LOOK: Miriam Quiambao's maternity photo shoot

lead image

Malapit nang manganak ang former beauty queen na si Miriam Quiambao Roberto. Para i-celebrate ang kaniyang pregnancy, nagsagawa ito ng isang maternity shoot.

"42 days to go." Ito ang excited na pahayag ng former beauty queen na si Miriam Quiambao Roberto sa nalalapit niyang pagsilang sa kaniyang panganay na anak sa asawang si Ardy Roberto.

Miriam Quiambao Roberto: Pregnancy

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Miriam Quiambao-Roberto (@miriamq888) on

Hindi na nga maitago ang kasiyahan ng mom-to-be para sa itinuturing nilang mag-asawa na "answered prayer."

Sa edad kasi ni Miriam Quiambao Roberto na 43 years old, mayroon na lamang siyang 1-2% chance na mabuntis sa natural na pamamaraan, saad ng mister nitong si Ardy.

Ngunit hindi rin naging madali ang pagbubuntis ni Miriam these past few months.

Bukod sa kaniyang "mature pregnancy" o pagdadalangtao sa kaniyang 40s, si Miriam ay mayroon ding APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome.

Ito ay sang sakit na kung saan ang isang tao ay may mataas ng level ng antiphospholipid antibodies (APA) sa kaniyang dugo. Dahil sa mataas na presensya ng APA sa dugo, mas nagiging malapot ang dugo ng taong may APAS na posibleng maging dahilan ng pagbabara nito sa ugat o vein.

Ang mga buntis na may APAS ay kailangang bantayan maige dahil maaaring maging sanhi ito ng miscarriage kapag hindi na-treat. Delikado din ito para sa buntis dahil maaaring magdulot ng heart attack, stroke o pulmonary embolism.

Dahil sa panganib na dulot nito, kinakailangang mag-inject ni Miriam ng gamot araw-araw sa duration ng kaniyang pagbubuntis.

Miriam Quiambao Roberto: Maternity shoot

Para i-celebrate ang chapter na ito sa kaniyang buhay, nagpasya si Miriam na magkaroon ng maternity photo shoot. Ayon sa kaniyang post, hindi nila kinailangang lumayo para sa shoot location dahil sa sarili lang nilang neighborhood ginawa ito.

Dagdag pa ni Miriam na pasilip pa lang ito sa shoot na ginawa nila ng Nice Print Photography. Ibabahagi niya ang iba pang photos soon.

Photo: Nice Print Photography

Basahin: Miriam Quiambao, lubos na maselan ang pagbubuntis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner