Pagdurugo habang buntis: Ano nga ba ang panganib nito sa nagbubuntis?

Pagdurugo habang buntis: Ano nga ba ang panganib nito sa nagbubuntis?

Pagdurugo habang buntis: Normal itong nangyayari sa mga pregnant moms ngunit kailan nga ba masasabing ito ay delikado?

Lahat ng uri ng pagdurugo ay nakakapag-alala, lalo pa at ikaw ay nagdadalantao. Ang pagdurugo habang buntis ay delikado ba at maaaring life-threatening kay baby? Ano ang kulay ng spotting kapag buntis? Gaano karami ang pagdurugo habang buntis?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang pagdurugo habang buntis?
  • Pagdurugo habang buntis: Mga sintomas na dapat ikabahala

Ano ang pagdurugo habang buntis?

Kahit na gaano kaliit ang lumalabas na pagdurugo habang buntis, ang unang iniisip ni Nanay ay ang pagkalaglag o miscarriage. Ang tinatawag na light vaginal bleeding ay maaaring sanhi ng maraming dahilan.

Hindi maiiwasan na makaranas ng pagdurugo habang buntis ang ibang pregnant moms. Ito ay ang mahina o patak lamang na dugo. Karaniwang sa unang mga buwan ng pagbubuntis, o sa pagitan ng buwanang dalaw.

Ano ang kulay ng spotting pag buntis? Ito ay kadalasang kulay kape o ‘di kaya’y ‘di gaanong mapula, bagama’t ang matinding spotting ay karaniwang mapulang mapula.

Gaano karami ang spotting ng buntis? Ito ay hindi tuloy-tuloy at parang patak lamang.

bleeding-o-spotting-ng-buntis

Pagdurugo habang buntis| Image from Unsplash

Ang good news: Ang pagdurugo habang buntis ay madalas na HINDI naghuhudyat ng panganib sa bata o sa inang nagbubuntis. Karaniwang nararanasan ito ng isa sa bawat limang ina, lalo na kung aktibo sa pagtatalik, o ‘di kaya’y may impeksiyon o sugat sa vaginal wall, na walang kinalaman sa sanggol o sa pagbubuntis. “Ang majority ng pagdurugo habang buntis ay hindi naman mapanganib,” paliwanag ni nurse Dianne Cortes, RN.

Pagdurugo sa Unang Trismester

Kung may pink o brown na patak ng dugo at inaakalang ikaw ay buntis na at nasa una nang trimester ng pagbubuntis, ito ay maaaring implantation bleeding o hudyat ng pagbubuntis.

Nangyayari ito kapag ang sperm at ang itlog ng babae ay nagtagpo na, at naganap na ang fertilization—nabuo na ang embryo.

Nagkakaroon ng pagdurugo habang buntis kapag kumapit na ang embryo sa uterine wall. Ito ay nangyayari mula sa ika-6 hanggang ika-12 araw ng conception, at kadalasang akala ay buwanang dalaw pa rin.

Wala itong panganib at hindi dapat ikabahala. Sabi ni nurse Dianne, “Kung may [heavy] bleeding at may kasamang pananakit, kailangang kumunsulta at magpatingin agad sa OB-Gyne dahil maaaring ectopic pregnancy ito.”

Ang ibang sintomas ng pagdurugo habang buntis ay lagnat, cramps, at chills o ramdam na sobrang ginaw.

bleeding-o-spotting-ng-buntis

Gaano kadami ang spotting ng buntis? | Image from Dreamstime

Pagdurugo habang buntis: Mga sintomas na dapat ikabahala (sa unang 20 linggo)

Subchorionic hemorrhage

Ito’t ang pagdurugo sa paligid ng placenta. Posible pa rin ang pagtutuloy ng pagbubuntis sa kabila ng ganitong pagdurugo, ngunit susi ang pagpapatingin at pagpapagamot ng maagap. 

Chemical pregnancy

Tinatawag din itong pagkakaroon ng feritlized egg ngunit hindi ito tuluyang kumapit sa uterus.

Miscarriage

Ang miscarriage o pagkalaglag ng bata sa sinapupunan ang isa sa maaaring dahilang ng pagdurugo habang buntis. Kung ito ay miscarriage, may kasamang ibang sintomas tulad ng paninigas at labis na pananakit ng tiyan o abdominal pain.

Isa rin sa pinaka-concern sa unang 12 linggo ng pagbubuntis o unang trimeser ang pagdurugo. Subalit hindi ibig sabihin na ikaw ay nakakaranas ng pagdurugo sa unang trimester ng iyong pagbubuntis ay nawala na ang iyong baby.

Ayon sa mga pag-aaral 90% ng mga babaeng nakakaranas ng pagdurgo habang buntis ay hindi malalaglagan o mami-miscarry.

Ectopic pregnancy

Ito ay ang pagkapit ng fertilized egg sa labas ng uterus, kadalasan sa fallopian tube kaya tinatawag na tubal pregnancy. Hindi maaaring magtuloy ang pagbubuntis, lalo’t may panganib ito para sa kalusugan ng ina.

Isa pa sa mga sintomas ng ectopic pregnancy ay ang matinding pananakit sa lower abdomen ng babae o puson ng babae.

Molar pregnancy

Isa itong nonviable pregnancy dahil sa abnormal growth sa placenta, o kadalasan ay isang abnormal fetus. Tinatawag din itong gestational trophoblastic disease. Napaka-rare ng kundisyon na ito sa ilang rare case nga ang tissue ay cancerous at maaaring kumalat sa ibang bahagi ng katawan. 

Iba pang sintomas ng molar pregnancy ay ang matinding nausea at pagsusuka, Mabilis na paglaki ng uterus.

Iba pang sanhi ng pagdurugo habang buntis

Pagbabago sa cervix

Habang nagbubuntis, nagkakaroon ng extra blood flow papunta sa cervix. Ang pakikipagtalik at pagpa-Pap test na nagkakaroon ng contact sa cervix ay maaaring makapagpa trigger ng pagdurugo habang buntis. Ang ganitong klaseng pagdurugo ay hindi naman dapat ikabahala.

Impeksiyon

Ang ano mang klaseng impeksyon sa cervix, vagina, o sexually transmitter disease infection katulad ng chlamydia, gonorrhea, o herpes ay maaaring magdukot ng pagdurugo sa unang trimester ng pagbubuntis.

 

 

 

 

 

bleeding-o-spotting-ng-buntis

Pagdurugo habang buntis | Image from Dreamstime

BASAHIN:

Brown discharge sa unang trimester ng pagbubuntis: Ano ang normal at hindi? 

#AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?

Placenta Previa: Ang mga dapat mong malaman tungkol sa nakamamatay na komplikasyon na ito ng pagbubuntis

Sa huling 20 linggo

Sa huling trimester ng pagbubuntis, hindi na malaki ang risk ng miscarriage at halos lahat ng mga nabanggit na kumplikasyon sa unang 20 linggo ng pagbubuntis ay hindi na panganib, tulad ng ectopic at molar pregnancy). Ngunit kapag may spotting o pagdurugo sa panahon ng huling trimester, dapat magpatingin kaagad sa doktor.

Pagdurugo sa 2nd at third trimester ng buntis

Ang pagdurugo naman pagsapit ng 2nd at third trimester habang buntis ay maaaring magdulot ng sa ina at sanggol sa panganib. Tawagan agad ang iyong doktor kapag nakakaranas ka ng pagdurugo pagsapit ng 2nd at third trimester sa iyong pagbubuntis.

Mga posibleng dahilan ng pagdurugo habang buntis pagsapit ng 2nd at third trimester

Placenta previa

Ang placenta previa ay isang kondisyon kung saan ang placenta ay nasa bandang ibaba ng uterus at bahagyang tinatakpan ang opening ng birth canal ng isang babae.

Ito’y rare pagsapit ng third trimester, nangyayari lamang ito sa isa sa 200 na pagbubuntis. Ang pagdurugo sanhi ng placenta previa ay maaaring hindi masakit, subalit kinakailangan nito ng agad na medikal na atensyon.

Placental abruption

Isang porsiyento sa mga pagbubuntis nangyayari ang paghihiwalay ng placenta sa wall ng uterus bago o habang nagle-labour at pagkakaroon ng blood pools sa pagitan ng placenta at uterus.

Napakadelikado ng placental adruption para sa nagbubuntis na nanya at sa kaniyang dinadalang sanggol sa loob ng kaniyang sinapupunan.

Ang iba pang sintomas nito ay abdominal pain, clots mula sa vagina, tender uterus, at pananakit ng likod.

pagdurugo habang buntis

Pagdurugo habang nasa ika-2 at ika-3 trimester ng pagbubuntis. | Larawan mula sa iStock

Uterine rupture

Sa ilang mga rare case ang scar o peklat sa nakalipas na c-section ay maaaring mabuksan habang nagbubuntis. Ang uterine rupture ay maaaring life-threatening at nagre-require ito ng emergency c-setion.

Ang iba pang sintomas nito ay pananakit at tenderness ng abdomen.

Vasa previa

Ito’y kung saan ang nagde-develop na blood vessels ni baby sa kaniyang umbilical cord o placenta ay nagko-cross sa opening ng birth canal. Isa itong maituturing na rare na kundisyon.

Ang vasa previa ang maaaring isang napakaseryoso at mapanganib na kundisyon para sa iyong baby sapagkat ang kaniyang blood vessels ay maaaring mag-tear open; na maaaring magdulot ng pagdurugo ni baby at pagkawala nito ng oxygen.

Premature labor

Ang pagdurugo habang buntis sa huling bahagi ng iyong pagbubuntis ay maaaring senyales na ang iyong katawan ang handa nang magsilang. Ilang araw o linggo bago mo maramdaman ang mga senyales ng pagle-labour ang mucus plug na nagko-cover sa opening ng uterus ay ilalabas na sa vagina.

Minsan may nakakasamang kauntin dugo rito na kilala rin sa tawag na ‘bloody show’. Kung ang pagdurugo habang buntis ay bago ang 37th na linggo ng pagbubuntis ay agad na tawagan ang doktor sapagkat maaaring isa na itong preterm labor.

Iba pang sintomas nito ay ang contractions, vaginal discharge, abdominal pressure at pananakit sa bandang ibaba ng likod.

TANDAAN:

Ang kahit anumang spotting o pagdurugo kapag nagbubuntis ay maaaring sanhi o sintomas ng isang mas malaking problema, kaya’t mahalagang kumunsulta agad sa doktor. Isulat kung maaari, para matandaan lahat ng naramdaman o naranasang kondisyon upang masabi sa doktor.

 

Sources:

MedicineNet, WebMD, Pregnancy: The Ultimate Week-by-Week Pregnancy Guide

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!