Ako nga pala si Djae. Isa lang akong simpleng babae.
Hopeless romantic kung tawagin ng mga kaibigan ko noon dahil sa pagiging mailap ko sa lalake. Puro imagination lang pinapairal ko dahil hindi ako naniniwala sa forever.
Naniniwala lang ako na hangga’t meron makukuha sa’yo ang lalaki, mag-ii-stay siya sa’yo.
Hindi pa ‘ko noon masyadong seryoso sa mga relasyon-relasyon. Mahilig lang akong makipag-chat sa mga online dating site dati dahil tinuruan ako ng kaibigan ko para libangin ang sarili ko.
Nagkaro’n ako dati ng MU sa chat, isang Indiano. Hindi ako nage-expect ng relationship. Parang naging sandalan ko lang noon ‘yon dahil sa mga stress ko sa buhay.
Kumbaga sinasakyan ko lang lahat ng mga conversation namin. Minsan nagvi-video call kami para may makausap lang ako.
That time, wala kong idea na girlfriend na pala tingin niya sakin no’n. And I didn’t expect na mangyari ‘yon kasi chat lang naman.
Nagkaro’n ako ng job opportunity sa isang call center company nitong pandemic.
Nag-try akong magkaroon ng experience para sa background. Kahit na may virtual experience ako, hindi pa rin ako panatag sa magiging experience ko sa pagiging virtual. Tinry ko mag-apply for BPO and pinalad na mahanap para sa mga baguhan na katulad ko.
Nag-training ako for two weeks and na-enjoy ko naman.
Hindi ko ine-expect na dito magugulo ‘yong buhay kong tahimik, na may darating sa buhay ko na mababago ‘yong lahat ng pananaw ko sa buhay.
Nakilala ko siya as bad boy. Iyon ang tawag sa kaniya ng Team leader namin.
Naging close ko siya dahil sa kaibigan niya. Hindi ko ine-expect na ang pagiging close namin ay magiging masyadong big deal para sa mga tao do’n. Ang daming humarang at ang daming tutol.
Wala naman kaming ginagawa. We were just friends. Pero marami nang nagtsi-tsismis and never nangyari iyon sa tanang buhay ko. Parang ang gulo.
One day, ‘yong TL ko lumapit sa’kin and sinabi niya na ‘wag ko lalapitan dahil bukod daw sa babaero, pamilyadong tao na ‘yon.
Nagulat ako. Hindi naman ako lumapit para magkaro’n ng relationship. We were just friends. So mas lalong lumakas ‘yong loob ko, out of curiosity.
Naging close kami kasi nginitian ko daw siya. Na-love-at-first-sight daw siya, which I think is weird kasi uso pa pala ‘yong gano’n.
Hindi ako kinilig or ano. Mas malakas lang ‘yong naging curiosity.
Bakit lahat ng tao parang ayaw sa kaniya? And maraming bad comments.
Hindi ko alam na nanliligaw na pala siya sa ‘kin kasi wala naman akong alam sa ganiyan.
I’m 25 years old, but hindi ko na-experience na may mag-confess sa ‘kin. Manligaw nang hindi nagsasabi. Feeling ko normal lang na magkakasama kami ng mga kaibigan ko at kaibigan niya.
Until one day, niyaya niya ako.
Sabi niya sa ‘kin hatid daw niya ako pauwi dahil mahirap mag-commute at puwede niya akong ihatid since may motor naman siya. Um-oo ako kasi nakuha niya na ‘yong trust ko kasi mabait naman siya.
Pero bago kami makauwi, hindi ko ine-expect na dadaan kami sa lola niya, which is unusual. Sobrang kabado ako kasi hindi naman dapat kami pupunta do’n. Dapat diretso uwi lang.
Nagkataon lang daw na inutusan siya ng mother niya para kumuha ng bigas. ‘Pinakilala niya ako sa lola niya. Super awkward talaga and hindi ako umiimik. Tahimik lang akong naga-antay na makauwi na kami.
Inalok pa ‘ko ng lola niya ng drinks. Tahimik lang akong um-oo kahit sa totoo lang, nahihiya na talaga ako. First time sa ‘kin mangyari ‘yon.
Tumatawa lang siya sa mga naging reaksyon ko. Parang wala lang sa kaniya.
Hanggang sa pauwi na kami. Medyo umaambon pa no’n and nakuwento niya na may anak siya sa ex niya sa una.
Sabi niya ikukuwento niya ng buo pag naging kami daw. Tinikom ko na lang ‘yong bibig ko.
Napaka-gentleman niya. Napaka-caring sa babae. Kaso alangan ako kasi nga may sabit. Ayoko magkaro’n ng problema.
Pero ‘yong tsismis sa aming dalawa, hindi natitigil. Grabe pala talaga ang tao ngayon—sobra mag-isip.
Dumating na ‘ko sa point na sobra na kaya dahil sa badtrip ko, pinatulan ko ‘yong panliligaw niya.
Sinagot ko siya September 24. Naging kami pero sobrang complicated dahil ‘yong mga ex niya, pinagmumura ako. Siniraan ako sa social media.
Sobrang gulo as in.
Pero hindi ‘ko jinudge. Pinapatulan ko lang pag below the belt na.
One time, isa sa mga ex niya nag-message sa ‘kin about him. Kung gaano siya kababoy sa mga babae. Lahat ng klaseng paninira sa kanya sinabi sa ‘kin nung ex niya.
Hindi ako ‘yong tipong tao na basta-basta naniniwala hangga’t hindi ko nakikita sa mata ko na ginagawa niya ba talaga ‘yon. Inobserbahan ko lang ang lahat.
Dumating pa sa punto na umabot ng social media ‘yong paninira sa ‘kin and nakarating sa family ko.
Wala kong magawa kundi ipakilala siya sa family ko since galit na sila dahil first time nangyari sa ‘kin.
First time kong nagdala ng lalaki sa bahay namin sa tanang buhay ko. ‘Pinakilala ko siya ng pormal sa mama ko and sa family ko.
Sa una okay, pero nung malaman na may anak siya, hindi matanggap ng mama ko at family ko kaya pinahihiwalay kaming dalawa.
Mahal ko na siya. Hindi siya mahirap mahalin kasi hindi naman siya gano’n katulad ng sinasabi nila. Mabait siya. Bad-boy looking, may itsura, guwapo, mukang babaero nga lang.
Naging roller coaster ‘yong relationship namin dahil sa daming issues.
Dumating na sa point na pinapili ako ng mama ko kung ‘yong lalaki or siya.
Wala akong pinili pero lumayas ako kasi first time ko pa lang mag-boyfriend tas jinudge agad nila. And worst pinapili pa nila ako.
Pinaglaban ko siya kase mahal ko na siya.
Naglayas ako.
Tinulungan niya akong makahanap ng apartment pansamantala. Tumuloy muna kami sa Antipolo pansamantala.
Sobrang hirap ng pinagdaanan namin hanggang sa nagkaro’n na kami ng sariling apartment. Nagsama kaming dalawa.
After a year na pagsasama, nakabuo kami. Ngayon 8 months ko na.
Napakasuwerte kong nakilala ko siya. Hindi niya ako iniwan sa pinakaduluduluhan ng buhay ko. Humirap, guminhawa nasa tabi ko lang siya. Never siyang nambabae. Mahal na mahal niya kami ng anak niya.
Soon, we’re planning to get married.
Sobrang saya. Walang toxic.
Marunong kaming mag-open-up sa isa’t isa. Tinutulungan namin ang bawat isa.
Hindi namin hinahayaang magkagalit kami buong gabi. Pinag-uusapan namin yung mga problema hindi tinatakasan.
Pinaglaban ko siya. Pinaglaban niya ako. Mas lumalim pa yung love nung dumating si baby.
And ang masasabi ko lang at advice sa mga may mga relationship, kilalanin niyo muna yung magiging partner niyo.
Maganda is makasama niyo siya sa mga hirap na pinagdadaanan niyo dahil dun mo lang malalaman kung gaano siya kaseryoso sayo. Mahirap mag-expect nang sobra kaya maganda din na maglaan tayo sa sarili natin.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!