Mga sanhi, pagsusuri at paggaling sa hirap sa paghinga

lead image

Karamihan sa nakakaranas ng hirap sa paghinga ay dahil sa allergy, hika o iba pang prublema sa paghinga. Ang nararanasan na hirap sa paghinga ay kadalasan pumupigil sa mga taong ito upang gumawa ng iba’t ibang aktibidad. Ang pagkakaroon ng tamang kaalaman ayon sa mga prublema na nararanasan ay makatutulong sa mga nakakaranas ng prublema sa paghinga ng kapangyarihan para ayusin ito.

Mga sanhi ng hirap sa paghinga

Maraming posibleng sanhi ang nararanasang hirap sa paghinga. Karaniwan ay konektado ang mga ito at may posibilidad na maging malubha kung hindi agad nabigyan ng tamang lunas.

  • Sipon – Karamihan ay nakakaranas ng hirap sa paghinga kapag nagkakaroon ng sipon dahil sa mga nakukuhang virus.
  • Sinusitis – Kapag ang sipon ay hindi nailabas at namuo, maaari itong maging sanhi ng sinusitis na magbibigay ng hirap sa paghinga na tumatagal ng dalawa hanggang tatlong linggo.
  • Alerhiya – Marami ang iba’t ibang klase ng alerhiya. Maaaring makaranas ng sipon, pagsara ng lalamunan o pangangati at pagpapantal. Ang sipon at pagsara ng lalamunan ay makakapagpahirap sa paghinga ng taong may alerhiya.
  • Hika – Ang taong inaatake ng hika ay makakaranas ng pagsasara ng mga daanan ng hangin papunta sa baga. Maaaring makaranas ng pag-ubo at paninikip ng dibdib ang taong may hika. Ang pangunahing dahilan ng pag atake ng asthma ay alerhiya.
  • Emphysema – Isang talamak na sakit sa baga. Nakukuha ito kung ang baga ay may sira na at hindi na maiaayos pa. Karaniwan na nakukuha ito sa paninigarilyo.
  • Bronchitis – Ang talamak na uri ng bronchitis o ang pabalik-balik na trangkaso kasama ng emphysema ay maaaring maging dahilan upang magkaroon ng pulmonya ang isang may sakit.
  • Pulmonya – Impeksiyon na nagiging dahilan ng pamamaga ng mga bulsa sa baga. Maaaring mapuno ang mga bulsa ng baga na ito ng tubig o nana.
  • Kanser sa baga – Makararanag ng ubo, hirap sa paghinga at sipon na may dugo ang taong may kanser sa baga.
  • Tuberculosis – Kilala sa tawag na TB, ay nakakahawang impeksiyon na umaatake sa baga ng isang tao. Maaari rin itong kumalat sa utak at galugod. Ito ay nakukuha dahil sa bacteria na tinatawag na mycobacterium tuberculosis.

Paano ito sinusuri ng mga doktor?

Kadalasan ay pisikal na eksaminasyon ang ginagawa ng mga duktor para suriin ang prublema sa paghinga. Kasama ng pagaaral ng mga nakaraang sakit at iba’t iba pang pagsusuri, malalaman ang tunay na pinagmumulan ng hirap sa paghinga.

Para sa pulmonya, ginagawa ang tinatawag na pulmonary function tests upang Makita ang pinsala sa baga. Kasama nito ang spirometry, kung saan tinitignang kung gaano karami ang kayang ibuga na hangin, at methacholine challenge.

Ang ibang duktor ay humihingi ng X-ray ng dibdib o CT scan upang makita kung may kalamnan na nagiging sanhi ng hirap sa paghinga. Kung may sinusitis ang pasyente, may mga duktor na nanghihingi ng CT scan sa sinus.

Kapag nasuri na kung ano ang ugat na pinagmumulan ng hirap sa paghinga, maaari nang matukoy ng eksperto ang tamang gagawin para matulungan ang pasyente.

Paano napapagaan ang hirap sa paghinga?

Para sa mga taong may alerhiya at hike, kailangan alamin at iwasan kung ano man ang nagiging dahilan ng pag-atake ng kanilang sakit. Maaaring alikabok o balahibo ng hayop ang mga ito kaya imumungkahi ng mga duktor na umiwas o kaya ay magsuot ng takip sa ilong.

Ang mga antihistamines naman na gamut ay makakatulong sa mga inaatake ng alerhiya upang mapagaan ang kanilang paghinga. Maaari itong inumin o i-spray sa ilong.

Mayroon ding klase ng steroids para sa mga may alerhiya at pabalik balik na sinusitis. Pinapaluwag nito ang paghinga sa pamamagitan ng pagpapagaling sa namamagang daanan ng hangin.

Ang gamut sa asthma ay dinadaan sa pamamagitan ng paggamit ng inhaler. Tinutulungan nito paluwagin ang daanan ng hangin pati narin ang sobrang plema na maaaring bumara.

 

Ang tamang pagsusuri ay importante upang matunton ang tunay na pinagmumulan ng hirap sa paghinga. Malalaman lamang kung ano ang kailangan na gamot pagkatapos suriin ng mabuti ng mga eksperto. Kung nakakaramdam ng sintomas, magpatingin agad upang malaman ang tamang paggamot na kakailanganin. Ito ang mga kailanganin gawin upang mawala ang hirap sa paghinga at maibalik ang maliuwag na daloy ng hangin.

 

Source: WebMD

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!