5 signs para malaman kung ikaw ba ay mayroong narcissistic partner
Ang iyong partner ba ay laging naka focus sa sarili? Maari itong sign ng pagkakaroon ng narcissistic partner. Alamin Dito.
Ang pagmamahal sa sarili ay magandang trait ng isang partner, pero ang sobrang pagmamahal ay hindi. Maaari itong maging sign na ikaw ay mayroong isang narcissistic partner.
5 signs para malaman kung ikaw ba ay mayroong narcissistic partner
Ang iyong asawa ay isa sa mga taong madalas mo nakakasama. Kaya mas madalas mo makikita ang kanyang good at bad traits. Siya ang kasama mo habang buhay kaya mahalaga na malaman ito. Ito ang ilang mga signs na ikaw ay may narcissistic partner:
1. Nagpopokus lamang sa kanilang sarili.
Ang iyong partner ay kadalasang sarili lamang ang gusto makita at marinig.
2. Walang interest sa iyong sinasabi at pangyayari sa iyong buhay
Dahil ang iyong partner ay naka-focus lang sa sarili kaya, sarili lang rin ang kanilang pinapakinggan.
3. Ikaw ay madalas na gina-gaslight sa mga bagay
Ang pag-gaslight ay ang paraan kung saan, ikaw ang pinalabas na mali dahil sa iyong nararamdaman. Ito ay maaari na binabago ang sitwasyon at ikaw ang inidiin na mali sa lahat ng bagay.
4. Mina-manipulate ang iyong decisions upang mapasunod sa kanilang gusto.
Ang iyong partner ay maari ka rin imanipulate sa mga decision mo sa iyong buhay. Kung ikaw ay may opportunity na mag-improve, sila ay maaring hadlangan ang iyong decisions.
5. Madalas ay ikaw ay na isolate sa inyong relationship.
May mga sitwasyong kung saan ay ikaw ay inilalayo sa iyong mga kaibigan at pamilya. Ito ay isa sa mga sign na narcissistic ang iyong partner dahil nagiging sila na lamang ang iyong mundo.
Ang mga narcissistic partner ay madalas rin na ginagawa ang lahat ng bagay upang sila ay maging center ng relasyon at attention. Sila ay nagiging lonely dahil nga wala na ang emotional connection sa kanilang partner.
Sa kabuaan, mas mainam na mag-usap kayo at magkaroon kayo ng bukas na komunikasyon sa isa’t ia. Kung maaari’y humingi ng tulong ng mga eksperto kung ito’y labis-labis nang nakakaapekto sa inyong pagsasama.