Was supposed to have our first child last April 2018 but the Lord said it’s not yet for me. He has plans.
And He never fails to keep His promise – ‘For I know the plans I have for you says the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.’ Jeremiah 29:11
Katulad ng ibang mommies, nagkaroon din ako ng depression at anxiety noong nakunan ako last October 2017.
August 2017
It was August 2017 noong nalaman kong buntis pala ako. Halos ilang linggo akong nagkasakit noon. ‘Nung nagpacheck-up ako at pinag-PT, positive ‘yung result. Hindi ako makapaniwala, dahil ang alam ko kakatapos lang ng menstruation ko.
Napagkamalan pa ako ng doctors na ipapalaglag ko raw ‘yung bata dahil nga dinudugo ako. So they suggest na magpa-transV ako.
I was worried that time kasi may baby na ako sa tyan ko and hindi ko alam kung normal lang ba ‘yung nangyayari sa akin.
Naging maselan ang aking pagbubuntis kaya naka-bedrest ako start noong nalaman kong preggy pala ako. May nakita rin kasi na polyps sa aking cervix kaya yun pala ang rason sa pagdurugo ko sa buong pregnancy journey ko. Kaka-promote ko lang noon sa isang government agency pero kinailangan kong mag-file ng Leave of Absence para sa amin ni baby.
BASAHIN:
Learn more about your kid’s personality through their zodiac signs!
What does your kid’s choice in ice cream say about their personality?
October 14, 2017
Saktong 3 months si baby noong nalaglag siya sa aking sinapupunan.
Nanaginip ako na basa raw ‘yung pajama ko. Then bigla akong nagising, paghawak ko sa pajama ko basang-basa nga at ang lakas na ng dugo ko. Hindi kami makalabas ng bahay dahil sobrang lakas ng ulan. So nagpahinga muna ako at pinakiramdaman ko if may sumasakit ba saking katawan.
Noong tumila ang ulan, nagpasya kaming pumunta sa aking OB. Nagbanyo muna ako tapos ‘yun na, may lumabas muna na malaking dugo sa pag-ihi ko. Then noong naramdaman ko na may lalabas pa ulit, inabangan ko na, pagtingin ko wala na, si baby na pala yung hawak hawak ko. Sobrang liit nya. Buo na sya at ang arte ng pagkahiga nya, wala na siya, iniwan niya na ako.
Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ko noong time na ‘yun.
Ang alam ko lang umiiyak ako habang hawak hawak ko sya at pagkabigay ko sa mama ko, natulala na ako. Very traumatic sakin ‘tong experience ko na ‘to. Ito na ata ‘yung pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko.
November 2017
Nagpacheck-up ako sa OB dahil lampas 1-month na at hindi pa rin ako nagkaka-menstruation. Nagrequest siya for TransV at ‘yun na nga nagkaroon ako ng PCOS sa right ovary.
Halos 1 taon din ang tiniis ko sa hormonal imbalance na nararamdaman ko.
January 2019
Bumaba na ang follicles ko sa both ovaries.
Naging kampante ako. Naging busy sa trabaho. Na-stress at nagpacheck-up ako last Dec 2019 at ‘yun na nga ulit. 2 ovaries ko na ang may PCOS.
Habang tumatanda ako, pakiramdam ko wala na akong pag-asa magka-baby pa. Tanggap ko na.
May 2020
Dumaan ang pandemic at napakaraming pagsubok ang aming pinagdaanan. Nawalan ng trabaho at temporary closed ang maliit na negosyo.
Pero may unexpected blessing na binigay si Lord sa akin. Akala ko nag-gain ako ng weight dahil sa PCOS ko pero ‘yun pala ay 5 weeks preggy na ako.
Minabuti kong itago ang pagdadalang tao ko sa ibang tao hanggang 3 months sapagkat hindi naging madali sa akin ang pagkawala ng una kong baby.
At ngayong taong 2021, manganganak na ako by end of January or 2nd week of February.
Unexpected blessing
Last year, hindi man maganda ang lahat ng pangyayari sa buong mundo. Hindi ko man ipinalangin pa ang pagkakaroon ng baby, binigyan ako ng Panginoon ng unexpected blessing. Totoo nga ‘yung sinasabi nila na, kapag mahal ka babalikan ka.
Kailangan mo lang talaga maghintay ng tamang panahon na ibibigay ni Lord sayo.
Kaya kung anumang burdens ang dinadala mo, ipanalangin mo lng yan palagi sa ating Panginoon. At kung ikaw ay may depression at anxiety, talk to your love ones or close friends na alam mong someone to lean on talaga.
At para sa mga kababaihan na gustong magka-baby at may PCOS, huwag kayong mahihiyang magpa-OB. Kung ang mga meds at payo ni Doc ay di ubra sa inyo, hanap kayo ng ibang ways, huwag kayong mapapagod darating din ‘yan sa tamang panahon.
Dasal at tiwala lang sa ating Panginoon.
Share your stories with us! Be a contributor theAsianparent Philippines, i-click here