Bakit mahalagang dalhin agad si baby sa dentista kapag lumabas na ang unang ngipin niya?

lead image

Ayon sa mga eksperto, dapat dalhin na si baby sa dentista kapag lumabas na ang unang ngipin niya.

Paano alagaan ang ngipin ng baby ang kadalasang concern ng mga magulang. Lalo pa’t ito ang kanilang ginagamit para kumain, ngumuya at magbigay ng kanilang cute smile.

Ang kanilang baby teeth ang kanilang gagamitin hanggang lumabas na ang kanilang permanent teeth sa kanilang paglaki. Kapag hindi naging maganda ang pag-alaga sa baby teeth, maaari nitong maapektuhan ang permanent teeth. Kaya naman importante ng mapangalagaan ito nang maayos at mapanatiling healthy.

Paano alagaan ang ngipin ng baby

Image from Freepik

Paano alagaan ang ngipin ng baby

Ayon sa mga eksperto, ang unang paraan kung paano alagaan ang ngipin ng baby ay ang dalhin siya agad sa dentista kapag lumabas na ang unang ngipin niya. Ito ay para masigurong makakaiwas siya sa tooth decay na maaring makadamage sa healthy teeth niya.

Dapat din daw sundan ng dentist check-up kapag tumungtong na siya sa gulang na isa at magkaroon ng follow-up check-up taon-taon.

Ayon kay Dr. John Morris, senior lecturer ng dental public health sa University of Birmingham, ang early dental visits ay hindi lang nagbibigay ng impormasyon para makaiwas sa early childhood oral health issues ang mga bata. Nakakatulong rin ito para ma-familiarize sila sa dental environment at mabawasan ang future dental anxiety o ang pagkatakot na bumisita sa dentista.

“Poor oral health can cause pain and infection, which can affect eating, sleeping, socialising and learning,” dagdag pa ni Dr. Morris.

Kahalagahan ng pagpunta sa dentista

Sa isang pag-aaral nga na ginawa ng University of Birmingham, University of Edinburgh at Public Health England, lumabas na sa England ay 3% lang nga mga bata ang nadadala sa dentista bago ang kanilang first birthday.

Mula noong 2014 to 2016 ay naitala sa bansa na ang tooth extraction ay ang main reason kung bakit naa-admit sa ospital ang mga batang may gulang na 5 to 9 years old. Ang tooth extraction din daw ang sixth most common procedure na ginagawa sa mga batang limang taong gulang pababa.

Maiiwasan daw sana ito sa pamamagitan ng early dental visits na nagsisimula sa paglabas ng una nilang ngipin. Ito ay para malaman ang mga dapat at hindi dapat sa kung paano alagaan ang ngipin ng baby.

Paglilinis ng ngipin ng baby

Isa sa pangunahing paraan para maalagaan ang ngipin ni baby ay sa pamamagitan ng pagtotoothbrush na dapat gawin kapag lumabas na ang unang ngipin niya.

Gumamit lang ng soft brush na nilagyan ng konting toothpaste na ang dami ay kasing sukat ng butil ng bigas.

Dahan-dahang i-brush ang ngipin ni baby. Ito ay maari mong gawin hanggang siya ay tumungtong sa edad na kaya niya itong gawing mag-isa.

Para naman maalagaan ang gums ni baby ay dapat panatilihin itong malinis.

Gamit ang malambot at basang lampin o tela ay dahan-dahang punasan ang ngala-ngala ni baby. Gawin ito pagkatapos sumuso o dumede ni baby at bago siya matulog.

Sa ganitong paraan ay maalis ang mga bacteria na maaring manirahan sa ngala-ngala niya na maaring maka-damage sa kaniyang ngipin.

 

Source: DailyMail UK, WebMD

Basahin: Sanggol, ipinanganak na mayroon nang tumutubong ngipin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!