4-anyos na bata, namatay 2 araw matapos magka-ubo at trangkaso

lead image

Totoo bang nakakahawa ang pneuomonia? Ating alamin kung ano nga ba ang sakit na ito, at kung pano ito maiiwasan ng inyong mga anak.

Kapag nagkakaroon ng lagnat o trangkaso ang ating mga anak ay pinapainom natin sila ng gamot, at pinagpapahinga. Madalas ay sapat na ito para gumaling sa kanilang sakit. Ngunit minsan, nagkakaroon ng mga komplikasyon na hindi inaasahan ng mga magulang.

Ito ang nangyari sa batang si Leon Sidari na namatay 2 araw lang matapos niyang magka-ubo at trangkaso. 

Ubo at trangkaso, sintomas na pala ng mas malalang sakit!

Inakala ng inang si Laura Sidari na simpleng lagnat lang ang sakit ng kaniyang anak na si Leon. Binigyan pa nga niya ito ng sopas at hinayaang magpahinga, habang nanonood ng cartoons sa TV. 

Ngunit paggising ni Leon ng sumunod na araw, nagkaroon siya ng malalang ubo at nahirapan siyang huminga. Dahil dito, sinugod ni Laura ang anak sa emergency room, at kalaunan ay na confine ang bata sa pediatric ICU.

Dito nalaman na mayroon na palang bacterial pneumonia at flu si Leon, at palala ng palala ang kaniyang kondisyon.

Kalaunan ay humina na ng humina ang katawan ni Leon, at matapos ang 2 araw, siya ay namatay. Nagkasakit siya ng Disyembre 23, at namatay siya ng umaga ng Disyembre 25, Araw ng Pasko.

Naagapan sana ang kaniyang pagkamatay

Hindi lubos akalain ni Laura na mamamatay ang kaniyang anak, lalong-lalo na at wala naman itong history ng malalang sakit, at malakas pa siya bago inubo.

Dahil dito, iginigiit ni Laura na pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak laban sa flu. Kung mas maaga nilang mapapabakuna ang kanilang anak, ay mas masisiguradong makakaiwas sila sa flu at sa mga komplikasyong dala nito.

Dagdag pa ni Laura na bibigyan na sana ng flu vaccine si Leon ng mismong linggo na iyon. Kung nakuha lang sana niya ng mas maaga ang flu vaccine ay posibleng naagapan ang sakit na kaniyang ikinamatay.

Pero sino ba naman ang makakaalam na ang simpleng lagnat at ubo ay bacterial pneumonia na pala? Kaya't mahalaga para sa mga magulang na alamin nag sintomas ng ganitong mga sakit upang maagapan agad ng mga magulang. 

Nakakahawa ba ang pneumonia?

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/09/post 281956 dreamstime m 4257208.jpg 4 anyos na bata, namatay 2 araw matapos magka ubo at trangkaso

Ang pneumonia ay isang uri ng impeksyon sa lungs o baga ng isang tao na nagmumula sa viral, bacterial, o kaya sa fungal na infection. Dahil sa impeksyon na ito, nagkakaroon ng tubig o nana ang baga, na nagiging sanhi ng ubo, hirap sa paghinga, at kung hindi maagapan, pagkamatay.

Siguro isa sa pinakamadalas na tanungin ng mga magulang tungkol sa pneumonia ay kung "nakakahawa ba ang pneumonia?"

May 3 dahilan kung bakit nagkakaroon ng pneumonia ang isang tao. Una, ito ay dahil sa isang viral infection, tulad ng influenza. Pangalawa, ito ay dahil sa bacterial infection, tulad ng nangyari kay Leon. Ang pangatlo naman ay posibleng dahil sa fungal infection.

Ang viral at bacterial na uri ng pneumonia ay lubhang nakakahawa, dahil madaling kumalat ang virus at bacteria na sanhi nito. Ngunit ang fungal na pneumonia ay hindi naman nakakahawa.

Mahalaga sa mga magulang na ilayo ang kanilang mga anak sa panganib ng pneumonia. Kaya heto ang ilang mga tips para makaiwas sa sakit ang inyong mga anak:

  • Ang influenza vaccine ay nakakatulong upang patibayin ang immune system ng inyong anak para hindi sila magkaroon ng flu o trangkaso. Kaya't siguraduhing vaccinated ang iyong anak.
  • Ugaliing maghugas ng kamay, at turuan din ang iyong mga anak na maguhas palagi ng kamay kami ang tubig at sabon.
  • Kumain ng tama at mag-ehersisyo upang tumibay ang resistensya.
  • Huwag ilapit ang iyong mga anak sa mga maysakit upang hindi sila mahawa.
  • Kapag ikaw naman ang nagkasakit, iwasang lumapit muna sa iyong mga anak upang hindi sila mahawa ng flu.
  • Huwag magdalawang-isip na dalhin ang iyong anak sa ospital kung malala ang kanilang sakit, o kaya kapag hindi gumagaling ang kanilang lagnat.

 

Source: Health

Basahin: What is flu and why should we take it seriously?