My Pregnancy Journey

The views and information expressed in this article are those of the author and are not necessarily endorsed by Tickled Media or its affiliates. Tickled Media and its affiliates can in no way whatsoever be held responsible for the content of such articles nor can it be held liable for any direct or indirect damage that may arise from them.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi nila, kapag raw naranasan mo manganak ay nakabawi ka na sa hirap ng iyong ina. Bakit nga ba?

Dahil ang babae lang ang kayang magdalang tao at magluwal ng sanggol. Naranasan ng mga nanay natin lahat ng hirap at sakit sa pagbubuntis hanggang sa panganganak kaya kapag ka naranasan mo na ring manganak ay nakabawi ka na sa ina mo dahil ramdam mo na rin ang lahat ng hirap at sakit na naramdaman niya noon.

Nagsuka, nahilo, naglihi, tinubuan ng maraming pimples, naglagas ang buhok, sumakit ang ngipin, lumobo. Lahat ng iyan ay naranasan ko noong nagbubuntis pa lang ako. Ang hirap pala ano? First time mom ako, halos wala akong kaalam alam sa pagbubuntis at tungkol sa mga baby.

Natuklasan ko ang theAsianparent App at doon marami akong natutunan lalo na sa mga nanay na nag-share ng kanilang experiences sa pagbubuntis at panganganak. Isa yun sa naging libangan ko noong buntis ako, ang magbasa sa theAsianparent App.

So, ito na nga, naging parang pakwan na ang tiyan ko sa laki na halos ang hirap na maglakad. Raket dito, raket doon para lang makaipon ng pera sa panganganak. Dumating pa sa pagkakataong naging sobrang iyakin at sungit ko na tinatawanan nalang ako ng mga tao dito sa bahay at salamat kasi inintindi nila ang pinagdaraanan ko noon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sobrang na-stress pa ako kasi noong lumaki na tiyan ko sobrang lalaki ng stretch marks ko tapos sabi nila ang panget raw tingnan ng stretch marks lalo na ‘pag nanganak ka na. {ero hindi ko nalang pinansin, nilibang ko nalang ‘ypng sarili ko sa panonood sa YouTube kung paano tamang pag-ire. Lagi rin ako nagpapatugtog ng mga lullabies tapos ididikit ko sa tiyan ko para marinig ni baby saka sabi nila pampatalino raw yun.

Noong kabuwanan ko na, sobra akong na-stress at nag-spotting ako, napasugod kami sa lying-in kasi baka manganganak na ‘ko, pero sinabi sa’kin ng nurse doon na ‘yong pag-spotting ko is effect ng stress ko. So, ayun nga 1 week before ako manganak, lagi na nahilab ang tiyan ko, pabalik-balik ako sa lying-in pero wala pa rin daw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tapos noong December 19, 2019 ng gabi, pumunta na naman ako sa lying in pero 1 cm pa lang raw, matulog raw muna ako. Pero pag-uwi namin hindi ko na talaga kayang matulog kasi sobrang hilab na talaga tapos yun sa ospital na kami pumunta hanggang sa hindi na ako pinauwi dahil kabuwanan ko na rin daw.

December 20, 2019, 5:56P.M at nakaraos na nga ako at nailabas ko na ang aking prinsesa. 2 1/2 years old na sya ngayon, malusog at sobrang lambing sa akin kahit hindi siya nag-breastfeed sa akin.

Halos hindi ko lubos maisip na magkakaanak ako sa panahong hindi ko inaasahan at totoo rin ang postpartum depression na pinagdaraanan ko ngayon na lagi akong umiiyak at iniisip ko kung anong nangyayari sa buhay ko, pero eto lumalaban at patuloy na pinagkakatiwala ko na lang sa Diyos ang lahat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi nga ng tagapagturo namin sa choir, “Hindi pa tayo pinapanganak sa mundo ay alam na ng Diyos ang kapalaran natin.” at alam kong tutulungan ako ng Diyos na maging isang mabuting ina at mapalaki ko ring mabuting bata ang aking anak.