Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

undefined

Isang open letter sa mga magulang tungkol sa Iligan City bullying case: paalala na nasa pagpapalaki at pangaral natin nakasalalay ang asal ng anak.

Advertisement

Dear Parents,

Kamakailan lang, bumulaga sa atin ang isang nakakalungkot at nakakagalit na balita: isang 9-anyos na bata mula Iligan City ang nasa kritikal na lagay matapos umanong gulpihin ng limang high school students. Ayon sa ulat, pinagtulungan at sinaktan ang bata habang siya ay pauwi, at ngayon ay patuloy na lumalaban para sa kanyang buhay.

This should never have happened.

Bilang magulang, masakit isipin na may batang napahamak sa kamay ng kapwa kabataan. Mas masakit pa ang katotohanan na ang ugat ng ganitong asal ay hindi lamang sa paaralan nabubuo, madalas, nagsisimula ito sa mismong tahanan.

Ang Responsibilidad ng Magulang

Mga magulang, tandaan natin: ang paaralan ay nagtuturo ng kaalaman, pero ang tamang asal, respeto, at malasakit, sa bahay natututunan.

Kung hindi natin pinapakita at tinuturo ang tamang pakikitungo, paano matututo ang ating mga anak na maging mabuti? Kung ang nakikita nila sa bahay ay galit, panlalait, at kawalan ng respeto, huwag na tayong magtaka kung dadalhin nila ito sa labas at ibubuhos sa kapwa.

Ano ang Dapat Ituro

Mga anak natin ang salamin ng pagpapalaki natin. Kaya sana, turuan natin silang:

  • Makinig bago magsalita.

  • Umunawa bago humusga.

  • Rumespeto kahit sino pa ang nasa harap nila.

  • Magpigil at mag-isip bago manakit.

Hindi ito natututunan sa libro. Natututunan ito sa araw-araw na halimbawa ng mga magulang.

Paalala sa Bawat Tahanan

Huwag nating iasa sa guro, sa guidance counselor, o sa mga batas ang pagpapalaki ng anak. Oo, may malaking papel ang lipunan at paaralan, pero ang unang hakbang palagi ay nasa loob ng ating tahanan.

Kung ang kultura sa bahay ay respeto at malasakit, dadalhin ng anak iyon saan man siya magpunta.
Kung ang kultura ay galit at pananakit, iyon din ang uugaliin niya.

Panawagan

Mga magulang, nasa atin ang susi. Kung gusto natin ng mas ligtas na mga paaralan at komunidad, simulan natin sa sarili nating mga tahanan.

Pakiusap, palakihin natin ang ating mga anak ng maayos nang hindi sila nagiging bully.

Tandaan natin: the way we raise our children shapes the way they treat others.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!