Min Bernardo sa anak na si Kathryn Bernardo: “Sobrang proud kami sayo, anak!”

Pero ayon kay Mommy Min, higit sa awards, ang pinaka-greatest blessing daw para sa kanila ay ang pagkatao ni Kathryn na nanatiling mabait sa kabila ng mga hirap at sakit na pinagdaanan niya.

Mommy Min Bernardo may sweet na mensahe sa anak na si Kathryn Bernardo. Aktres kinilalang “Best Actress” sa nagdaang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • FAMAS 2024 Best Actress Kathryn Bernardo.
  • Mensahe ni Mommy Min Bernardo sa anak na si Kathryn Bernardo.

FAMAS 2024 Best Actress Kathryn Bernardo

kathryn bernardo famas best actress

Larawan mula sa Instagram account ni Min Bernardo

Kamakailan lang ay kinilala si Kathryn Bernardo bilang “Best Actress” sa FAMAS 2024 Awards. Ito ay dahil sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “A Very Good Girl” kung saan nakatrabaho niya ang kilalang aktres na si Dolly De Leon.

Si Kathryn naging mahirap man ang pinagdaanan nitong nakaraang taon ay patuloy na pinatutunayan ang kaniyang husay at galing sa pag-arte. Kaya naman ang mga magulang niya, mas nadagdagan pa ang dahilan para lalong maging proud sa anak.

Mensahe ni Mommy Min Bernardo sa anak na si Kathryn Bernardo

Sa isang Instagram post ay binati ni Mommy Min Bernardo ang anak na si Kathryn sa bagong recognition na natanggap nito. Higit sa ano pa man ay ipinagsigawan niya rin sa mundo kung gaano siya ka-proud sa anak na maraming beses ng nagbigay ng karangalan sa kanilang pamilya.

“One day you said ‘Mama Papa, gusto ko mag artista’.

Wala naman sa family natin ang artista. Pero bata ka palang alam mo na ang gusto mong gawin.

And now here we are. Reflecting through your journey, I can say na sobrang proud kami sayo, anak!”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Mommy Min kay Kathryn.

min bernardo with kathryn bernardo and father

Larawan mula sa Instagram account ni Min Bernardo

Pero ang pinaka-malaking blessing daw para sa kanilang magulang ni Kathryn ay hindi ang mga awards nito. Kung hindi ang pagkatao ni Kathryn na nanatiling mabait at humble sa kabila ng mga napagdaanan at pagkilalang natanggap niya.

“Watching you overcome everything and grow into an amazing person you are has been one of our greatest blessings. I never knew how strong you are until I saw your determination and how you bounce back every after fall. You remained positive and kind to the world no matter what.”

Ito ang sabi pa ni Mommy Min na sa huli ay binati ang anak sa pagbibigay muli ng karangalan sa kanilang pamilya.

“Congratulations our best actress! We love you, Anak!!!”

kathryn bernardo with mom min bernardo

Larawan mula sa Facebook account ni Kathryn Bernardo

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!