Mga magulang, narito ang dapat niyong malaman tungkol sa pangangalaga ng ngipin ng baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ilang taon tumutubo ang permanent teeth
- Bakit kailangang pangalagaan ang baby teeth
- Pangangalaga sa ngipin ng baby
Ang ngiti ng baby ay isang bagay na talaga namang nagdadala ng saya sa isang magulang. Lalo na kapag nakikita mong nagsisimula nang tumubo ang kaniyang mga ngipin.
Ang paglabas ng ngipin ng baby ay bahagi ng kaniyang physical milestones. Pagdating niya ng 2 hanggang 3 taong gulang, lahat ng 20 na unang ngipin o tinatawag na baby teeth ay dapat lumabas na. Sa article na ito, susuriin natin ang pagkakasunod-sunod ng paglabas ng baby teeth at primary teeth.
Kailan nagsisimulang tumubo ang ngipin ng baby?
Ang unang mga ngipin ng bata ay karaniwang lumalabas sa gilagid pagdating ng 6 na buwan. Tandaaan lamang na pagdating sa pagngi-ngipin, iba-iba ang bawat bata. May mga batang nagkakangipin nang maaga, simula 4 na buwan, at mayroon rin namang sinisimulan pa lamang tubuan ng ngipin pagdating ng kanilang unang kaarawan.
Subalit mayroon ring mga kaso na ang sanggol ay ipinapanganak na mayroon nang isang ngipin o higit pa.
Narito ang ilang kaalaman tungkol sa paglabas ng ngipin ng baby:
- Kadalasan ay mas maagang lumalabas ang ngipin ng mga babae kumpara sa mga batang lalaki.
- Ang mga premature at magaan nang ipinanganak ay maaaring mas nahuhuli ang paglabas ng ngipin at may enamel defects na nagiging panganib sa pagkasira ng ngipin.
- Bilang tanda, sa loob ng 6 na buwan, tinatayang 4 na ngipin ang lumalabas.
- Kadalasang nauunang lumabas ang mga ngipin sa baba kumpara sa nasa itaas.
- Kadalasang pantay ang paglabas ng mga unang ngipin. Ang mga ngipin sa parehong panga ay lumalabas nang dala-dalawa — isa sa kanan at isa sa kaliwa.
- Mas manipis ang enamel ng mga unang ngipin (kaya naman kailangan nila ng fluoride), mas maliit at mas maputi kumpara sa permanent teeth.
- Ang mga puwang sa pagitan ng mga baby teeth ay mahalaga para sa sapat na lugar para sa mas malalaking permanent teeth.
- Inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang pakikipag-usap sa dentista kung hindi pa rin tumutubo ang ngipin ng baby pagdating niya ng 18 buwan.
Bakit wala pang ngipin si baby?
Mayroong 5 uri ng mga ngipin na made-develop sa unang tatlong taon ng buhay. Ang iyong baby ay kadalasang makukuha ito sa ganitong pagkakasunod-sunod:
- central incisors (ngipin sa harapan)
- lateral incisors (pagitan ng central incisors and canines / pangil)
- mga unang molars
- canines (katabi ng mga unang molars)
- second molars
Mahalagang alalahanin na maaaring magkakaiba ang paglabas ng baby teeth sa mga bata.
Ang ngipin ng bata ay maaaring matanggal nang kahit anong pagkakasunod-sunod, ngunit ang baby teeth ay kadalasang natatanggal katulad ng pagkakasunod-sunod ng kanilang paglabas. Gayundin, kung ang baby teeth ay lumabas nang huli kumpara sa iba, mas matagal niya rin ang mga ito bago matanggal.
Inilista namin ang pagkakasunod-sunod ng (kadalasang) paglabas ng baby teeth, at inaasahang pagtanggal ng mga ito.
Uri ng Ngipin
|
Kailan lalabas
|
Kailan natatanggal
|
Lower central incisor |
6 hanggang 10 buwan |
6 hanggang 7 taong gulang |
Upper central incisor |
8 hanggang 12 buwan |
6 hanggang 7 taong gulang |
Upper lateral incisor |
9 hanggang 13 buwan |
7 hanggang 8 taong gulang |
Lower lateral incisor |
10 hanggang 16 buwan |
7 hanggang 8 taong gulang |
Upper first molar |
13 hanggang 19 buwan |
9 hanggang 11 taong gulang |
Lower first molar |
14 hanggang 18 buwan |
9 hanggang 11 taong gulang |
Upper canine o cuspid |
16 hanggang 22 buwan |
10 hanggang 12 taong gulang |
Lower canine o cuspid |
17 hanggang 23 buwan |
10 hanggang 12 taong gulang |
Lower second molar |
23 hanggang 31 buwan |
10 hanggang 12 taong gulang |
Upper second molar |
25 hanggang 33 buwan |
10 hanggang 12 taong gulang |
Nagdudulot ba ng lagnat ang pagngingipin?
Habang nagsisimulang tumubo ang ngipin ng baby, maaring maka-apekto ito sa kaniyang ugali o pagkilos.
Maari siyang magkaroon ng rashes (dahil sa labis na paglalaway), posible rin na maging balisa ang bata at dumadalas ang paggising sa gabi, lalo na kung sabay-sabay na tumutubo ang kaniyang ngipin. May mga kaso rin na sandali silang nawawalan ng gana sa pagkain.
Lahat naman ito ay normal lang at kusang nawawala, pero pwede mo ring tulungan si baby sa pamamagitan ng pagbibigay ng malamig na teether o milk popsicle para bahagyang maibsan ang pananakit at pamamaga ng gilagid.
Paniniwala pa ng matatanda, minsan raw ay nilalagnat ang bata dahil sa pagngingipin. Ayon sa mga eksperto, posible na bahagyang tumaas ang temperatura ng sanggol dahil sa pagngingipin, subalit hindi ito sapat upang magdulot ng lagnat sa bata.
Ayon kay Dr. Maria Belen Vitug-Sales, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center, hindi naman talaga mismong ang pagngingipin ang sanhi ng sakit ng sanggol, pero maaaring konektado ito sa mga bagay na kanilang isinusubo.
“Ang theory ko diyan kapag nagngingipin, the ipin starts to come out around 7 months. So around 6 months nanggigil na sila lahat ng puwedeng isubo, isusubo na nila.
And they like biting with everything, nanggigil na sila. Kasi siguro maga na iyong kanilang gums.
The fact that they put everything in their mouth gives them a risk of getting bacteria there and they may get diarrhea. Not because eksaktong lumabas iyong ngipin, pero nag-coincide at the same time.” paliwanag niya.
Bakit wala pang ngipin si baby?
Bakit mahalagang alagaan ang baby teeth?
Kung hindi naman pala permanente ang tumutubong ngipin ng baby, bakit pa ito kailangang ingatan kung matatanggal at mapapalitan rin naman ito?
Ayon sa mga dentista, mahalaga pa rin na alagaan ang baby teeth dahil kapag nagkaroon ng cavities ang bata, maari siyang makaranas ng sakit, at makaka-apekto ito sa kaniyang kalusugan.
“Baby or primary teeth are important because they are key to your child’s overall health, nutrition, and development.
Kids who are cavity-free eat more, in terms of quantity and variety of food, making physical growth faster. They enjoy a better quality of life because they are pain-free with a reduced risk of systemic infections from bacteria that come from decayed teeth,” ani Dr. Carmina Gulmatico Dela Cruz, isang pediatric dentist at orthodontist.
Narito pa ang ilang dahilan kung bakit dapat pangalagaan ang mga unang ngipin ng iyong anak:
- Nagre-reserve ito ng lugar para sa permanenteng ngipin napapalit.
- Nagbibigay ito ng normal na itsura sa mukha.
- Nakakatulong sa development ng pagsasalitang naiintindihan.
- Nakakatulong sa pagtanggap ng tamang nutrisyon (ang kulang o sirang ngipin ay nagpapahirap sa pagnguya, naging dahilan ng pagtanggi ng bata sa pagkain).
- Nagbibigay ng magandang simula para sa permanent teeth. Ang pagkasira o impeksiyon sa baby teeth ay nagiging sanhi ng itim na spots sa permanent teeth na nade-develop.
Paano nagkakaroon ng bulok na ngipin ang baby?
Maaring magtaka ang ilang magulang, “Paano nasisira ang ngipin ng baby ko kung hindi naman siya gaanong kumakain ng matatamis?”
Subalit kung ang iyong anak ay dumedede habang natutulog, o kaya naman ay nakapasok pa ang kaniyang bote sa kaniyang bibig habang natutulog, maari siyang magkaroon ng tinatawag na baby bottle tooth decay.
Ito ay isang uri ng tooth decay kung saan nasisira ng mga matatamis na inumin ang ngipin ng isang bata. Hindi lamang ito limitado sa gatas, dahil posible rin ito mangyari sa ibang matamis na inumin. Ngunit madalas kasi ay gatas ang pangunahing dahilan nito, kaya’t ito ang naging pangalan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa baby bottle tooth decay, basahin rito.
Samantala, narito naman ang ibang bagay na dapat alalahanin pagdating sa pangangalaga ng ngipin ng baby:
Tips sa pag-aalaga ng pagtubo ng ngipin ng baby at bata
- Bago pa lumabas ang ngipin, maaari nang simulan ng mga magulang ang pagpunas sa gilagid ng baby gamit ang malambot na pamunas o malambot na sipilyo para maging kaugalian ang oral hygiene.
- Para sa breastfed na mga baby, itigil ang pagpapakain sa gabi kapag lumabas na ang ngipin.
- Ang mga fruit juice, soft drinks, matamis na tsaa, formula, o gatas ay huwag ilagay sa bote ng bata o sippy cup sa pagtulog. Sa mga oras na ito, dapat ay tubig lamang ang laman ng mga bote o sippy cup.
- Sanayin na sa baso ang baby pagkaya na nitong umupo (mga 6 buwang gulang) at pilitin tanggalin ang paggamit ng bote pagdating ng 1 taong gulang.
- Linisin o isipilyo ang mga ngipin ng bata dalawang beses sa isang araw. Ang mga toothbrush ng mga bata ay dapat malambot na may maliit na ulo at malaking hawakan.
- Ayon sa AAP, ang pagsisipilyo ay dapat binabantayan hanggang kaya nang magmumog at maghugas ng bata ng sobrang toothpaste (kadalasan hanggang 6 taong gulang). Ang mga mas bata pa ay wala pang sapat na hand coordination na kailangan para mag-isang magsipilyo bago ang edad na iyon.
- Huwag dapat hayaan ang bata na lumunok ng toothpaste na may fluoride.
Tandaan na upang makaiwas sa baby bottle tooth decay, mahalaga na magsipilyo ang bata pagkatapos niyang kumain at bago siya matulog.
Kapag tumungtong na ng 1-taong-gulang ang bata, dapat ay dalhin na siya sa dentista para matingnan ang kaniyang ngipin at mabigyan ng payo kung paano pangangalagaan ito. Mas maganda na sa murang edad ay magkaroon na ng good dental habits ang bata upang kapag lumabas na ang kaniyang permanent teeth ay alam na niya kung paano ingatan ito.
BASAHIN:
Namamagang gilagid ni baby? 11 senyales na malapit nang lumabas ang ngipin niya
REAL STORIES: “My son got tooth decay from drinking milk.”
Top 5 toothpaste para sa Baby na dapat bilhin ni Mommy
Pagkakasunod-sunod ng pag-labas ng permanent teeth
Ang paglabas ng permanent teeth ay nagsisimula sa pagitan ng 5 at 7 taong gulang at natatapos pagdating ng 13 hanggang 14 taong gulang. Ang bata ay malamang na makukuha ang 28 permanent teeth pagdating ng 13 taong gulang. Samantalang ang apat na wisdom teeth ay kadalasang dumarating kapag siya ay 17 hanggang 21 taong gulang.
Ang tipikal na pattern para sa paglabas ng permanent teeth ay central incisors, lateral incisors, first molars, premolars, canines, second molars, at third molars (wisdom teeth), bagamat hindi lahat ay nadedevelop o lumalabas ang third molars.
Narito ang isang chart kung kailan mo maaasahang lumabas o tumubo ang permanenteng ngipin ng iyong anak.
Bakit wala pang ngipin si baby?
Tandaan, ang pagkakaroon ng good dental habits ay makakatulong para makaiwas sa pananakit at pagkasira ng ngipin ng iyong anak, kaya mahalaga na turuan siya nito nang maaga. Importante ang pagsisipilyo, at kung kaya na ng iyong anak, turuan na rin siyang gumamit ng dental floss at mouthwash.
Kung mayroon kang katanungan tungkol sa tamang pagtubo ng ngipin at pangangalaga ng ngipin ng iyong anak, huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa isang dentista.
Karagdagang ulat mula kay Camille Eusebio
Source:
Cleveland Clinic, AAP, ADA, theAsianparent
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!