Paano ba makakatipid ng kuryente ngayong summer?

Share this article with other moms

Nako, dahil sa init ng panahon, talagang dapat naka-todo ang mga electric fan at aircon sa bahay. Kaso, kailangan din nating magtipid ng kuryente!

Sobrang init talaga sa Pilipinas. Kahit dito ka pinanganak, maiinis ka talaga minsan kasi may mga araw talaga na sobrang init, parang gusto mo na lang hindi umalis sa bahay at magpalamig.

Pero syempre, hindi naman puwedeng nakabukas na lang palagi ang mga electric fan at aircon sa bahay, kasi sigurado, tataas ang konsumo sa kuryente. Kaya heto ang ilang mga tips para magpalamig at magtipid ng kuryente!

1. Uminom ng maraming tubig

Minsan, malamig na tubig lang talaga ang kailangan mo para hindi ka mainitan. Minsan kasi, kahit nakatutok na sa'yo ang electric fan, eh hindi talaga lumalamig ang pakiramdam mo kasi yung loob ng katawan mo ang naiinitan.

Mahalaga din na laging uminom ng tubig ngayong summer upang makaiwas sa heat stroke. Kaya siguraduhin na laging hydrated ang buong pamilya!

2. Dalasan ang paliligo

Ang mga Pilipino talaga, mahilig maligo. Kahit pupunta lang sa tindahan sa kanto, minsan gusto natin na lagi tayong presko at bagong ligo.

Kaya kung pakiramdam niyo na naiinitan kayo, sa halip na buksan ang aircon, o itutok lahat ng electric fan sa bahay, bakit hindi niyo subukan na maligo? Minsan kailangan lang talaga nating maligo para maging presko at malamig ang pakiramdam.

Maganda din kung gumagamit kayo ng menthol na shampoo o sabon, para lalong mas malamig sa pakiramdam!

3. Siguraduhing palaging malinis ang mga aircon at electric fan

Kapag naiipon ang dumi at alikabok sa mga aircon o electric fan sa bahay, mas madaming kuryente ang nakokonsumo ng mga appliances na ito kasi bumabara ang dumi at alikabok at ito ay nagpapahina ng hangin na lumalabas.

Kaya ngayon pa lang, siguraduhin niyo na malinis ang mga electric fan at mga aircon ninyo, para mas efficient at mas tipid sa kuryente!

4. Lumabas ng bahay!

Dahil summer na, at wala nang pasok ang mga chikiting, maganda din yung minsan lumalabas-labas kayo ng bahay. Hindi naman kailangan na magpunta kayo sa mall at gumastos, yung simpleng lalabas lang kayo, at maglalakad papunta sa park, o kaya isama niyo yung mga kids pagpunta sa supermarket para mag-grocery.

Maganda din itong bonding experience kasi magkakaroon kayo ng oras na makasama ang mga anak ninyo.

5. Buksan ang mga bintana

Sobrang init ba sa bahay ninyo palagi? Baka naman laging nakasara ang mga bintana ng bahay niyo. Maganda din yung hinahayaan natin na pumasok ang preskong hangin para hindi puro hangin ng electric fan at aircon ang nasasagap natin.

Syempre, wag niyong bubuksan ang bintana kapag naka-aircon kayo, sayang ang lamig!

6. Wag masyadong lakasan ang aircon

Minsan, hindi naman natin kailangan na naka todo palagi ang aircon. Kahit yung "low" setting, sakto na para hindi mainit sa bahay.

Kaya importante din na wag palaging nakatodo ang mga electric fan at aircon, kasi mahirap din yung galing sa sobrang init, papunta sa sobrang lamig. Posibleng magkasakit ang ating mga kids kapag nabibigla yung katawan nila sa pagpalit ng temperatura.

Ang importante, dapat laging sakto lang. Hindi sobra, hindi kulang.

Sana makatulong ang mga tips na ito para hindi masyadong tumaas ang inyong bill sa Meralco ngayong bakasyon!

Sources: energy.govgracelinks.org

READ: Teaching kids to save money: Practical tips from real parents

Be sure to check out ParentTown for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Money Family Life