Nadine Samonte nanganak na!

lead image

Nadine Samonte ay pinanganak ang kanyang pangalawang anak sa asawang si Richard Chua kina-umagahan ng ika-28 ng Abril.

Healthy baby boy, Austin Titus

Ang trenta unong taong gulang na aktres at ang kanyang asawa ay ay masayang ipinagdiwang ang pagdating ng kanilang healthy baby boy ng Linggo ng umaga sa Manila Doctors Hospital.

Ibinihagi ng asawa ni Nadine Samonte na si Richard Chua ang magandang balita sa kanyang Instagram account at ibinunyag din nila ang pangalang kanilang napili para sa kanilang baby—Austin Titus.

Masayang ibinalita ni Richard sa kanyang post, "World pls meet my son titus (heart emoji)”

 

Early check-in sa hospital

Nag-check in sa hospital si Nadine noong Sabado, ng ika-27 ng Abril.

Ang ina rin ni Richard, ang beteranong aktres na si Isabel Rivas ay present rin sa pagsilang ng kanyang bago at pangalawang apo kina Richard at Nadine.

Sa isa pa ngang post ni Richard bago manganak ang aktres kwento niya, "This is it! Early check in sa hospital in preparation for the arrival of the new king of the household tomorrow (smiley emoji) @nadinesamonte #babytitusiscoming"

 

Ikinasal si Nadine Samonte kay Richard Chua sa Isabel's farm sa Zambalas noong ika-30 ng Oktubre noong taong 2013. Ang una at panganay nilang anak na babae ay pinangalanan nilang Heather Sloane na ngayon nga'y dalawang taong gulang na.

Source: Richard Chua

Basahin: Marian Rivera, nanganak na!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!