-

Para sa mga mommies na gusto pumayat: Tama na!

Share this article with other moms

Katulad mo din ako dati. Ginugutom ko ang sarili ko, at nagpapakahirap magpapayat, pero lalo lang akong nalulungkot sa ginagawa ko.

Ikaw,

Oo, ikaw na nahihirapan, hindi dahil sa pag-aalaga sa baby mo, pero dahil hindi ka masaya sa nangyari sa katawan mo matapos mong manganak.

Ikaw na nagtatago sa mga kamag-anak at kaibigan mo kasi natatakot ka sa mga sasabihin nila sa'yo. Kahit alam mo na pabiro lang, masakit pa din ang tawagin kang mataba lalo na't kakatapos mo lang manganak.

Ikaw na halos ginugutom na ang sarili para lang masuot mo ang dati mong mga damit. Ikaw na kailangan na magsuot ng maluluwag na damit para lang hindi mapansin ng mga tao na wala nang hugis ang dibdib mo dahil sa breastfeeding at pumping para may gatas ang anak mo.

Tama na!

Kinakausap ko lahat ng mga mommies na nahihiya sa hitsura nila matapos nilang manganak, alam kong naghihirap kayo para lamang mawala ang dagdag na timbang na nakuha niyo noong nagbubuntis pa kayo. Alam kong mahirap mag-alaga ng bata habang pinipilit niyong mag-diet at mag exercise para lang pumayat, at hindi isipin ng mga tao na "losyang" na kayo.

Para sa mga bagong mommies na nahihirapan magpapayat, isa lang ang masasabi ko. Tama na! Wag mong kalimutan na ang katawan mo ngayon ay ang nagdala sa pinakamamahal mong baby ng 9 months, at ngayon nagbibigay sa'yo ng kaligayahan.

Wag mo na pahirapan ang sarili mo sa pag-diet, wag mong hayaan ang sarili mo na maging miserable para lang pumayat ka. Mas mahalaga ang kaligayahan mo. Walang saysay ang pagpayat kung hindi ka naman masaya sa nangyayari sa'yo.

Katulad mo rin ako dati...

Katulad mo rin ako dati. Ginugutom ko ang sarili ko, at gumagawa ng kung anu-ano para lang pumayat. Naging mainitin ang ulo ko, naiinis ako na kahit anong gawin ko, hindi pa din ako pumapayat . Minsan, sinisigawan ko ang aking asawa dahil lang sa mga maliliit na bagay. Pagkatapos, sira na agad ang araw ko.

Sa huli, natutunan ko ding mahalin ang katawan at ang sarili ko. Naisip ko na sa sobrang pilit kong magpapayat, pinapahirapan ko lang ang sarili ko, at hindi na talaga ako masaya. Kaya hinayaan ko na lang at tinanggap na ganito na ang katawan ko. Natuto kong mahalin ang sarili ko, kahit tumaba man ako o nagbago na ang hitsura ko dahil sa pagbubuntis.

Pagkatapos nun, nawala na ang pagiging mainitin ng ulo ko, mas nakakatulog at nakakapahinga na ako, at hindi ko na ginugutom ang sarili. Nagulat na lang ako isang araw nang mapansin ko na dahan-dahang bumababa ang timbang ko. Napansin ko na mas naging masaya ako at nakikita talaga sa katawan ko ang pagbabago.

Sobrang sarap na maging isang ina. At sa halip na sayangin natin ang oras natin sa pag-aalala tungkol sa mga bagay na hindi naman talaga mahalaga, mas mabuting tanggapin na lang natin ang ating bagong buhay bilang isang ina, at maging masaya tayo sa pag-aalaga sa ating pamilya.

Wag mong isipin na gusto mo pumayat para maging maganda o para lang masabi na pumayat ka. Ang pinakamahalaga ay magpapayat ka para maging malusog ka at malakas para alagaan ang pamilya mo. Hindi naman mahalaga na puro medium ang sinusuot mo na damit, mas importante na wala kang sakit at malakas ang katawan mo.

Kaya sa sunod na maisipan mong tanungin ang asawa mo, wag mong tanungin ng "Pumayat na ba ako?" Mas magandang tanungin na "Maganda ba ako?"

 

Sumasaiyo,

Isang malusog, at mas masayang ina

(Images courtesy: Pixabay)

Republished with permission from: theIndusParent

READ: An open letter to my wife who thinks she’s not sexy

Be sure to check out ParentTown for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Beauty Body Lifestyle