Neri Naig sa mga nagtatanong tungkol sa anak na si Pia: "Every child deserves a home and love"

"She will soon be, as we are in the process of making her ours, officially. ❤"

Aktres na si Neri Naig matapang na tinapos ang mga haka-haka tungkol sa batang babae na kasama nila sa kanilang family portrait.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mensahe ni Neri sa kaniyang asawa na si Chito Miranda.
  • Sino nga ba ang batang babae na kasama nila Neri Naig at Chito Miranda sa kanilang family portrait?
  • Kilalanin si Pia, anak ni Chito Miranda at Neri Naig.

Nitong Lunes, December 13, 2021 ay ibinahagi ni Neri Naig sa publiko ang isang family picture, bilang padiriwang sa kanilang ika-7 na anibersaryo ng kanilang kasal ng kaniyang asawa na si Chito Miranda.

Ang larawan ay kuha ng Nice Print Photography. Sa caption ng aktres, ipinahayag niya ang kaniyang pagmamahal at pasasalamat sa kaniyang asawa.

“Happy 7th year wedding anniversary, Dad! I love you so much!pagbati ni Neri.

Para kay Neri si Chito ang pinakadabest na tatay at asawa. “You are the best Dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa.”

Nagpapasalamat din si Neri dahil sa hatid nitong kasiyahan sa kanilang pamilya.

“Thank you for making us happy EVERYDAY. Palagi mo kaming pinapatawa at hindi mo nakakalimutang ipakita kung gaano mo kami kamahal.”

neri naig

Larawan mula sa Instagram account ni Chito Miranda

Sa huli ay nagbiro pa si Neri at sinabing, “SEVEN YEARS NA? WOW! matibay tibay helmet ko, haha! Joke lang! Mahal na mahal na mahal kita!!!”

Hindi lamang pagbati ang kanilang natanggap mula sa publiko, naglipana rin ang kaliwa’t kanang tanong kung sino nga ba ang batang babae na kasama nila sa kanilang family picture.

BASAHIN:

LOOK: Dingdong Dantes proud na proud sa pagiging judge ni Marian Rivera sa Miss Universe

Angeline Quinto: “Ngayon na magiging nanay na rin ako sana maging masaya kayo para sa akin.”

Karla Estrada to her kids: “Wala namang one night stand sa mga ama niyo—taon ang binilang ng mga pinagsamahan namin”

May mga haka-haka na ang batang babae umanong ito ay anak ni Chito sa ibang babae, ang iba naman ay sinasabing kapatid ito ni Neri.

Sa komento ng aktres sa parehong post, kaniyang matapang na sinabi sa mga ‘marites’ umano na gumagawa ng kwento,

Pia is our daughter. Every child deserves a home and love. Period. Ok na? Gets na yan? Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao. Nahusgahan at nagawan na ng mga kwento.”

Nilinaw naman ito ni Chito Miranda sa pamamagitan ng isang comment sa isang post sa kaniyang instagram account. Ayon kay Chito nasa proseso na umano sila ng pagsasaayos ng adoption papers ni Pia.

neri naig

Larawan mula sa Instagram account ni Chito Miranda

“She will soon be, as we are in the process of making her ours, officially. ❤” tugon ni Chito sa isang fan.

Sa kaparehong post naging emosyonal si Chito sa pagpapahayag ng kaniyang kasiyahan dahil sa kaniyang pamilya.

“Cheers from The Mirandas!!!” wika niya.

“I just love having a family.❤ Sobrang enjoy lang. Para kang may permanent barkada na kapakanan at kaligayahan lang nila ang priority mo. It makes everything in life so simple.” dagdag pa niya.

Hindi umano niya inakala, na magiging ganito kasaya ang pagkakaroon ng pamilya. Ikinwento rin niya ng kausapin siya ng pinsan niya noon.

“Well, actually, sinabihan na ako dati ng pinsan ko na super saya nga daw, pero I guess wala pa sa sistema ko dati kasi I was young, and had different priorities. Kanya-kanyang timing lang talaga, I guess…and you should never let anyone (including your parents at yung makulit mo na Tita), rush you into things.”

neri naig

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Naig

Sabi malalaman mo raw talaga kapag handa ka na.

“And when you eventually are, sobrang saya ng experience kasi yun na mismo yung gusto mo sa buhay.❤”

“Life should be fun, at ikaw lang ang tanging nakaka-alam at makakapagsabi kung ano ang magpapasaya sayo. For me, more than anything, eto na yun.” masayang pahayag ng singer-song writer.

Ikinasal si Chito Miranda kay Neri Naig, taong 2014, buwan ng Disyembre.

Dalawang taon ang makalipas ng ipanganak ng aktres ang kanilang first baby na si Miguel Alfonso, kasalukuyan itong 5 taong gulang.

At Oktubre, ngayong taon nang i-welcome nila ang kanilang bunsong anak na si Cash.

Happy Aniversary Chito and Neri!

 

Source:

GMA, ABS-CBN, PEP.ph 

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!