Bilang isang ina na mag-isang nag-aalaga sa sanggol at teens ay challenging talaga araw-araw. Nandiyan ‘yong pag-aaway ng magkapatid, nandiyan ‘yong stressed ka na sa lahat ng gawaing bahay, paulit-ulit na lang tapos may baby ka pa na aalagaan.
Dumating sa punto na gabi-gabi na lang talaga akong umiiyak. Bakit ganito, bakit ang hirap? Bakit ganto buhay ko? ‘Yan ang mga tanong na hindi ko rin masagot iniiyak ko na lamang gabi-gabi.
Pero ang lahat ng iyon ay nalagpasan ko dahil tinatawag ko ang Panginoon. Humingi ako ng gabay araw-araw. Humingi ako ng tawad sa mga nasabi ko at higit sa lahat, ‘yong mga anak ko na kahit na magulo araw-araw ay sila ang inspiration ko para lumaban. Sila ang inspiration ko para ipagpatuloy ang aking nasimulan.
Kaya mga nanay na nawawalan rin ng pag-asa kagaya ko, lahat ay ating malalagpasan natin basta’t huwag na huwag lang nating kakalimutang may Diyos na sa araw-araw sa atin ay gumagabay. At higit sa lahat, tingan ang ating mga anak dahil sila lang ang ating tanging kayamanan. Sila lang ang ating tanging inspiration sa araw araw upang mag patuloy lang tayo.
Mahirap po talaga ang mag-isa. Mahirap ang walang umaagapay sa araw-araw. Mahirap kumilos na may nararamdaman tayong ina tapos maliliit pa ang kasama sa bahay pero kailangan nating gumalaw, kailangan nating kumilos. At magpatuloy na sumunod sa agos ng buhay.
Ang mga nanay, sila ay madalas na iritable, madalas din sila na wala sa mood. Pero sila ang rason kung bakit nagiging ‘home’ ang isang bahay. Sila ang rason kung bakit nagiging ‘meal’ ang hinahain sa mesa. Maituturing sila na super hero.
Ang pagiging nanay ay isang mahirap na trabaho. Dahil dito ay walang day off. Kaya naman kung pakiramdam natin ay nahihirapan na sila, dapat ay matulungan din sila.
Para sa mga mister, huwag hayaan na solohin ng mga nanay ang trabaho sa bahay. Bigyan din sila ng sapat na pahinga at i-appreciate ang kanilang ginagawa para sa inyong pamilya.