X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mga lalake, mas mataas ang panganib na magkaroon ng HPV sa oral sex!

2 min read
Mga lalake, mas mataas ang panganib na magkaroon ng HPV sa oral sex!

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga lalakeng nagkaroon daw ng higit sa dalawang oral sex partners ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng HPV.

Para sa maraming mag-asawa, ang oral sex ay isang paraan upang ibalik ang init sa kanilang pagsasama. Ngunit ayon sa isang pag-aaral, posible raw makakuha ng HPV dito ang mga lalake, na nagiging sanhi naman ng esophageal cancer.

Ano ang kinalaman ng HPV sa oral sex? 

Ang HPV, o human papillomavirus ay isang uri ng sexually transmitted disease. Ito ay isang virus na madalas ay walang masamang epekto sa katawan. Ngunit may mga uri ng HPV na posibleng maging sanhi ng genital warts, pati na rin ng kanser.

Alam na ng mga doktor na nakukuha ito sa pakikipagtalik, pero posible din pala itong makuha sa oral na pakikipagtalik.

Ito ay kapag ang isang babaeng may HPV ay binigyan ng oral sex ng isang lalake, may posibilidad na mahawa ng HPV ang lalaki sa kaniyang lalamunan.

Kapag napabayaan, posible itong maging sanhi ng iba’t-ibang uri ng kanser, kasama na ang esophageal cancer.

Mas mapanganib ang oral na pakikipagtalik sa mga lalake dahil mas kayang labanan ng vagina at ng mga babae ang virus kumpara sa mga lalake.

Ayon kay Professor Shan Rajendra mula sa Ingham Institute, mas mataas ang panganib para sa mga lalakeng nagkaroon na ng maraming oral sex partners.

Pero dagdag din ni Professor Rajendra na kumpara sa mga nagkaroon ng esophageal cancer mula sa alak at sigarilyo, mas madaling gamutin ang kanser mula sa HPV. 

Dapat ba umiwas sa ganitong uri ng pakikipagtalik?

oral sex

Maraming paraan upang maging ligtas sa oral sex.

Hindi naman nito ibig sabihin na dapat iwasan ang oral na pakikipagtalik, lalo na kung nakakatulong ito sa inyong mag-asawa. Puwede namang mag-ingat at gumamit ng tinatawag na dental dam.

Ang dental dam ay kadalasang ginagamit ng mga dentista, pero nagagamit din ito sa pakikipagtalik. Ito ay manipis na goma na ginagamit upang hindi magkaroon ng skin-to-skin contact sa oral na pakikipagtalik. Para itong condom na nagagamit sa bibig.

Bukod dito, mabuti ring magpa-test sa HPV upang malaman kung mayroon ka ba nito. Sa mga kababaihan, puwede itong isabay sa pagkuha ng pap smear sa OB-GYN.

Ngunit sa mga lalake, wala pang siguradong paraan upang ma-test ang HPV. Kaya’t mas mabuti ang maging maingat at iwasan ang pagkakaroon ng iba’t-ibang mga sex partners. 

 

Source: The Sun

Basahin: 15 oral sex tips para sa mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Mga lalake, mas mataas ang panganib na magkaroon ng HPV sa oral sex!
Share:
  • 5 oral sex mistakes most husbands make and how to fix them

    5 oral sex mistakes most husbands make and how to fix them

  • Paano gagawing mas enjoyable ang oral sex?

    Paano gagawing mas enjoyable ang oral sex?

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 5 oral sex mistakes most husbands make and how to fix them

    5 oral sex mistakes most husbands make and how to fix them

  • Paano gagawing mas enjoyable ang oral sex?

    Paano gagawing mas enjoyable ang oral sex?

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.