Tinatayang nasa 9.5 porsiyento ng mga panganganak sa Pilipinas ay ginawa sa caesarean section o C-section. Ito ay halos katumbas ng isa sa bawat sampung panganganak.
Kung ikaw ay isang C-section mommy at nagbubuntis muli, maaaring isa sa mga katanungan sa iyong isipan ay: normal delivery pagkatapos ng c-section o C-section ulit?
Kailan pwede mabuntis ulit ang cesarean? Layon ng artikulong ito ang masagot ang katanungang ito sa pinakamadaling paraan.
VBAC or C Section?
Ano nga ba ang VBAC?
Ang ibig sabihin ng VBAC (binibigkas na “vee-back”) ay “Vaginal Birth After Caesarean” o ang normal delivery pagkatapos ng c-section.
Kapag ikaw ay muling nabuntis, titingnan ng iyong doktor kung maaari kang manganak ng normal delivery pagkatapos ng c-section, habang tinataya ang iyong medical history, estado ng iyong pagbubuntis at iba pang mga dahilan na maaaring magpakumplikado sa iyong panganganak.
Ayon sa National University of Health sa Singapore, maaari kang mag-normal delivery o vbac pagkatapos ng c-section kung:
- Nagkaroon ka lang ng isang Lower Segment Transverse Caesarean Section (LSCS)—salitang-doktor o medikal para sa isang panganganak sa C-section
- Ang dahilan sa iyong nakaraang panganganak sa C-section ay wala sa iyong kasalukuyang pagbubuntis
- Sapat ang laki ng iyong birth canal para sa panganganak
- Hindi ka sumailalim sa iba pang operasyon sa iyong matris (liban sa LSCS), at
- Hindi ka naputukan ng matris
Kahit maipasa mo ang lahat ng pamantayan, ang iyong doktor pa rin ang magpapasya kung ano ang makabubuti sa iyong pagbubuntis.
Makatutulong ang mga dahilan tulad ng laki ng iyong birth canal at kundisyon ng iyong matris upang malaman kung sa paanong paraan ka manganganak.
Sa madaling salita, kung ikaw ay papasa sa mga pamantayan, ligtas ang normal delivery pagkatapos ng c-section.
Mababa ang panganib na pumutok ang matris sa normal delivery pagkatapos ng c-section. Pero gayumpaman, ginagawa lamang ito sa mga kasong maaari ring isagawa ang panganganak sa C-section.
Karaniwang isinasagawa ang C-section kung kailangang ipilit ang panganganak. Tumataas ang panganib ng komplikasyon kapag kinailangan ng panlabas na tulong para sa panganganak. Dahil dito, mas ligtas ang sumailalim sa C-section.
Katunayan, halos 60-80 porsiyento ng mga nanay ay matagumpay na naipapanganak ang kanilang mga sanggol sa normal section sa kabila ng nakaambang panganib.
Ang iba naman ay talagang kinakailangan ng tulong, kaya naman nakaantabay ang grupong magsasagawa ng panganganak sa C-section.
Posible ang normal delivery pagkatapos ng c-section. | Image source: File photo
Sino ang puwedeng ma-VBAC?
Ayon kay Dr. Maria Theresa Tangkeko Lopez, isang OB-GYN sa Makati Medical Center, ang isang babaeng na-cesarean at good candidate para sa pangalawang pagbubuntis ay pwede masubukan ang panganganak ng normal.
Pero ayon sa kaniya,
“But there’s always these cases na pwedeng repeatable meaning some reasons for cesarean section is puwedeng permanent. Like if your pelvis is too small.
That pelvis will not going to change no matter how many pregnancies you have. So if let’s say a 7 or 7 and half pound baby did not pass through the first time around, the chances to another 7 pound or 7 half pound baby passing through the second time is not possible anymore.”
Kaya naman ayon kay Doc Lopez mas maganda talaga nasa una pa lamang na pangangak ay subukan na talaga ang normal delivery. Sapagkat pagpapaliwanag ni Doc,
“Kasi nga sometimes you end up having to do repeated c-sections. So ‘yon ‘yong mga reasons why you cannot do VBAC kasi ‘yong pelvis mo hindi na ‘yan magbabago. Or there’s a problem in the vagina itself. Iyan ‘yong mga cases that it is not going to change.
Pero maaari pa naman umano masubukan ulit ang panganganak ng normal kahit na nanganak ka sa unang beses sa pamamagitan ng c-section.
“But for reason such as placenta previa, puwedeng hindi na placenta previa ‘yong second baby mo, so you can try. Kapag distress ‘yong baby for whatever reason that happened, hopefully the 2nd time around the baby will not go distress.
And so definitely these are the cases that you can go and try again. If the baby is much smaller this time like if you have a baby like 8 or 8 1/2 pounds the last time then the prediction for this new baby is smaller.
So I think yeah you can and the baby is in the right position. Then these are the reason or cases that you can go and try again.”
Kaya naman mainam na paghandaan itong mabuti sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa inyong doktor para sa pinakamainam na paraan upang magawa ito.
VBAC or C Section? Tutulungan ka ng iyong doktor sa pagpapasya. | Image source: File photo
Bakit maaaring ipayo ng doktor ang muling panganganak sa C-Section?
Naging kilala ang C-section bilang isang paraan ng panganganak sa paglipas ng panahon.
Sumikat ang pamamaraang ito sa kadahilanang medikal, tulad ng mababang matris o iba pang panganib sa panganganak. Ngunit mayroon ding panganib sa C-section katulad ng ibang operasyon.
Narito ang ilan sa mga dahilan upang ipayo sa iyo ng iyong doktor na manganak sa C-section:
- Nanganak ka sa C-section nang higit sa isang beses
- Kambal o higit pa sa dalawa ang iyong dinadala
- Ang iyong huling C-section ay ginawa sa itaas na bahagi ng iyong matris
- Mababa ang iyong inunan
- Ang panganganak sa normal delivery ay magdudulot ng higit na komplikasyon o hindi talaga maaaring gawin nang ligtas.
Maaari kang papiliin ng iyong doktor kung nais mo ng normal delivery pagkatapos ng c-section o ang manganak ulit sa C-section.
Una sa lahat, kung ikaw ay maaaring sumailalim sa normal delivery pagkatapos ng c-section, ito ay ligtas para sa iyo at sa iyong anak. Mainam din ito kung ang huli at ang kasalukuyan mong pagbubuntis ay malayo ang pagitan, lalo na kung ang kasalukuyang pagbubuntis ay hindi high-risk.
Pangalawa, dahil ang panganganak ay gagawin sa ospital, dapat laging nakaantabay ang grupong magsasagawa ng C-section na panganganak sakaling hindi masunod ang plano sa normal delivery pagkatapos ng c-section.
Narito ang kagandahan ng normal delivery pagkatapos ng c-section, ayon sa NHS UK:
- Mabilis na recovery
- Malaking tiyansa ng madaling panganganak sa hinaharap
- Maikling pamamalagi sa ospital, at mas maliit na tiyansang ikaw at ang iyong anak ay mahawa ng hospital-borne na mga impeksyon
- Mas madaling pagpapasuso
Kailan pwede mabuntis ulit ang cesarean?
Anuman ang iyong piliin, ito man ay normal delivery pagkatapos ng c-section o manganak muli sa C-section, tandaan na hindi mo talagang mapipili kung paano ka manganganak.
Ang pinakamahalagang bagay sa pagkakataong ito ay ang kaligtasan mo at ng iyong anak. Makabubuting sumangguni sa iyong doktor tungkol rito.
Larawan mula sa Shutterstock
Pero ang huling pagpapasya ay nakadepende sa mga bagay tulad ng pangangalaga matapos manganak, kalagayang pinansiyal, ang iyong kalusugan at iba pa.
Maaari ding sumangguni sa iyong obstetrician tungkol sa maganda at hindi magandang mga bagay tungkol sa dalawang paraan ng panganganak.
At kung mayroon kang napipisil sa isa sa mga ito. Sa paraang ito, ang iyong pasya ay may basehan, at malalaman mo kung bakit mas mainam ang isang paraan para sa iyo batay sa iyong medical history.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz
Dagdag ulat mula kay Marhiel Garrote
NHS UK, NUH Singapore, NCT UK
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!