8 beauty surprises na nagaganap sa katawan ng buntis

lead image

Huwag mabahala sa ilang pisikal na pagbabago na nangyayari sa iyong katawan ngayong nagdadalantao ka. Alamin kung bakit nagkakaroon nito kapag buntis.

Maraming pagbabago sa katawan ng buntis na kung minsan ay ipinag-aalala ng mga ina. Ngunit ilan sa mga pisikal na pagbabagong ito ay normal lamang na nangyayari sa mga nagdadalantao.

“During pregnancy, a woman’s body experiences very sudden and dramatic changes as a result of the increase in the hormones estrogen and progesterone,” sabi ni Dr. Dendy Engelman ng Manhattan Dermatology and Cosmetic Surgery.

“Most moms-to-be expect the signs of pregnancy they’ve heard before like bigger breasts and fatigue, but are totally in the dark when it comes to the other symptoms that can wreak havoc on—or work wonders for—their appearance,” sabi naman ni Dr. Joel Schlessinger, isang board certified dermatologist sa U.S.

Narito ang paliwanag sa ilang pregnancy glow na nangyayari sa katawan ng mga buntis.

pagbabago sa katawan ng buntis

8 nangyayaring pagbabago sa katawan ng buntis

1. Malago at makintab na buhok sa katawan

Isa ito sa mga unang mapapansin na pagbabago sa katawan ng buntis. “This is again thanks to your pregnancy hormones, which slow down the rate of hair loss, making your locks seem thicker and more voluminous,” sabi ni Dr. Engelman.

95% ng buhok ay tumutubo sa katawan ng isang babae sa yugtong ito ngunit malalagas din kalaunan pagkapanganak.

“Once your hormones return to normal, there’s a shedding process of everything your body worked so hard to build up during pregnancy—hair growth included,” paliwanag ni Dr. Engelman.

Kasabay rin ng pagkakaroon ng malago at makintab na buhok ay ang pagtubo rin nito sa mga parte ng katawan na hindi kadalasang tinutubuan gaya ng dibdib, tiyan, mukha, likuran at utong.

“It’s completely safe to wax, shave, or use electrolysis during pregnancy, so at least you have some options if the hairiness is getting to you,” dagdag niya.

2. Dark spots

Tinatawag din itong 'pregnancy mask' dahil sa nasasakop ng melasma ang halos buong mukha ng nagdadalantao.

“This condition appears when an increase in estrogen levels stimulate excess melanin production and affects as many as 75 percent of pregnant women,” sabi ni Dr. Schlessinger.

Dagdag niya: “It’s especially common in those with darker skin tones, or those of African and Asian descent.”

Wala namang dapat ipag-alala dahil kusa naman itong mawawala pagkapanganak.

3. Maitim na linya sa tiyan

Ang pregnancy belly line o linea nigra ay normal na lumalabas sa tiyan ng mga nagdadalantao at kadalasang mas umiitim habang lumalaki rin ang tiyan ng buntis. Gaya ng dark spots sa mukha, kusa rin itong nagfe-fade at nawawala.

“When melanin production increases during pregnancy, the skin in this area darkens, usually during the second trimester,” sabi ni Dr. Schlessinger.

Dagdag niya: “If it doesn’t fade completely, you can use a skin-lightening cream with hydroquinone once you’re no longer pregnant or breastfeeding.”

4. Spider veins

Napapansin niyo rin ba ang biglaang pagdami ng mga ugat sa inyong mga binti, tiyan at paa? Isa ang pagkakaroon ng spider veins sa nagaganap na pagbabago sa katawan ng buntis. Lumalabas ang mga spider veins sa binti, braso, torso at maging sa mukha dahil sa pressure na nangyayari sa mga blood vessels sa ating katawan kapag nagdadalantao.

Payo ni Dr. Engelman, “If you’re standing for long periods of time, you may notice more spider veins crop up, so it’s best to set aside time to sit with your legs elevated,”

“While there isn’t a treatment for spider veins during pregnancy, you can use concealer to camouflage the imperfections or have your derm zap them with a laser post-pregnancy.” aniya.

pagbabago sa katawan ng buntis

5. Tigyawat

Sa kasamaang palad, ang pagragasa ng hormones sa buong katawan ng buntis ay nagdudulot din kung minsan ng labis na paglalabas ng sebum o oil  sa balat. Nagbubunsod ito ng pagbabara ng mga pores ng ating balat, partikular ang mukha at nagiging tigyawat o acne.

“Some women experience acne as early as their first month of pregnancy and it can continue to be an issue even after delivery,” sabi ni Dr. Schlessinger.

Ipinapayo na magsagawa ng good skincare routine ang mga ina upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga tigyawat kapag buntis.

“Clean your skin twice a day and use products that are oil-free, noncomedogenic (doesn’t block pores) and non-acnegenic and clean your skin twice a day and use products that are oil-free, noncomedogenic (doesn’t block pores) and non-acnegenic," aniya.

Maaari ring komunsulta muna sa doktor para sa mas maayos na rekomendasyon ukol dito.

“If acne is a major concern for you while expecting, ask your physician about pregnancy-safe treatment options.”

6. Rosacea

Nagmimistulang kamatis ba ang iyong mukha dahil sa pamumula at pamamaga nito? Normal na magkaroon ka ng rosacea kapag nagdadalantao. Gaya ng spider veins, ang rosacea ay lumalabas kapag namamaga ang maliliit na blood vessels sa ibabaw ng balat.

“The exact cause of rosacea is unknown, but it’s believed to be a result of a combination of hereditary and environmental factors,” sabi ni Dr. Engelman.

“Some people have the condition but don’t know it’s rosacea, or there was never a flare-up.” dagdag niya.

May ilan pang salik sa pagkakaroon ng rosacea gaya ng pagkain ng mga maiinit at maaanghang na pagkain, pag-inom ng alak, labis na pagkadarang sa mainit o malamig ng temperatura, stress, pag-eehersisyo, pagligo sa mainit na tubig o sauna.

Ipinapayo na komunsulta sa doktor upang malunasan ito.

7. Skin tags

May napansin ka bang mga kuntil o maliliit na bilog na nakalaylay sa iyong balat? Skin tags ang tawag dito. Nangyayari ito dahil sa labis na skin cell production ng ating hormones kapag nagdadalantao.

Walang dapat ikabahala dahil wala itong naidudulot na masama sa iyong kalusugan. Kinakailangan lamang na magpatulong sa isang dermatologist upang safe na ipatanggal ang mga ito.

“They’re harmless and after delivery your dermatologist can remove them easily,” sabi ni Dr. Engelman.

8. Stretch marks

Ito ang pinaka-karaniwan at pinakamadalas na nangyayaring pagbabago sa katawan ng buntis. Sa paglaki ng katawan ng isang nagdadalantao, nababatak din ang kanyang balat hanggang sa punto na umabot na ito sa limit ng elasticity nito.

“These marks may appear red, brown, or purple in color, and are visible predominantly on the belly, breasts and thighs,” sabi ni Dr. Schlessinger.

Ang stretch marks ay nangyayari sa katawan ng halos 50 hanggang 70 porsiyento ng kabuuang populasyon ng mundo, buntis man o hindi, regardless sa edad o kasarian ng isang tao. Namamana rin kasi ang pagkakaroon nito.

Ipinapayo ang paglalagay ng moisturizers at lotions sa mga taong prone sa pagkakaroon ng stretch marks, partikular ang mga nagdadalantao.

 

Source: Reader's Digest

Images: Shutterstock

BASAHIN: Bakit sumasakit ang balakang ng buntis?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!