diaphragm. Dahil dito, nahihirapan huminga ang nagbubuntis. Ayon sa National Women’s Health Resource Center, ito ay kadalasang nararamdaman sa ika-31 at ika-34 na linggo ng pagbubuntis.

Iba pang dahilan

Habang ang mga pagbabago sa katawan ay kadalasang dahilan ng hirap sa paghinga ng buntis, may iba pang mga kundisyon na maaaring sanhi nito:

  • Asthma – Napapalala ng pagbubuntis ang mga sintomas ng asthma. Kung ang nagbubuntis ay may asthma, banggitin ito sa duktor.
  • Peripartum cardiomyopathy – Isang uri ng sakit sa puso na maaaring mangyari sa pagbubuntis o pagkatapos manganak. Pamamaga ng mga paa, mababang presyon ng dugo, pagkapagod at mabilis na pagtibok ng puso – ito ang mga sintomas na maaaring maranasan ng taong mayroong Peripartum cardiomyopathy. Kadalasan itong napagkakamalan na sintomas ng pagbubuntis ngunit malaki ang maaaring maging apekto nito sa kalusugan ng nagdadalang tao.
  • Pulmonary embolism – Ito ay nangyayari kung ang natuyong dugo at bumara sa ugat sa baga. Maaari itong maka-apekto sa paghinga at makapagdala ng ubo, sakit sa dibdib at pagkakapos sa hininga.

Paraan para makaya ang hirap sa paghinga

Ang hirap sa paghinga ng buntis ay hindi kumportable. Sa kabutihang palad, may mga hakbang na maaaring sundin ng mga buntis upang mapagaan ang kanilang paghinga.

Ugaliin ang pagkakaroon ng tamang postura ng katawan. Gumamit ng mga pregnancy belts kung kailangan upang matulunga ilayo ang uterus sa diaphragm.

Matulog nang may unan sa itaas na bahagi ng katawan upang mailayo ang uterus sa lungs. Gumilid ng kaunti sa bandang kaliwa upang hindi maipit ng uterus ang ilang ugat sa puso.

Aralin ang Lamaze breathing, ang paghinga na ginagamit sa panganganak upang mabawasan ang nararamdamang sakit.

Magpahinga kung nakakaramdam ang hirap sa paghinga.

Magpakonsulta sa duktor

Kung nakakaramdam ng malalang hirap sa paghinga, magpakonsulta sa duktor.  Kahit kadalasan na natural ang hirap sa paghinga ng mga nagbubuntis, may ibang kondisyon na kinakailangan ng paggamot.

Ang mga nagbubuntis ay dapat pumunta agad sa hospital kung nararamdaman ang mga sumusunod na sintomas:

  • Nangingitim na mga labi at daliri
  • Malalang pagtibok ng puso
  • May sumasakit kasabay ng paghinga
  • Lumalalang pagkakulang sa paghinga
  • Sumingasing

Kung hindi na kumportable ang pakiramdam, agad magpa-konsulta sa mga eksperto upang masigurado na ligtas ang nagbubuntis at ang bata na dinadala nito.

 

Source: Medical News Today

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!