Olygohydramnios sequence: Sanhi, sintomas, at epekto sa pagbubuntis
Ang amniotic fluid ang bumabalot at pumoprotekta sa iyong anak habang ito ay nasa loob pa ng iyong bahay-bata. Alamin ang panganib ng olygohydramnios.
Habang nagdadalang tao ang isang babae, ang fetus ay nababalot ng amniotic fluid sa bahay-bata nito. Mahalaga ang amniotic fluid dahil tinutulungan nito na madevelop ang fetus nang maayos. Kapag hindi sapat ang amniotic fluid, ang tawag dito ay olygohydramnios.
Ano ang olygohydramnios?
Ang kondisyong ito ay itinuturong dahilan sa iba’t ibang kondisyon na nakakaapekto sa organs ng fetus.
Olygohydamnios sequence ang tawag sa kondisyon na nagreresulta sa pagkakaroon ng olygohydramnios.
Tinatawag ding Potter’s syndrome, ito ay iba’t ibang pangyayaring magkakaugnay na nagdudulot ng malalang abnormalities sa fetus. Ito ay ipinangalan kay Dr. Edith Potter, na siyang naklarawan sa pisikal na itsura ng fetuses na may ganitong kondisyon.
Hindi porke mababa ang amniotic fluid ng fetus ay magkakaroon na ito ng abnormalidad. Ang pagkakaroon ng olygohydramnios sequence ay ayon sa iba’t ibang dahilan: yugto ng pagbubuntis at dami ng amniotic fluid.
Ang huling yugto ng pagbubuntis ang pinakakritikal. Kung nangyri ang olygohydramnios sequence sa panahong ito, maaaring maging mas malala ito.
Ayon sa Journal of Clinical Neurology, isa sa bawat 4,000 ipinapanganak ang nagkakaroon ng oligohydramnios sequence.
Bakit mahalaga ang amniotic fluid?
Kabilang sa mga ginagawa ng amniotic fluid ay:
- Tumutulong sa paglaki at pag-develop ng lungs ni baby
- Pinoprotektahan si baby
- Tumutulong sa pagdevelop ng laman at buto ni baby
- Tumutulong upang hindi ma-compress ang umbilical cord, na nakakaapekto sa daloy ng dugo at sustansya kay baby
- Pinapanatili ang tamang temperature
- Pinapanatiling madulas ang parte ng katawan ni baby upang hindi ito magdikit-dikit
- Ang amniotic fluid ay mayroon ding iba’t ibang sustansya, hormones, at antibodies na nakakatulong sa paglaban sa impeksyon. Sa ika-36 linggo ng pagbubuntis, ang ina ay mayroong nasa isang litro ng amniotic fluid sa bahay-bata, ayon sa March of Dimes.
Sanhi ng olygohydramnios sequence
Hindi laging nalalaman kung ano ang sanhi ng mababang level ng amniotic fluid. Isang maaaring dahilan ay ang pagtulo ng amniotic fluid dahil pumutok na ang amniotic membranes.
Paglagpas ng ika-20 week ng pagbubuntis, ang karamihan sa komposisyon ng amniotic fluid ay ihi na ng fetus. Ang kidneys ang responsable sa pagsala ng fluids at paggawa ng ihi. Kung hindi gumagana nang tama ang kidneys, hindi ito makagagawa ng sapat na ihi. Magdudulot ito ng kakulangan sa amniotic fluid.
Ang chain of events na dulot ng hindi paggana ng kidneys (tulad ng malformation o failure) ay maaaring mauwi sa olygohydramnios sequence.
Minsan ay nakakaapekto rin ang genetic mutations sa pag-develop ng kidney. Kabilang sa abnormalities na ito ang:
- autosomal dominant polycystic kidney disease
- autosomal recessive polycystic kidney disease
- hereditary renal adysplasia
Ang pagkakaroon ng high blood pressure o diabetes bago mabuntis ang isang babae ay maaari ring makaapekto sa pagkakaroon ng olygohydramnios sequence.
Kadalasan ay mga lalaking sanggol ang nagkakaroon ng kondisyong ito.
Ang family history ng renal diseases ay nakakadagdag din sa tiyansa ng babaeng buntis ng pagkakaroon nito.
Sintomas ng olygohydramnios
Kung kaunti lamang ang amniotic fluid, nagiging maliit ang amniotic cavity kaysa normal. Naiipit nito ang fetus, at nahahadlangan ang paglaki at pag-develop nito.
Ilan sa mga sintomas ay facial abnormalities katulad ng:
- malapad na nasal bridge
- malapad na pagitan ng mga mata
- mababang posisyon ng tenga
Paano ito nada-diagnose?
Ang ultrasound ay kayang madetect ang mababang levels ng amniotic fluid at hindi normal na development ng kidney ng fetus.
Isang senyales din ang tumutulong amniotic fluid, ngunit hindi ito laging nangyayari.
Kapag napanganak na ang sanggol, makikita sa X-ray ng baga at at bato kung may abnormal development.
May lunas ba ito?
Sa ngayon ay wala pang lunas sa olygohydraomnios sequence.
Minsan ay nag-i-infuse ng fluid sa bahay-bata, o amnoinfusion. Ngunit ang fluid na ito ay hindi nagtataglay ng kaparehong sustansya at antibodies gaya ng sa amniotic fluid ng ina. Nakakatulong lang ito na bigyan ng oras ang fetus na mag-develop.
Sa kabilang banda, maaari naman tumaas ang tiyansa ng impeksyon kung gagawin ito, at hindi rin ito sapat upang ma-develop ang baga.
Maaari ring magdulot ng miscarriage ang pagkakaroon ng ganitong kondisyon. Sa ilang kaso, ang bata ay stillborn at pumapanaw rin matapos ang ilang oras.
Ang iba pang epekto ng olygohydramnios sequence ay:
- birth defects, gaya ng hindi maayos na paggana ng kidneys
- miscarriage, o fetal death bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis
- premature birth, or panganganak bago ang ika-37 linggo
- stillbirth, kung saan namamatay ang sanggol sa bahay-bata bago ang ika-20 linggo
Sa ngayon ay wala pa ring paraan upang maiwasan ang kondisyon na ito.
Source: Healthline
Basahin: Panubigan ng buntis: Paano malaman kung may tagas ang iyong amniotic fluid?
- Polyhydramnios in Pregnancy: When there is too much amniotic fluid
- Panubigan ng buntis: Paano malaman kung may tagas ang iyong amniotic fluid?
- Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"
- 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang