Ini-isyu ng BIR ang TIN para sa mga empleyado o self-employed na propesyonal o freelancers, at mga korporasyon sa pribado at publikong sektor.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang TIN number o TIN Card?
- Mga hakbang kung paano kumuha ng TIN ID
- Mga kailangang dokumento
Ito ang reference number na ginagamit para mag-file ng tax. Ang sekundaryo na gamit ng TIN ay bilang isang valid ID para sa iyong mga government transactions. Paano kumuha ng TIN ID? Alamin dito.
Ano ang TIN number o TIN Card?

Ang TIN ID o Card ay isang uri ng identification card na naglalaman ng buong pangalan, address, kaarawan, picture, signature, at card issue date ng isang holder.
Ito ay ini-issue ng BIR ng o Bureau of Internal Revenue ng libre. Ito ay gawa sa isang yellowish na papel o manipis na cardboard, mayroon din itong BIR logo.
Hindi rin ito nag-eexpire, ibig sabihin nito valid ito hanggang sa gusto mo nang mag-renew. Lalo na kapag ito’y hindi na mabasa.
Sino ang mga pwedeng kumuha ng TIN Online?
Maaaring mag-register online ng TIN number o tinatawag din na eTIN. Narito ang mga pwedeng kumuha nito online:
- Kung ikaw ay Self-employed
- Mga Mixed Income Earners
- Employees
- Mga qualified sa ilalim sa Executive No. 98
Mga hakbang kung paano kumuha ng TIN ID
Paano kumuha ng TIN online?
Maaari ng kumuha ng TIN online lalo na kung walang oras para kumuha sa BIR mismo. Upang makakuha ng TIN online naisip ng gobyerno na gawin ang BIR eRegistraion System.
Ito ay para lamang sa mga hindi pa nakakakuha ng TIN at sa ngayon ang online registration para sa TIN ID ay para lamang sa mga self-employed muna. Hindi pa maaaring mag-register online ang mga empleyado para sa kanilang TIN.

1. Pumunta sa eRegistration website: https://ereg.bir.gov.ph/ereg/welcome.do, ereg.bir.gov.ph o efps.bir.gov.ph
2. Mag-fill out ng form online na nagre-require ng basic na impormasyon ng taxpayer. Tandaan na maging maingat sa paglagay ng mga detalye upang makumpleto ang buong form.
3. Maghintay ng kumpirmasyon na email mula sa BIR. Kung wala ito sa iyong inbox, maaaring nasa spam mo ito. Tandaan na kailangan mong magbayad ng registration fee na P 500.00 lalo na kung ikaw ay isang single proprietor o propesyonal.
Para sa first timer: Paano kumuha ng TIN number?
Ito ang mga requirements at procedures upang makakuha ng TIN at mag-register sa BIR:
- BIR Form 1901 — ang aplikasyon para sa mga self-employed at mixed income na indibidwal, estate, o trust
- Ang BIR Form 1902 — ang aplikasyon para sa mga inidibidwal na kumikita galing sa sariling income at non-resident citizens o overseas contract workers o seamen na kumikita sa isang foreign sourced na income
- BIR Form 1903 — ang aplikasyon para sa mga korporasyon o partnerships (taxable/non-taxable), kasama rito ang GAIs at LGUs
- Ang BIR Form 1904 — ang aplikasyon para sa mga one time taxpayer at mga tao na naka-register sa ilalim ng EO 98
Mga kailangang dokumento
Para sa mga self-employed at mixed-income na indibidwal (mga propesyonal o sole proprietors)
- BIR Form 1902 – ang aplikasyon para sa mga indibidwal na kumikita sa sariling compensation income (local at alien empleyado man)
- Kahit anong identipikasyon na inisyu ng gobyerno (e.g. birth certificate, passport, driver’s license, community tax certificate) na may pangalan mo, address, at kapanganakan
- Marriage contract kung kasal na
- Para sa mga alien na empleyado – passport
- Working permit o photocopy ng duly received application for alien employment permit (AEP) na galing sa Department of Labor and Employment (DOLE)
BASAHIN:
Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS
Paano magbayad ng PhilHealth contribution online at sa bayad center?
Paano nga ba mag-apply ng calamity loan sa SSS?
Larawan mula sa iStock
Para sa mga empleyado na gagamit ng eREG System, ang requirements sa taas ay kakailanganin din.
Pamamaraan
- I-fill out ang BIR Form 1902 at isumite ito kasama ng mga iba pang dokumentong required sa employer.
- Matapos ito, kukumpletuhin i-fill out ng employer ang kailangan niyang sulatan o sagutan.
- Isumite ang BIR Form 1902 sa Revenue District Office (RDO) kung saan may jurisdiction sila sa kung saan ka nagta-trabaho.
Individuals Earning Purely Compensation Income
- PSA (NSO) Birth certificate
- Valid at acceptable IDs, Company ID o Certificate of Employment
For One Time Taxpayers (No Prior TIN)
- PSA (NSO) Birth Certificate
- Deed of Sale, kung applicable
- Deed of Donation, kung applicable
Partnerships/Corporations
- Certificate of Registration galing sa Securities and Exchange Commission (SEC); Articles of incorporation/partnership
- Mayor’s Permit
Non-Resident Citizens
- Passport na may visa ng aplikante
Payor of Final Tax on Winnings
- PSA (NSO) Birth Certificate
- Marriage Certificate, kung ang aplikante ay kasal na
- Certification galing sa awarding company o indibidwal
Vehicle Registrant
- PSA (NSO) Birth Certificate
- Deed of Sale at Official Receipt/Cash Invoice
OCWs/Seamen Earning Purely Foreign-Sourced Income
- BIR Form 1904 – Application for Registration for One-Time Taxpayer and Person Registering under E.O. 98
- PSA (NSO) Birth Certificate
- Employment Contract
Self-employed at Mixed Income Individuals
- BIR Form No. 1901 version 2018
- Kahit anong identification na galing sa pamahalaan na nagpapakita ng full name, address at birthdate ng applikante. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod; Birth Certificate, passport, driver’s license, Comunity Tax Certificate.)
- Resibo ng registration fee at DST o proof of Payment of Annual Registration.
Larawan mula sa iStock
Paano naman kumuha ng TIN ID kung mayroon ka nang TIN number?
Pumunta lamang sa RDO o Revenue District office kung saan ka nakarehistro. Kung ikaw ay isang empleyado na inisyuhan ng TIN sa pamamagitan ng iyong employer. Maaari ka nang pumunta ng direkta sa RDO para mag-apply ng TIN card.
Pwede ka ring mag-apply ng o mag-request para sa TIN card. Kinakailangan lamang na mag-present ng isang valid ID na government issued.
Anong gagawin kapag nawala, nasira, o hindi na updated ay TIN ID?
Kapag nawala ang iyong TIN ID o nasira, o kaya naman hindi na updated ang address nito halimbawa. O kaya naman para sa mga babaeng kasal na at iibahin ang kanilang pangalan.
-
Kailangan mo ng mga requirements para sa isang TIN card replacement. Ito ay ang mga sumusunod:
- Accomplished BIR Form 1905 (Application for Registration Information Update/Correction/Cancellation)
- Accomplished BIR Form 0605 (Payment Form)
- If TIN card is lost: Notarized Affidavit of Loss (You can draft your own affidavit or get one from a notary public near you. It usually costs Php 150 to Php 300+)
- If TIN card is damaged: Old TIN card (both original and photocopy)
- For married women: Marriage certificate and old TIN card (both original and photocopy)
-
Magkano ang TIN card replacement fee?
- Nagkakahalaga ito ng Php 100, para ito sa processing.
-
Steps sa pag-a-applu ng TIN card replacement
- Pumunta sa RDO kung saan ka nakarehistro o kung saan inisyu ang TIN mo.
- Sagutan ang BIR Form 1905
- Ibagay lahat ng kinakailangan na impormasyon
- Pumunta sa COR update windom para i-submit ang iyong accomplished BIR Form 1905 kasama na ang iba pang requirements.
- Magbayad sa bangko na authorized ng RDO para sa TIN card fee. Mag-request ng payment slip sa banko kapag andoon ka na. Magbibigay sila ng resibo.
- Bumalik sa RDO para i-submit ang resibo at machine0-validated BIR Form na 0605 sa COR Update window. Kailangan mo rin i-surrender ang original mong ID o photocopy ng iyong TIN card, kung na-damaged ito o papalitan ang iyong pangalan.
- Matatanggap ang iyong TIN card matapos mo itong maproseso o maaaring umabot ito ng limang araw.
Tips sa pagkuha ng TIN ID number
Tandaan na umiwas at huwag magpagawa ng TIN ID sa mga fixer. Bukod sa bawal ito sa batas ay maaaring maloko. Marami rin ang mga scammer online.
Nagbabala na rin ang BIR patungkol sa mga scammer at fixer na nag-i-issue ng mga pekeng ID number at card.
Mas mainam pa rin na ikaw mismo ang kumuha at mag-aasikaso ng iyong TIN ID dahil kinakailangan mo rin ito. Lalo na kung ikaw ay may negosyo o nagtatrabaho.
Maaari rin tanggapin o kunin ang TIN card ng authorized representative na iyong napili. Tandaan lamang ng iyong representative na kailangan niyang dahil ang nakanotaryong Special Power of Attorney o SPA. Kasa na rin ang kanilang government valid ID. Mas mainam na magdala na ng dalawang ID para sigurado.
Source:
OFW Money, BIR , Filipiknow
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!