#AskDok: Nakakahawa ba ang sakit na dengue?
Isa sa mga tanong na laging ikinakabit sa pagkakaroon ng dengue ang “nakakahawa ba ang dengue?” Alamin ang totoo at iba pang mahahalagang impormasyon sa ating panayam kay dok.
Nakakabahala ang biglaang pagtaas ng kaso ng dengue. Ang tanong, nakakahawa nga ba ito?
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang sanhi ng dengue
- Mga sintomas at gamutan ng dengue
- Paano naipapasa ang dengue
- Mga paraan para makaiwas sa dengue
Kamakailan lang noong buwan ng Hulyo, nagdeklara ang Department of Health ng National Dengue Alert upang ipaalam sa publiko ang hindi pangkaraniwang pagdami ng kaso ng dengue ngayon sa lahat ng bahagi ng bansa.
Ngayong taon, may naiulat na 61 170 na kaso, kabilang ang 216 na pagkamatay. Ito ay tumaas ng 28,615 na kaso at 97 na pagkamatay mula noong Hulyo 3, 2021.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng dengue. Bilang tropikal na basa, madalas ang pag-ulan na nagdudulot ng naiimbak na tubig na siyang pinagmumulan at pinamumugaran ng lamok.
Ngayong mabilis na kumakalat ang virus na ito sa paligid, at kahit na sino ay pinangangambahang makakukuha nito, isa pa sa laging pinangangambahan lalo na ng mga magulang kung talaga ngang nakakahawa ba ang dengue?
Sanhi ng dengue
Ang dengue o dengue fever ay isang karamdamang dulot ng dengue virus. Karaniwang nakararanas ang sinumang pasyenteng tinatamaan ng ganitong sakit ng mga sintomas na tinatawag na “dengue fever syndrome.”
Paano nga ba nakukuha ang dengue? Ano-ano ang mga sintomas na ang isang tao ay tinamaan na nito? At bakit mahalaga ang sama-samang pagtutulungan ng komunidad para unti-unting masugpo ang paglaganap ng mga naaapektuhan ng dengue?
Iyan at ang iba pa ang ating inalam natin sa isang panayam kay Dr. Daniel Luchangco, aktibong emergency doctor mula sa Makati Medical Center.
Nakukuha sa lamok na may dala ng dengue virus ang sakit na ito oras na makakagat ito sa katawan ng tao.
Kung nakahahawa ba ang dengue talaga, mariin itong pinahindian ni Dr. Daniel Luchangco.
“Sa kagat ng lamok lang nakukuha at nalilipat ang dengue. Hindi nakakahawa sa ibang tao ang isang taong may dengue, maliban sa paglipat ng virus sa pamamagitan ng kagat ng lamok.”
Mga sintomas at gamutan ng dengue
Hindi gaanong naiba ang mga sintomas ng dengue sa mga sintomas ng trangkaso. Maaaring mapuna ang sumusunod sa isang tao, dahilan upang hindi ipagsawalang-bahala ang nararanasang karamdaman.
- lagnat
- sakit ng ulo
- rashes sa binti
- pananakit ng katawan lalo na ang mga kasukasuan
- pananakit ng tiyan
- pagdurugo sa alinmang bahagi ng katawan
- pagbagsak ng platelet count sa dugo
Sa pagkakataong makararanas ang isang pasyente ng mahigit pa sa dalawang mga nabanggit na sintomas, huwag ipagsawalang-bahala. Magtungo na agad sa pinakamalapit na klinika o ospital, at ipasuri sa doktor ang karamdaman.
Kung isa sa mga kasapi ng pamilya ang ma-diagnose ng dengue, huwag mangamba kung nakakahawa ba ang dengue dahil hindi. Magtulungang palakasin ang immune system ng bawat isang kasapi ng pamilya, lalo na ang tinamaan ng virus.
- magpahinga nang husto
- uminom ng maraming-maraming tubig
- kumain ng sapat kahit walang gana
Ang pag-inom naman ng gamot ay para lamang sa lagnat, na may maayos na pagitan ng oras ng pag-take. Kailangang mabantayan ang dami ng platelets sa katawan dahil kung hindi matutugunan sakaling patuloy ang pagbaba nito, maaari itong magdulot ng pagdurugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon kay DOH Health Secretary Francisco T. Duque III. ,
“For the families of dengue patients, if any of these warning signs occur when the fever comes back, it is necessary to give the patient the right amount of oral fluids, especially Oral Rehydration Solution before immediately referring to the nearest hospital for confinement so that proper clinical management can be provided and serious complications can be avoided.”
Madalas, ayon kay dok, na dumugong bahagi ang ilong, gilagid, o bituka kaya nakararanas ng pagsakit ng tiyan.
Paliwanag ni Dr. Luchangco,
“Ang platelets ang nagdidikit-dikit sa dugo para mamuo o mag-clot kapag may pagdurugo. Kapag kulang ang platelets, hindi na namumuo ang dugo kaya tuloy-tuloy ang daloy nito.”
May mga kasong ipinapayong i-confince ang pasyente at kabitan ng suwero kung mababa na ang bilang ng platelet sa katawan. Habang sa mga kasong masyado nang mababa ang bilang ng platelet, malaki ang posibilidad na salinan na ang pasyente ng dugo.
Huwag magsawalang-bahala—ayon mismo kay dok!
Hindi dahil hindi nakakahawa ang dengue ay magpapabaya na ang mga nasa paligid ng tinamaan nito. Tandaang sa kagat ng lamok nakukuha ang dengue. Kung ang pasyenteng may dengue ay kagating muli ng lamok, at itong lamok na ito ay makakagat ng ibang tao, dito papasok ang posibilidad na makakuha rin ng virus ang iba pa, dahilan para kumalat at dumami ang kaso ng tinatamaan ng dengue.
Samantala, kung sinasabing ang dengue virus na nakapasok sa loob ng katawan ng isang pasyente ay kusa ring nawawala at pinupuksa ng mga antibodies mula sa malakas o patuloy na pagpapalakas ng immune system, bakit mayroon pa ring mga namamatay sa dengue?
Pagbabahagi ni Dr. Luchangco, ang kadalasang mga namamatay sa dengue ay iyong mga dumanas ng tuloy-tuloy na pagdurugo sa loob ng katawan.
“Dahil ang sintomas ng dengue ay halos pareho lang sa pangkaraniwang trangkaso, maaaring hindi alam ng isang taong dengue nap ala ang sakit niya, at hindi na magpatingin.
“Hindi na makikita sa mga laboratory tests na bumagsak na ‘yung platelets, kaya hidni na kayang pigilin ng katawan ang patuloy na pagdurugo,” paliwanag ni dok.
Kaya naman payo ni Dr. Luchangco para sa mga tinatamaan ng lagnat o trangkaso, huwag itong ipagkibit-balikat lamang. Kumonsulta sa doktor, at magpa-test ng dugo. Lalo na ngayong laganap ang kaso ng dengue sa maraming panig ng bansa.
Paano naipapasa ang sakit na dengues?
Ang pinakapangunahing dahilan kung paano naipapasa ang dengue ay sa pamamagitan ng lamok din mismo. Naidadala ito ng lamok at naipapasa sa isang tao ang sakit.
Kagat ng lamok.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang virus ng dengue ay kumakalat sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng mga nahawaang Aedes species na lamok (Ae. aegypti o Ae. albopictus). Ito ang parehong uri ng lamok na nagkakalat ng Zika at chikungunya virus.
Ang mga lamok na ito ay karaniwang nangingitlog malapit sa nakaimbak na tubig at lalagyan nito, tulad ng mga timba, mangkok, paso ng bulaklak, at mga plorera.Mas gustong kumagat ng mga tao ang ganitong uri ng lamok at karamihan ay naninirahan sa loob at labas malapit sa mga tao.
Ang mga lamok na nagkakalat ng dengue, chikungunya, at Zika ay nangangagat sa araw at gabi.
Sa oras na mahawaan ang lamok mula sa pagkagat ng isang taong may virus, Ihahawa naman nito ang mga taong kaniyang makakagat.
Mula sa taong nagbubuntis
Ang isang buntis na nahawaan na ng dengue ay maaaring maipasa ang virus sa kanyang fetus sa panahon ng pagbubuntis o sa oras ng kapanganakan.
Mga paraan upang makaiwas sa dengue
Ngayong nasagot na natin ang malimit na tanong na “nakakahawa ba ang dengue,” humingi rin tayo ng mga payo mula mismo kay Dr. Luchangco kung ano-ano nga ba ang iba’t ibang paraan para hangga’t maaari ay hindi tayo makakuha ng dengue fever.
Ito ay ang mga sumusunod:
- “Maiiwasan ang pagkuha ng dengue kung maiwasan ding makagat ng lamok.”
- Sa malinis na itlog nangingitlog ang mga lamok na may dalang dengue. Huwag hayaang magkaroon ng access ang mga ito sa mga imbak na malinis na tubig, tulad ng mga naiipon sa baldeng walang takip, gulong ng kotseng nakatambak na lang sa paligid, at iba pa.
- Tanggalin o takpan ang mga ipong malinis na tubig sa iba’t ibang lagayan.
- Gumamit ng kulambo sa pagtulog sa gabi.
- Magkabit ng screen sa mga bintana sa loob ng pamamahay.
- Iwasang pumunta sa mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok. Kung hindi maiiwasan, magsuot ng mahabang pantaloon at manggas.
- Gumamit ng iba’t iabng klase ng mosquito repellant.
- Patayin ang anumang lamok na nakikita sa paligid.
Samantala, nagpahayag naman ang Department of Health ng ilang prevention and control para maiwasan at masugpo ang dengue virus. Ito ang 4-S Campaign (Search, Self-protection, Seek, at Support)
Ang Enhanced 4-S campaign ay kumakatawan sa Search and destroy mosquito-breeding sites, secure Self-protection measures tulad ng pagsusuot ng long pants at long sleeved shirts at araw-araw na paggamit ng mosquito repellent.
Huming ng maagang konsultasyon, at suportahan ang fogging/spraying sa mga hotspot na lugar kung saan ang pagtaas ng mga kaso ay nakarehistro sa loob ng dalawang magkasunod na linggo upang maiwasan ang isang paparating na outbreak.
Ang pagpapatupad ng Enhanced 4-S ay nananawagan sa lahat na maging pangunahing gagalaw sa pagkontrol sa populasyon ng lamok at pag-iwas sa anumang posibleng pagkamatay sanhi ng dengue sa loob ng komunidad.
“The first step to prevent dengue is within our homes, it is important to remove any space or container than can hold unnecessary stagnant water which may become breeding sites of mosquitoes,” pagdidiin ni DOH Health Secretary Francisco T. Duque III.
Ang pagsugpo sa patuloy na laganap na kaso ng dengue ay sama-samang tungkulin ng bawat isang miyembro ng pamilya at komunidad. Magtulungan tayo.
Ipaalam din natin sa mga anak ang mahahalagang impormasyong ito para sa kanilang kaligtasan. At ituro natin sa kanilang ibahagi ang ganitong kaalaman sa kanilang mga kaklase at kaibigan.
Karagdagang ulat mula kay Kyla Zarate
Sources:
Based on communications with Dr. Daniel Luchangco, an Emergency Medicine Consultant at the Makati Medical Center and founder of Early Intervention Management. The EIM is an AHA accredited training center which offers high-quality BLS and ACLS training for Healthcare Professionals, CDC, DOH,
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- #AskDok: May gamot ba para sa nakamamatay na dengue?
- Mga sintomas sa Dengue ug ang paglikay sa Dengue
- Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."