X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!

2 min read

Nag-viral kamakailan ang post ng isang ina kung saan ibinahagi nya ang kanyang karanasan nang siya ay nanganak sa kotse!

Dagdag pa niya na ang matinding traffic raw sa EDSA ang naging dahilan kung bakit hindi na sila umabot sa ospital.

Isang ina, nanganak sa kotse!

Ayon kay Cheoui de Leon, nasa baby shower sila ng kaniyang fiancé na si Luis nang makaramdam siya ng contractions. Mahina daw sa simula, ngunit di rin nagtagal at sumasakit na ito.

Dali dali niyang pinadalhan ng text ang kaniyang OB, at tinapos na nila ang baby shower dahil alam niya na malapit na siyang manganak.

Magkasama na sila sa sasakyan ng kaniyang fiancé, at papunta na sila sa ospital. Yun nga lang, inabot sila ng napakatinding traffic sa EDSA!

Dagdag pa niya na naramdaman na niyang lumalabas ang baby. “Luis, lalabas na siya!! Di ko na kaya talaga,” ang sabi niya sa kanyang partner.

Nagmamadali namang magmaneho si Luis, at pilit sinasabi kay Cheoui na huwag muna umiri. Ngunit kahit gaano kabilis pa magmaneho si Luis, nahirapan pa rin sila dahil sa mga bus at sasakyan na patigil-tigil sa EDSA.

Sa wakas, umabot rin sila sa E.R. ramp ng ospital. Ngunit pagdating nila roon ay nailabas na ni Cheoui ang kaniyang anak na sinalo ni Luis!

Sa kabutihang palad, maayos namang naipanganak ang bata, at wala namang naging problema.

nanganak sa kotse

Nabigla sila at nasiyahan sa mga pangyayari

Dagdag pa ni Cheoui na hindi niya inasahan na bigla na lang siya manganganak. Mas lalo ring hindi niya inasahan na sa sasakyan pa siya manganganak!

Buti na lang, kasama niya ang kaniyang fiancé na sinusuportahan siya habang siya ay nanganganak.

Nakakatuwa rin na nag-post pa si Cheoui at nagpasalamat sa gumawa ng kaniyang makeup! Ito ay dahil mula raw sa baby shower, hanggang matapos niyang manganak, eh hindi natanggal ang makeup niya.

Basahin ang kaniyang post sa Facebook:

Partner Stories
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
#SendLoveWithBebeBata
#SendLoveWithBebeBata
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove

Source: Facebook

Basahin: Liz Uy nagsalita na tungkol sa pagiging nanay niya

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!
Share:
  • Depensa ng ina ng batang iniwan sa kotse: "Sandaling-sandali lang po 'yon."

    Depensa ng ina ng batang iniwan sa kotse: "Sandaling-sandali lang po 'yon."

  • Kinumpirma ng tauhan ng magulang: Dalawang beses naiwan ng "sandali" ang bata sa kotse

    Kinumpirma ng tauhan ng magulang: Dalawang beses naiwan ng "sandali" ang bata sa kotse

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pag-aalaga ng baby at kanilang kalusugan.