Sa edad na 30, medyo na-stress at parang nagmamadali na ko mabuntis kasi baka hindi ko na kayanin kapag lumampas pa ko dun. Palagi ko ipinagdarasal na biyayaan kami ni Lord ng baby.
Sa aming pamilya ako ang panganay. Lagi din itinatanong ng mga magulang ko kung kailan na sila magkaka-apo.
Masarap na mahirap magbuntis habang nagtatrabaho kahit naka-work from home. Noong linggo ng pang 38 weeks ko ay magkahalong kaba, excited at takot ang nararamdaman ko dahil kakayanin ko kaya mai-normal delivery?
At dahil my COVID-19, daming kailangan lalo na swab test para sa mangangak at magbabantay. Lakad araw-araw sa umaga at hapon para matagtag daw, may pa-squat pa ng dahan-dahan para matulungan mag-open cervix.
Inom maraming tubig. Grabe pagdating ko sa clinic nung OB ko 2cm na daw. Pwede ba pahilabin na lang sa hospital kasi ‘pag lumaki pa si baby sa tiyan ko baka mahirapan ako ilabas siya? Dali-dali kinuha gamit namin ni baby at diretso na agad sa hospital.
Pagdating sa hospital ay hindi ako kinakabahan pero excited ako kasi ito na ‘yong moment na magawa ko mga natutunan ko sa panonood sa YouTube about pag-ire at iba pa.
Nagawa ko pa magsulat doon sa lahat ng info na need para ma-admit ako, makipagbiruan sa mga nurses at sumagot sa mga Viber messages sa opisina.
Dumating kami ng 2 pm, nailabas ko so baby ng 10 am. Bilang first time ko, hindi ko alam ang gagawin. Sunod lang ako sa sasabihin ng OB ko at ng mga nurses.
Nung lumabas na si baby, sobrang pagod ko kasi wala ako tulog at biscuit lang kinain ko. Sobrang thankful sa lahat ng nasa paligid ko na nagbigay din ng lakas sa’kin para mailabas ko si baby ng normal. Pero I must say worth it lahat dahil healthy ang aking baby boy.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!