China, kinumpirma na airborne ang sakit na coronavirus

China, kinumpirma na airborne ang sakit na coronavirus

Ang dating virus na napapasa lamanag thru fluid, ngayon ay naipapasa na sa hangin na iyong malalanghap! Paano nagkakaroon ng coronavirus? Alamin!

UPDATE: 2019 novel coronavirus update as of February 10, 2020. Naipapasa na sa hangin ang naturang virus!

Matatandaang noong Jan 30, 2020 unang inanunsyo ng Department of Health ang unang kaso ng novel covonavirus dito sa bansa. Kasunod nito ang pagkumpirma sa dalawa pang positive. Lahat ng mga ito ay nagmula sa epicenter ng virus, sa Wuhan China.

Tatlo na ang confirmed case dito sa bansa at ang isa ay namatay dahil sa naturang virus.

Naipapasa o nahahawa lang ang coronavirus kapag ang isang infected nito ay aksidenteng mabahingan o maubuhan ang taong hindi positive. Maaari rin itong makuha sa direct contact katulad ng paghawak sa kamay, paghawak ng hindi malinis at contaminated na kamay sa mukha.

Ngunit sa paglipas ng mga arawa, mas lalong natututunan ng maga eksperto ang bawat pag-aaral sa coronavirus. Nitong February 10, 2020 muli nilang pinanaalalahanan ang publiko.

Ayon sa China Daily , ang novel coronavirus ay airborne na. Maaari nang maipasa ang nakamamatay na coronavirus sa pamamagitan ng hangin.

"Aerosol transmission refers to the mixing of the virus with droplets in the air to form aerosols which causes infection after inhalation,"

-Shanghai Civil Affairs Bureau deputy head Zeng Qun

Pinaalalahanan din ni Zeng Qun ang publiko tungkol sa matinding pag-iingat sa mga gagawin. Katulad na lamang ng pag-iwas muna sa mga gatherings o public place. Dahil mas lalo na itong delikado lalo na't sa hangin na rin siya napupunta.

“As such, we have called on the public to raise their awareness of the prevention and control of the disease caused by family gatherings,”

Ayon sa mga eksperto ang direct transmission ay nangyayari kapag na-inhale mo ang hanging malapit sa positive na paseyente. Ito ay kapag umubo o suminga ang isang infected. Ang contact transmission naman ay kapag humawak sa isang babay ang infectected na pasyente at ang mga droplets dito na mula sa virus ay napunta sa'yo.

Maaari mong ma-track ang mga bansang may positive sa coronavirus: Coronavirus 2019-nCoV Global Cases by Johns Hopkins CSSE

Paano nagkakaroon ng coronavirus

Narito ang mga sintomas ng coronavirus:

  • runny nose
  • sakit ng ulo
  • ubo
  • sore throat
  • lagnat
  • masamang pakiramdam

Ang sakit na dulot ng coronavirus sa ngayon ay walang specific na lunas. Dahil sa ito ay isang virus ay hindi ito malulunasan ng antibiotics o antiviral drug. Ang tanging paraan lang para malunasan ang sakit ay maibsan ang mga sintomas ng coronavirus at iwasan itong lumala.

Ilan sa mga paraan upang gawin ito ay ang sumusunod:

  • Pag-inom ng maraming tubig.
  • Umiwas sa paninigarilyo at sa mga mauusok na lugar.
  • Pag-inom ng acetaminophen, ibuprofen o naproxen para sa lagnat at sakit.
  • Paggamit ng humidifier o cool most vaporizer pati ang pagligo sa maligamgam na tubig para makatulong maibsan ang ubo at sore throat.

Maliban sa mga nabanggit na paraan ng pag-iwas, mahalagang sa oras na makaramdam ng sintomas ng coronavirus ay magpakonsulta na agad sa iyong doktor. Upang ito ay agad na matukoy at maibsan ang mga sintomas na maaring lumala. At maging sanhi ng mas malalang sakit at pagkasawi kung hindi maagapan.

Basahin ang kumpletong detalye dito: Coronavirus: Sanhi, sintomas at paano ito iiwasan

Source: China daily

BASAHIN: Paano mo mapoprotektahan si baby sa novel coronavirus?Coronavirus update: Pangatlong kaso kinumpirma na ng DOH!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner