Mga Produktong Maaaring Gamitin Sa Pagpapaputi Ng Kilikili

Mga Produktong Maaaring Gamitin Sa Pagpapaputi Ng Kilikili

Alamin kung paano paputiin ang kilikili at ang mga produktong maaari mong gamitin upang kuminis at pumuti ang balat.

Maitim na kilikili ba ang iyong problema? Marahil ay naitanong mo na rin sa iba kung paano paputiin ang kilikili. Tiyak na marami ka nang produkto o treatment na nasubukan para paputiin ang kilikili. Sa kabilang banda, kung wala ka pa ring napapansin na improvement sa kulay nito, panahon na para baguhin ang iyong underarm skin care routine, maging ang mga produktong gamit mo para rito.

Nais mo bang malaman kung anu-ano ang mga produktong makakatulong para paputiin ang iyong kilikili? Keep on scrolling! Inilista namin ang mga epektibong brands na maaari mong isama sa iyong underarm skin care routine. Plus, naghanda rin kami ng tips kung paano paputiin ang kilikili.

Best products na pampaputi ng kilikili

[product-comparison-table title="Best products na pampaputi ng kilikili"]

Mama's Choice Dry Serum Deodorant

Best Brightening Serum Deodorant

[caption id="attachment_476538" align="aligncenter" width="1024"]Mama's Choice Dry Serum Deodorant Paano Paputiin Ang Kilikili: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Mama's Choice[/caption]

Ang pinipili ng mas nakakaraming ina sa Southeast Asia, ang deodorant na ito ay walang halong aluminum, alcohol at paraben, na hindi nakakabuti sa mga buntis o nagpapasuso ng mga ina.

Ang Mama's Choice Dry Serum Deodorant ay tumutulong na paputiin, kontrolin ang body odor at bawasan ang labis na pagpapawis ng kili-kili. Ito ay gawa sa CareMag o dead sea mineral na isang natural antiperspirant, niacinamide na mabisa sa pagpapatingkad ng maitim na kili-kili, at lemon extract na mayaman sa bitamina na nagpapaputi at nagpapalusog ng balat.

Bagaman ito ay gawa para sa mga pregnant at breastfeeding moms, safe din ito gamitin ng mga teenagers mula sa edad na 16 at pataas.

Features we love:

  • Gawa sa natural ingredients
  • Walang halong chemicals
  • Natural lemon scent
  • Specially formulated for pregnant and breastfeeding mothers

Kamiseta Underarm Soap

Best Whitening Soap

[caption id="attachment_488791" align="aligncenter" width="1200"]Kamiseta Underarm Soap - Best Whitening Soap Paano Paputiin Ang Kilikili: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Kamiseta[/caption]

Upang malinis ng maayos at mapaputi ang kulay ng balat sa kilikili, magandang gumamit ng sabon na ginawa para rito. At isa sa best soaps na mabibili mo sa market ay ang Kamiseta Underarm Soap. Ligtas ito gamitin para sa underarms dahil gawa ito sa natural skin whitening ingredients kaya't siguradong hindi nakakairita sa balat.

Epektibo ito sa pagpapaputi ng dark underarms dahil sa taglay nitong kojic acid. Mayroon din itong licorice extract na may soothing effect sa balat. Sinamahan pa ito ng vitamin B3 o niacinamide na nakakapagpalambot ng balat at may brightening effect din. Mild lamang din ang scent ng sabon na ito.

Features we love:

  • Natural skin whitening ingredients
  • Nakakapagpalambot ng balat
  • Mild scent

Olay Body Science Body Wash - Brightening

Best Whitening Body Wash

[caption id="attachment_483816" align="aligncenter" width="1200"]Olay Body Wash - Best Brightening Wash Paano Paputiin Ang Kilikili: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Olay[/caption]

Hindi lamang maputing kilikili ang maaachieve mo sa paggamit ng body wash na ito from Olay. Kaya nitong gawing radiant at bright ang iyong balat dahil naglalaman ito ng Niacinamide. Ang Niacinamide ay kilala bilang mabisang at safe na ingredient na ginagamit sa mga whitening products.

Bukod pa riyan ay mayroon din itong vitamin C na nakakatulong din sa pagpapaputi, pagpapakinis at pagpapalambot ng balat. May sweet at refreshing smell din ito na nagmula sa extracts ng honey dew lemon, apple blossom at green bamboo na taglay nito.

Features we love:

  • Brightening body wash
  • Niacinamide at Vitamin C
  • Sweet at refreshing

Mink PH Rad Pits Underarm Serum

Best Whitening Serum

[caption id="attachment_488821" align="aligncenter" width="1200"]Mink Underarm Serum - Best Whitening Serum Paano Paputiin Ang Kilikili: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Mink[/caption]

Magandang isama rin sa iyong underarm skin care routine ang whitening serum na ito mula sa Mink. Bukod sa nakakapagpaputi ito ng kilikili ay nakakatulong din ito sa pagcontrol ng odor dahil sa Potassium Alum na taglay nito. Tiyak na mabibigyan ka nito ng magandang resulta sapagkat naglalaman ito ng Carica Papaya extract na matagal nang ginagamit sa iba't ibang produktong pampaputi.

Bukod pa riyan, sinamahan pa ang serum na ito ng Vitamin C na may brightening effect din sa balat at Shea Butter na nakakapagpalambot ng balat. Ang kagandahan pa sa serum na ito ay maaari mo itong gamitin bago maglagay ng deodorant sa kilikili.

Features we love:

  • Skin lightening serum
  • Carica Papaya extract at Vitamin C
  • Anti-perspirant at moisturizing

Belo UA Whitening Cream

Best Whitening Cream

[caption id="attachment_488822" align="aligncenter" width="1200"]Belo Underarm Whitening Cream - Best Whitening Cream Paano Paputiin Ang Kilikili: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Belo[/caption]

Para naman sa iyong night underarm regimen, magandang addition ang Belo Underarm Whitening Cream. Sa loob lamang ng dalawang linggo ay maaari mo nang makita ang improvement sa kulay ng iyong kilikili dahil sa mga powerful whitening ingredients na taglay nito.

Karagdagan, mayroon itong hypoallergenic formulation kaya naman tiyak na hindi ito nakakairita ng balat. Makatitiyak ka rin na ligtas ito gamitin dahil ito ay Dermatologist-tested. Lightweight at non-sticky rin ang cream na ito kaya naman komportable gamitin at hindi malagkit sa balat.

Features we love:

  • Visible results in 2 weeks
  • Hypoallergenic formulation
  • Lightweight at non-sticky

NIVEA Deodorant Extra Brightening Spray

Best Deo Spray

[caption id="attachment_488823" align="aligncenter" width="1200"]Nivea Deo Spray - Best Deo Spray Paano Paputiin Ang Kilikili: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Nivea[/caption]

Makakabuti rin na piliing mabuti ang deodorant na gagamitin sa iyong underarm. May mga deodorants kasi na may halong strong chemicals na nakakapagpaitim ng balat. Kaya naman kung nais mo rin gumamit ng whitening deodorant spray, magandang option ang produktong ito mula sa Nivea.

Nakakapagbigay ang deodorant na ito ng 48 hours protection against odor. Kung usapang pagpapaputi naman, makakasigurado kang matutulungan ka rin nito dahil sa taglay nitong 10 skin nutrients at vitamins na may brightening effect. Nakakapagminimize rin ito ng pores sa kilikili at nakakapagpakinis ng balat.

Features we love:

  • 48 hours protection
  • 10 skin nutrients at vitamins

Dove Ultimate Repair Deodorant Stick

Best Deo Stick

[caption id="attachment_488824" align="aligncenter" width="1200"]Dove Deodorant Stick - Best Deo Stick Paano Paputiin Ang Kilikili: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Dove[/caption]

Kung mas sanay ka naman sa paggamit ng deodorant stick, ang Dove Ultimate Repain Deodorant ang best choice para sa'yo! May kakayahan itong magrepair ng dark marks at uneven skin tone sa iyong kilikili. Ito ay dahil sa naglalaman ang produktong ito ng Niacinamide na epektibong nakakapagpaputi ng balat.

Higit pa riyan ay formulated din ang deo stick na ito with Dove's signature 1/4 moisturizing cream na nakakapagpalambot ng balat at nakakatulong sa pagrepair ng damaged skin. 48 hours din ang proteksyon na kayang ibigay nito mula sa pagpapawis at odor. Mayroon itong fruity at fresh scent na tiyak na magugustuhan mo rin.

Features we love:

  • Corrects dark marks and uneven skin tone
  • With Niacinamide at moisturizing cream
  • 48 hours protection

Price Summary

Brands Pack Size Price
Mama's Choice 50 ml Php 349.00
Kamiseta 150 g Php 180.00
Olay 500 ml Php 416.00
Mink PH 30 ml Php 349.00
Belo 40 ml Php 400.00
Nivea 150 ml Php 298.00
Dove 40 g Php 250.00

Tips kung paano paputiin ang kilikili

Narito ang ilan sa mga tips na maaari mong sundin upang mapaputi ang iyong kilikili:

  • Maging gentle sa iyong kilikili. Banayad itong linisin araw-araw at iwasan ang madiin na pagkuskos dito.
  • Gumamit ng sabon o body wash na gentle at nagtataglay skin brightening ingredients.
  • Piliin ang deodorant na gawa sa natural whitening ingredients. Ito ay upang maiwasan ang labis na pangingitim ng balat dulot ng mga harsh chemicals na matatagpuan sa ibang deodorants.
  • Magkaroon ng day and night underarm skin care routine upang maging epektibo ang pagpapaputi ng kilikili. Maaaring isama ang iba pang whitening underarm products sa iyong routine gaya ng serum at cream.

Huwag nang magpak-stress pa sa iyong underarm concern. Sa paggamit ng mga produktong proven na nakakapagpaputi ng kilikili at pagsunod sa aming mga tips, tiyak na masosolusyonan ang iyong problema sa maitim na kilikili.