Sino ba namang hindi magigiliw sa mga sanggol? Mula sa maliliit nilang kamay at paa hanggang sa cute na cute nilang mga pisngi.
Bukod pa rito, hindi natin nalalaman kung bakit lagi nilang ginagawa ang biglang pagtawa, pag-iyak, panginginig at marami pang iba. Isa sa pinagtataka ng mga magulang ay kung bakit nanginginig ang baby paminsan-minsan.
Sa artikulong ito, sasagutin natin ang inyong katangungan tungkol sa nanginginig ng baby.
Nanginginig ang baby: Bakit ito nangyayari?
Hindi mo kailangang maging magulang para lang mapansin ang ilang gawi na ito. Kung hilig mo na ang pagtitig sa mga baby, maaaring nakita mo na ang kanilang panginginig at iba pang kakaibang ginagawa nila.
Kapag nakita natin ang mga baby na ganito, ang una nating reaksyon ay ang matakot. Subalit alam mo bang normal lang ito at ang panginginig ni baby ay hindi dapat ikabahala ng todo?
Bago natin talakayin isa-isa ang panginginig ng sanggol, narito ang ilang dahilan kung bakit sila nanginginig. Normal na sa mga sanggol ang biglang manginig o ‘yung tila ba nilalamig na may pagkakatulad sa tremor.
May ibang sanggol na nanginginig dahil sa sobrang excitement. Katulad na lamang kapag nakita nilang ibibigay mo sa kanilang ang paborito nilang laruan.
May iba namang baby na nanginginig habang pinapalitan sila ng diaper.
Isa pang dahilan nito ay ang startle response ng mga baby. Nangyayari ito kapag nakita mong nakabukas ang mga kamay at paa nito na tila ba nahuhulog. Kadalasan itong nangyayari kapag bigla silang nagising mula sa pagkakatulog. Kung hindi sila mapapasigaw dahil sa gulat, ito ang maaari mong makita sa kanila.
Bakit nanginginig ang baby?
Bago tayo magpatuloy, nais kong sabihin sa ‘yo na ang panginginig na ito ay normal lang sa halos ng baby. Wala ka dapat na ikabahala.
Isa lang itong paraan ng pag-express nila ng kanilang nararamdaman o dahil sa immature nervous system. Patuloy pang nagde-develop ang si baby at ang kaniyang neurological system. Hangga’t nakikita mo ang pagbuti ng kaniyang pang araw-araw na milestone, wala ka dapat ikabahala.
Narito ang dalawang karaniwang rason kung bakit nanginginig ang baby
1. Nag-aaral kung paano kontrolin ang sarili
Maaaring nakikita mo sa mga sanggol ang panginginig ng kanilang ulo. Ito ay dahil pinapag-aralan pa nila ang pagkontrol sa kanilang buong katawan.
Matalino rin ang mga baby. Alam nila ang kahulugan ng pag-iling mo! Kaya nama minsan ay mapapansin mong umiiling din ito.
Sa kasong ito, wala ka dapat na ikabahala. I-enjoy lang ang cute moment na ito kay baby!
2. Pagod
Napapagod din ang mga baby kapag naglalaro kayo. Bilang reaksyon dito, nanginginig o inaalog nila ang kanilang ulo para pakalmahin ang sarili. Minsan, ginagawa nila ito hanggang sa makatulog.
Wala ka dapat ikabahala kung mapansin mo ito.
3. Nag-i-imitate sila
Isa sa mga posibleng dahilan kung bakit nangingig o tila gumagalaw ang iyong baby ay maaaring nag-i-imitate sila ng kanilang mga nakikita sa kanilang paligid.
Hindi naman dapat ito ikabahala.
4. Isa itong uri ng kanilang non-verbal communication
Ang iyong baby sa isang punto ay magsisimula nang makipag-communicate sa iyo non-verbally. Isa sa mga paraan niya para makipag-communicate sa ‘yo ay ang pag-shake o tila panginginig ng kanilang ulo. Nangyayari ito sa pagitan ng 13 month old hanggang 15 month old na baby.
Kailan dapat mag-alala?
Sa ibang kaso, may ibang seryosong rason din ang nanginginig na baby at kinakailangang ipatingin na ito sa kanilang doktor.
1. Autism
Isang indikasyon ng Autism ang paulit-ulit na paggalaw o panginginig ng ulo. Bantayan din ang ilang sintomas katulad ng hirap sa eye contact, hindi pag ngiti, pag-babble o walang response kapag tinatawag mo ang kanilang pangalan.
Kung suspetsa mong iba ang kondisyon ng iyong anak, agad na ipasuri ito sa kanilang doktor.
2. Impeksyon sa tainga
Isa pang rason kung bakit nanginginig ang baby, lalo na sa kanilang ulo ay kapag mayroon silang impeksyon sa tainga. Samahan pa ng ubo, lagnat at pagkawala ng sigla.
Kapag natatabunan ang loob ng kanilang tainga, maaaring isa itong rason kung bakit sila nanginginig at nais nilang mawala ang nararamdaman.
Ano ang dapat bantayan?
Kapag tumagal ng mahigit sa 20 seconds ang panginginig ng iyong anak, nawalan ng malay at ang kanilang mata ay pumipitik na sa magkabilang gilid, samahan pa ng kulay asul na labi, agad na tawagan ang yong doktor.
Bantayan ang panginginig ng iyong anak. Sapagkat ito ay isang paunang sintomas ng seizure o neurological disorder.
Sa ibang kaso na hindi kinakailangan ng agarang tulong, bantayan kung laging nanginginig ang ulo ng iyong baby. Samahan pa ng pagkawala ng kanilang development at ang panginginig na ito ay umabot na hanggang sila ay magdalawang taong gulang. Kung ganito ang iyong anak, ipatingin na agad siya sa doktor.
Ito ang listahan ng mga maaaring dahilan kung bakit nanginginig ang baby. Normal lang para sa’yo ang mag-panic kanit na maliit na bagay ito. Kaya ‘wag kang mahiya kung nararamdaman mong paraoid kana lalo na kung bestfriend mo si Google.
If you want to read an english version of this, click here.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.