Ikaw ba ay buntis na tutok sa trabaho, at kabilang sa mga araw-araw na nakikipagsiksikan sa mga kapuwa-pasahero at nakikipagdigma sa pagko-commute? O ikaw ay buntis na nakalagi lamang sa bahay—bagama’t maaaring hindi matapos-tapos na mga gawaing-bahay rin ang iyong pinagkakaabalahan? Kaya naman, posibleng nangangamba ka kung anong mangyayari kapag naiipit ang tiyan ng buntis. Mahalaga ring itanong, anong mangyayari kapag naiipit ang tiyan ng buntis sa mga sitwasyon ng stress o pisikal na pressure.
Malakas man o mahina, mariin man o hindi, masama ba maipit ang tiyan ng buntis? Ating sinaliksik at isinangguni sa eksperto itong paksa.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Ano ang dapat gawin kung naipit ang tiyan ng buntis?
Image from Freepik
Ayon kay Dr. Maria Carla Esquivias-Chua, isang doktor na may specialization sa obstetrics and gynecology, nakabatay sa lakas o hina at diin o pagkabahagya ng puwersa ng pagkaipit—o iba pang anyo ng pisikal na puwersang maaaring tumama sa tiyan ng buntis—ang kuwantipikasyon ng epekto nito sa sanggol sa loob ng matris. Mahalagang itanong, anong mangyayari kapag naiipit ang tiyan ng buntis sa ganitong mga sitwasyon?
Paglilinaw ng doktor, ang mga uri ng puwersang tulad ng “kapag vehicular accident na tinamaan ‘yung tiyan nila, o may malakas at bigla na lang puwersang tumama o itinama sa tiyan nila. Halimbawa, pagbukas ng pinto at nahampas ‘yung tiyan. Any strong impact dun sa abdomen ng buntis” ay delikado para sa baby at sa ina. Anong mangyayari kapag naiipit ang tiyan ng buntis sa mga ganitong insidente?
Sa kaso ng mga nagbubuntis na nasa kanilang first trimester pa lamang, maaari silang makunan sanhi ng anumang malakas na puwersang mae-encounter, lalo na ng bahaging tiyan hanggang puson, pati na ang ibabang likod nila. Dahil sasakit ng husto ang puson at maaaring samahan ng pagdurugo, mauuwi ito sa abortion ng baby. Dagdag ni Dr. Esquivias-Chua, “kung naipit ang tiyan niya, for example, more than 5 months na ‘yung pregnancy at malaki-laki na, may placenta na ‘yan. So, pag accidentally tinamaan ang tiyan, puwedeng mag-cause ng abruption placentae.” Anong mangyayari kapag naiipit ang tiyan ng buntis sa puntong ito?
Image from Freepik
Ibig sabihin ng abruption placentae, humihiwalay ang inunan ng bata sa matris ng ina.
“So, puwedeng mag-cause ng hemorrhage sa loob. Delikado ‘yun. Puwedeng ikamatay ng sanggol ang detachment ng placenta. So, agad-agad, dinadala sa hospital ito para ma-check kung talagang may naganap na detachment,” sabi pa ni dok.
Paalala ng doktor, kailangang maging masinop sa pag-oobserba ang buntis sa kaniyang sarili tuwing makararanas ng pagkaipit, pagkabundol, o anumang anyo o paraan ng pagdudulot ng puwersa sa tiyan nito. Aniya, kailangan maging alisto sa mga sintomas ng nakababahalang epekto, limang oras hanggang susunod na araw matapos, ng puwersang na-encounter ng tiyan ng buntis tulad ng sumusunod.
- masakit na masakit ang tiyan at maaaring hanggang paibaba ng puson
- pagkakaroon ng vaginal discharge
- paninigas ng tiyan nang matigas na matigas
- hindi paggalaw ng baby sa loob ng tiyan
- pagkakaroon ng dugo sa puwerta
Ang pagdanas ng mga nabanggit na indikasyon ay sintomas ng mapanganib na epekto ng anumang puwersang na-encounter ng tiyan ng buntis. Nangangailangan ito ng agarang atensiyon ng inyong ob-gyn at pagsailalim sa karampatang pagsusuring medikal.
Mga pisikal na puwersang dapat iwasan ng buntis
Image from Freepik
Habang tumatagal, alam natin—at inaasahan natin—na papalaki nang papalaki ang tiyan ng buntis. Unti-unti, masisipat na ang mabilog at maaaring patulis ding hubog nito, na may manaka-nakang pag-umbok-umbok at paghulma ng naglilikot na baby sa loob ng sinapupunan.
Kasabay ng paglaki ng tiyan ang maraming alalahanin para sa ina kung paano mapoprotektahan ang anak laban sa mga pisikal na puwersa sa bawat araw ng kaniyang routine. Nariyan ang takot na baka mabunggo o tamaan ng kung anumang bagay ang tiyan ni mommy, o kaya ay ang maipit.
Narito ang ilang mga dapat paghandaang iwasan ng mga inang kumakaharap sa mga pagbabagong may kinalaman sa kanilang pisikal na pangangatawan at paggalaw sa araw-araw. Makatutulong na malaman ang mga ito bilang pagsasanay at paghahanda para sa kaligtasan ni baby sa loob ng tiyan.
- high-impact o heavy-weight na pag-eehersisyo
- aksidente sa daan o sasakyan
- matagtag na biyahe
- pagkadulas, lalo na sa banyo
- pamimisikal ng kapuwa
- maipit at masiksik habang nagkokomyut sa mga pampublikong sasakyan
- hindi wastong posisyon ng pagtulog sa gabi
- hindi akmang posisyon ng pakikipagtalik sa asawa
- karahasan sa tahanan o domestic violence
Mga pag-iingat na dapat gawin kung makikipagtalik habang buntis
Kabilang sa mga palaging palaisipan sa mga mag-asawang buntis kung ligtas pa rin bang magtalik sila kahit pa nagdadalang-tao na ang babae. Laging nakaugnay rito ang pangamba sa pagkakaroon ng posibleng kaso ng naipit na tiyan ng buntis at baka maapektuhan si baby sa loob.
Sa katunayan, hindi ipinagbabawal ang pagtatalik ng mag-asawa kahit pa buntis na ang babae. Kailangan lamang nilang isaalang-alang ang marahang aktibidad, at ang ilang posisyong ligtas at komportable para sa babaeng nagdadalang-tao.
Protektado ang sanggol sa loob ng tiyan ng ina, bukod sa nasa loob ito ng matris, nababalot din ito ng amniotic sac na naglalaman ng amniotic fluid na mismong nilalanguyan at nagsisilbing lungga ni baby. Bukod dito, walang dapat ikabahala si mister nab aka tamaan ng kaniyang ari ang anak sa loob ng tiyan ni misis sapagkat nahaharangan ito ng nakasarang sipit-sipitan.
Gayunpaman, may mga pag-iingat at pagsaaalang-alang na hindi dapat balewalain ang bawat mag-asawa para sa mga kaso ng high risk ang pagdadalang-tao ng babae. Sapagkat maselan at delikado ang pagbubuntis ng babae, hindi ipinahihintulot ang pagtatalik ng mga mag-asawa.
Narito ang mga halimbawa ng high risk na pagbubuntis.
- Dati nang nakunan ang babae sa naunang pagbubuntis.
- Nakararanas ng vaginal bleeding, discharge, o spotting ang babae, na may pana-panahong pananakit ng tiyan o puson.
- Mayroong pagle-leak o pagkatas ng amniotic fluid ang amniotic sac na bumabalot sa sanggol dahil maaaring hilaban ng tiyan ang buntis nang di-oras.
- Nagdadalang-tao ang babae ng kambal o higit pa.
- May abiso ng doktor sa pasyenteng buntis na magpahinga nang lubos at husto o complete bed rest.
MAHALAGANG PAALALA: Hindi layon ng artikulo ang maghatol ng anumang opisyal na medical advice kundi ito ay para makapagbahagi lamang ng mga gabay na impormasyon sa ating mga mambabasa.
Para sa mga nagnanais ng karagdagang impormasyong medikal at personal na konsultasyon mula sa ating kinapanayam na ob/gyn, hanapin at i-like lamang ang Facebook page ng kanilang clinic, MCEC Mother and Child OB-Gyne Ultrasound and Pedia Clinc. Si Dr. Maria Carla Esquivias-Chua ay aktibong Ob/Gyn consultant ng Capitol Medical Center.
Additional sources:
Parents, ABS-CBN News
Basahin:
#AskDok: Ano ang puwedeng gawin kapag kinakabag ang buntis?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!