Gamit ang Pag IBIG Loyalty Card Plus at pag-alam ng requirements sa pagkuha nito, maaari mo nang ma-enjoy ang iba’t ibang exclusive discounts at rewards. Pwede itong gamitin sa grocery purchases, tuition fee, hospital bills, fuel expenses, restaurant bills at marami pang iba mula sa 300-partner establishments ng Pag-IBIG sa buong bansa.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang Pag-IBIG Loyalty Card
Larawan mula sa website ng Pag-IBIG Fund
Unang inilunsad ang Pag-IBIG loyalty card upang magsilbing membership ID. Kalaunan, nakipag-ugnayan ang Pag-IBIG sa mga bankong tulad ng AUB at UnionBank upang ipakilala ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus. Ito ay ang modernized version ng Pag-IBIG loyalty card na hindi lang basta membership ID bagkus ay ATM card na rin.
Taong 2014 nang inilunsad ang loyalty program ng Pag-IBIG. Nakipag-ugnayan ang ahensya sa iba’t ibang establisyemento na mag-offer ng exclusive discounts at perks sa pag-IBIG members sa buong bansa.
Hindi na lang basta membership ID ang pag-IBIG loyalty card, nagbigay din ito ng tulong pinansyal sa mga Pilipino sa pamamagitan nga ng mga discount at rewards mula sa partner establishments. Noong 2019, lalong pinalawak ng pag-IBIG ang gamit ng Pag-IBIG loyalty card sa pamamagitan ng pag-introduce dito bilang cash card ng ahensya.
Sa pag-IBIG Loyalty Card Plus din papasok ang proceeds ng iyong multi-purpose loans, MP2 dividends, at iba pang Pag-IBIG benefits.
Ang bagong Pag-IBIG Loyalty Card ay mayroong EMV chip na may banking features kaya maaari itong gamitin bilang ATM card. Ang AUB card ay tulad ng ibang prepaid card kung saan ang perang dineposito ay hindi eligible na kumita ng interes.
Samantala, ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus mula sa UnionBank, ay tulad din ng UnionBank ATM savings card na maaaring kumita ng interes sa anomang outstanding balances.
Benepisyo ng pagkakaroon ng Pag-IBIG Loyalty Card
Larawan mula sa website ng Pag-IBIG Fund
Mahalaga ang pag-IBIG Loyalty card dahil maraming benepisyo ang maitutulong ng pagkakaroon nito:
- Affordable Valid ID – one-time purchase lang ang pag-IBIG Loyalty Card Plus. Ibig sabihin, maaari mo itong magamit habambuhay at hindi kailangang i-renew. Isa pa, ang loyalty card ng Pag-IBIG ang isa sa mga pinakamurang government ID na maaari mong makuha.
- Discounts and Rewards – maaaring gamitin ang iyong pag-IBIG loyalty card para makakuha ng exclusive discounts mula sa iba’t ibang produkto at serbisyo. Mula sa pagkain, grocery, travel discount, hanggang sa tuition fees at medical services. Patuloy ding nadadagdagan ang partner establishments ng ahensya, ibig sabihin, patuloy na nadaragdagan ang benepisyo na maaaring makuha sa paggamit ng pag-IBIG loyalty card.
- Cash card function – kompleto sa feature na tulad ng sa ATM card ang pag-IBIG loyalty card. Mayroon itong EMV chip para sa ligtas na transakyon sa mga banko. Kasalukuyan ding nakikipag-ugnayan ang ahensya sa iba pang mga banko bukod sa AUB at UnionBank. Ito ay para mas lumawak ang maaaring paggamitan ng cash card.
Paalala na hindi maaaring gamitin ang Pag-IBIG loyalty card para sa over-the-counter withdrawals. Pwede lang itong gamitin kung magwi-withdraw sa ATM.
Paano magkaroon ng pag-IBIG loyalty card sa pamamagitan ng pagtukoy ng requirements
Sa ngayon ay wala pang online application sa pagkuha ng pag-IBIG loyalty card. Subalit, madali lang din naman ang paraan kung paano magkaroon nito.
Narito ang mga requirements sa pagkuha ng pag-IBIG loyalty card:
- Kailangang ikaw ay active pag-IBIG member
- Permanent Membership ID (MID) number
- Dalawang valid ID – ang isang valid ID ay gagamitin sa application process ng loyalty card. Magdala rin ng photocopy ng naturang ID. Samantala, ang isa pang valid ID ay iiwan naman sa guwardiya kapag pumasok sa opisina ng Pag-IBIG. Makukuha rin naman ito pagkatapos. Tandaan na hindi tinatanggap ng ahensya ang Philhealth ID at TIN Cards bilang valid IDs.
Kung ikaw ay wala pang MID number, ibig sabihin hindi ka pa member ng pag-IBIG. Maaaring gawin ang application online para maging pag-IBIG member. Bisitahin lamang ang pag-IBIG registration page at mag-register. Kapag mayroon nang permanent membership ID number maaari nang i-proseso ang iyong pag-IBIG loyalty card.
Paano makakuha ng Pag IBIG loyalty card
Kung gusto mo naman na i-upgrade ang iyong lumang loyalty card, narito ang kailangan mong gawin at kailangang requirements bago kumuha ng Pag IBIG loyalty card.
Requirements to get Pag IBIG ID
Ihanda ang mga sumusunod na requirements for Pag IBIG ID:
- 2 Valid ID – isang valid ID at 1 photocopy nito na gagamitin para sa application process at ang isang valid ID ay gagamitin naman para iwan sa guard pagpasok sa branch ng Pag IBIG. Tandaan, hindi na inaaccept na valid ang TIN ID at PhilHealth ID.
- Ihanda rin ang Permanent Membership ID number (MID)
- kailangan ay may active kang Pag IBIG membership bilang isa sa Pag-IBIG ID requirements
BASAHIN:
Paano magkaroon ng Pag-IBIG MP2 at lahat ng kailangan mong malaman
SSS Loan: A quick guide on what you need to know and how to apply
Step-by-step guide sa pag-apply para makakuha ng PhilHealth
Gabay at requirements sa pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card Plus
Larawan mula sa website ng Pag-IBIG Fund
Kapag kompleto na ang iyong requirements, maaari nang sundin ang step-by-step process na ito sa pagkuha ng pag-IBIG loyalty card plus:
- I-download ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus application form at sagutan ito.
- Ipasa ang sinagutang form sa pinakamalapit na branch ng Pag-IBIG Fund.
- Magbayad ng registration fee na nagkakahalaga ng Php 125.00 at itabi ang resibo.
- Pumunta sa biometrics section para sa picture at pagkuha ng fingerprints.
- I-validate ang lahat ng impormasyong iyong ibinigay. I-check kung mayroong maling impormasyon o spelling.
- Kunin ang iyong Pag-IBIG Loyalty Card Plus at PIN Mailer mula sa bank personnel.
Tandaan na kahit nakipag-ugnayan ang Pag-IBIG sa AUB at UnionBank, tanging sa Pag-IBIG Fund branches lang pwedeng magproseso ng loyalty card. Hindi ito maaaring gawin sa mga branch ng nabanggit na banko.
Dagdag pa rito, hindi pwedeng ipakuha sa iba ang iyong loyalty card. Kailangang personal mong iproseso ang application ng iyong loyalty card.
Step-by-step guide para maging pag-IBIG member
Para sa mga hindi pa member ng Pag-IBIG, magparehistro muna para magkaroon ng MID number na isa sa requirements sa pagkuha ng loyalty card.
Maaaring gawin ang registration via online:
- Pumunta sa website ng Pag-IBIG fund, sa bandang taas ay i-click ang E-services tab at i-click ang membership registration link
- Ilagay ang iyong kompletong pangalan at birthdate. I-type ang CAPTCHA code at i-click ang proceed button.
- Sagutan ang required fields sa online registration form at i-click ang next button para mapunta sa susunod na section.
- Kapag tapos nang sagutan ang pag-IBIG membership online form, i-click ang submit registration button. Lalabas ang successful registration page at makatatanggap ka ng text confirmation.
- Pindutin ang Print MDF button para maprint o ma-save ang iyong enrollment form.
Kapag tapos ka na sa Pag-IBIG online registration, tandaan ang iyong Registration Tracking Number (RTN) na ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng text message. Makikita rin ito sa iyong MDF. Magsisilbi din itong isa sa mahahalagang requirements para sa pagkuha ng Pag-IBIG loyalty card.
Para sa mga self-employed member, maaari nang gamitin ang RTN para makapagbayad ng pag-IBIG contributions.
Samantala, ang mga empleyadong nag-enroll sa Pag-IBIG online ay kailangang maghintay muna nang mga dalawa hanggang tatlong araw bago makuha ang permanent Pag-IBIG MID number. Ang MID number na ito ang kailangan at requirements sa pagkuha ng Pag-IBIG loyalty card.
Benepisyo ng pagiging Pag-IBIG Fund member at kapag kumuha ng loyalty card requirements
Kung ikaw ay member na ng Pag-IBIG, narito ang mga benepisyong maaari mong mapakinabangan pagkatapos maihanda ang requirements para sa Pag-IBIG loyalty card:
- Regular na makapag-save ng pera para sa retirement at iba pang financial goals sa pamamagitan ng Pag-IBIG Regular Savings Program at MP2 Program.
- Mangutang ng funds sa iba’t ibang dahilan sa pamamagitan ng Pag-IBIG loans nang mayroong mababang interest rates at mahabang repayment terms. Kabilang sa mga loan na ito ay ang housing loan, salary loan, at calamity loan.
- Makakuha ng discounts, rewards, at ibang pang perks sa mga partner establishment sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card Plus.
Bukod sa isa ito sa mga requirement para sa employment, maraming benepisyo ang maaring makuha sa pagiging Pag-IBIG Fund member. Makatutulong ito para sa iyong short-term at long-term financial needs.
Ang mga sumusunod ay required na mag-enroll sa Pag-IBIG membership:
- Mga empleyado ng pribadong sektor, permanente man o temporary at provisional ang status.
- Ang mga empleyado ng gobyerno na may GSIS coverage anoman ang appointment status.
- Mga self-employed na kumikita ng at least Php 1,000 kada buwan.
- Ang mga land-based at sea-based OFW
- Mga Pilipino na empleyado ng mga dayuhang kompanya, sa loob man o labas ng bansa nagtratrabaho.
Kung wala ka sa mga nabanggit, maaari pa ring maging myembro ng Pag-IBIG sa ilalim ng voluntary Pag-IBIG Membership
- Kung ikaw ay walang trabaho pero asawa ng registered Pag-IBIG member
- Ang mga Pilipinong empleyado ng foreign government o international organization
- Mga empleyado or employer na may waiver o suspension of coverage mula sa Pag-IBIG Fund
- Ang mga lider at miyembro ng mga religious group.
- Pensioners, investors, at iba pang individual na may passive income o allowances
- Mga pampublikong opisyal at empleyado na walang GSIS coverage tulad ng barangay officials at Sangguniang Kabataan members.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!