Dahil sa paghihinalang hindi siya ang ama, mister sinapak ang newborn

undefined

Narito ang mga impormasyon tungkol sa DNA paternity testing sa Pilipinas. Ang paraan kung paano malalaman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ng isang babae.

Paano malalaman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis, kung alam lang sana ng isang ina ang sagot dito siguro ay buhay pa ang kaniyang anak. Dahil sa walang basehang paghihinala na hindi siya ang ama, kaniyang kinakasama napatay ang sariling anak nila.

paano malalaman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis

Image from ABS-CBN News

Sanggol na napatay ng sarili niyang ama

Tulala at wala sa sarili, ito ngayon ang itsura ni alyas Beth matapos masawi ang kaniyang bagong silang na sanggol. Ang nakakalungkot na dahilan ng pagkamatay nito, ay ang wala sa katinuang pag-iisip ng kaniyang kinakasama na pinaghihinalaang hindi siya ang tunay na ama ng bata.

Kwento ni Beth ay pinapadede niya ang dalawang linggo pa lang na anak na lalaki ng biglang sapukin ito ng kaniyang kinakasama at ama ng bata na si alyas Paul. Hindi pa ito nakuntento sa ginawa, kaya naman ibinitin pa ito ng patawarik saka tinakpan pa ang bibig ng sanggol.

Dalawang araw matapos ang ginawa ni alyas Paul sa sanggol ay bigla nalang itong kinumbulsyon saka namatay.

Paliwanag ni alyas Paul ay lasing siya ng mangyari ang insidente. Dagdag pa ang paghihinala niya na hindi siya ang ama ng sanggol dahil isang buwan daw umalis noon ang kinakasamang si Beth saka bumalik at sinabing buntis na ito sa anak nila.

Ngunit bwelta ni Beth, si Paul ang tunay na ama ng sanggol. Wala lang daw ito sa maayos na pag-iisip dahil sa gumagamit ito ng illegal na droga.

Dagdag pa niya ay sinasaktan din daw siya ni Paul.

Dahil sa naggawa ay nahaharap sa kasong parricide si alyas Paul pati na sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act. Sa kasulukuyan ang suspek ay nakakulong sa presinto ng Sta. Cruz Municipal Police Station sa Laguna.

Paano malalaman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ng isang babae

Ngunit ano nga ba ang paraan kung paano malalaman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ng isang babae?

Mabuti nalang at may sagot na ang teknolohiya diyan na available narin dito sa Pilipinas. Ito ay ang procedure na kung tawagin ay DNA paternity test.

Sa tulong ng DNA paternity test ay maaring matukoy kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ng isang babae. Maaring maisagawa ito as early as 9 weeks ng pagbubuntis. Kinakailangan lang ng DNA sample mula sa sinasabing ama ng sanggol, DNA ng unborn baby pati narin ang DNA ng babaeng nagbubuntis.

Ang DNA mula sa unborn baby ay maaring kunin mula sa fluid galing sa amniotic sac o kaya naman ay ang tissue mula sa placenta ng sanggol.

Habang ang DNA naman mula sa kaniyang mga magulang ay maaring kunin sa pamamagitan ng cheek cells mula sa loob ng bibig o blood sample.

Ang DNA paternity test dito sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng P15,000. Ito ay dahil ang analysis ng DNA sample ay ginagawa pa sa ibang bansa at umaabot ng dalawang linggo bago pa lumabas ang resulta.

Mas mahal naman ang DNA testing na kailangan for court purposes. Ito ay nagkakahalaga ng hanggang P27,500.00 dahil sa mga paperworks na kailangang ihanda at metikulong prosesong kailangang pagdaanan.

Tinatayang ang accuracy ng DNA paternity test ay 99.9% na kung saan pinapangalagaan din ang confidentiality at identity ng mga sumasailalim sa testing.

 

Source: ABS-CBN News, GMA News, Inquirer Business, NHS, DNA Test PH

Photo: Pixabay

Basahin: Baking soda gender test sa mga buntis, accurate nga ba ang resulta?

 

 

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!