5 Sex tips para sa mga babae... galing sa gays!

lead image

Mga tips para sa mainit na sex para sa mga straight na babae... galing sa gays! Paano nga ba natin mabibigyan ng pleasure ang ating mga mister? Alamin dito.

Kadalasan hindi open ang mga lalaki kapag tinatanong kung ano nga ba ang pleasurable sa kanila pagdating sa kama. Kadalasan din hindi sila kasing adventurous. Kaya sino pa nga ba ang puwedeng tanungin tungkol dito kundi ang mga gay friends natin! Ano nga ba ang mga maibabahagi nila sa ating mga misis na mga tips para sa mainit na sex?

Nakapanayam namin ang dalawa sa aming mga kaibigan na itatago na lang natin sila sa pangalang Boy October, (isang media producer) at MVP (isang makeup artist).

Narito ang kanilang mga tips:

1. Gusto nila na maging agresibo ka sa kama

"Sometimes guys like a dominant woman in bed," ani MVP. "Iyong bumo-border line na prostitute, dominatrix! Fulfilling a guy's fantasy 'yon."

Aniya, mainam na ipakita mo rin sa partner mo na nalilibugan ka rin sa kaniya. Hindi parang siya lang ang may gusto. Nakakataas ng ego na malaman na sexy siya sa paningin mo.

2. Galingan ang pag-blow job

"Girls, do well on your oral skills," pabirong sagot ni MVP. "Kaya nakakahati ang mga beki sa sexperience ng mga straight guys because of their fascination with receiving a nakaka-ulol na head job."

Kadalasan sinasabi ng kababaihan na "job" ang "blow job" dahil hindi ito madaling gawin. Pag-aralan kung ano ang gusto ng partner mo. Tignan at pakiramdaman kung paano siya rumeresponde sa mga ginagawa mo.

3. Rim job

Kung mayroong blow job, mayroon ding rim job. Ito ang paghimod sa anus ng lalaki. Oo, anus. As in butas ng puwet.

"Eat his ass with abandon and passion," tip ni Boy October. "Explore the perimeter of the area. Use your mouth."

Bago ka mag-protesta, sabi ni Boy October, pleasurable at sensitive daw ang area na ito para sa kanilang mga lalaki.

Bilang panimula, subukan na maligo ng sabay kasama si mister. Masahiin ang anus gamit ang hinlalaki. Alamin kung magugustuhan niya ito.

4. Multi-task!

Ani Boy October: "Not because your mouth is busy, your hands should be idle."

Maraming puwedeng gawin ang mga kamay habang busy ang mga labi niyo. Puwedeng hapulisin at laruin ang kaniyang mga nipples, bigyan siya ng hand job, o di kaya yakapin siya nang mahigpit para kumaskas lalo ang mga katawan niyo.

5. Mag-relax

Kadalasan, paliwanag ni MVP, na naduduwal tayo kapag nagbibigay ng blow job dahil hindi tayo relaxed. Kailangan na relaxed ang panga para maibuka ng maayos ang bibig. Huwag din masyadong mag-isip ng kung anu-ano katulad ng kung gaano kalaki ang ari, kung makakahinga ka ba, o kung ano man. Hayaan mong ma-enjoy mo rin ang experience.

Enjoy, mga misis!