Kailan ba magsisimulang gumulong si baby?

lead image

8

Ang paglalakad ni baby ang isa sa pinakamalaking milestones na inaabangan ng mga magulang. Ngunit bago pa mangyari yun, ang paggulong ng sanggol muna ang inaabangan na milestone ng mga magulang.

Kailan ba ito karaniwang nagsisimula? At paano malalaman kapag handa ni si baby na gumulong? Ating alamin.

Paggulong ni baby, kailan nangyayari?

Ang development ng mga sanggol ay dahan-dahang nangyayari. Katulad na lang ng paglalakad, magsisimula munang gumulong si baby, bago sila matutuong gumapang, umupo, tumayo, at maglakad.

Kaya't mahalagang malaman ng mga magulang kung handa na bang gumulong si baby, dahil senyales din ito kung gaano kabilis ang kanilang development.

Kailan nagsisimula ang paggulong ng sanggol?

Ang karaniwang panahon kung kailan nagsisimulang gumulong si baby ay sa bandang dulo ng kanilang ika-3 buwan hanggang ika-5 buwan.

Kaya't sa panahong ito, mahalagang bantayan ng mga magulang ang kanilang sanggol, dahil posibleng mahulog sa kama si baby kapag napabayaan! Mainam din na bantayan sila habang natutulog, upang makasigurado silang hindi gumulong si baby at mahirapang huminga.

Matutulungan ba ng mga magulang si baby?

Ang tinatawag na "tummy time" o ang pagdapa kay baby ay nakakatulong upang lumakas ang kanilang katawan. Maganda rin na gawin itong laro, at huwag pilitin si baby kung ayaw niya.

Nakakatulong ang paggamit ng laruan, pagkain, o kung anu-ano pang gusto ng iyong anak upang ma-motivate sya na dumapa at gumapang.

Iba-iba ang development ng bawat bata, at mabuti kung hindi minamadali ang mga sanggol pagdating sa mga ganitong bagay.

Dapat bang mag-alala kapag hindi gumulong si baby?

Kapag hindi gumugulong si baby, hindi naman dapat mag-alala kaagad ang mga magulang. Sadyang mayroong mga sanggol na mahiyain, o kaya hindi masyadong mahilig gumalaw-galaw. Normal lang ito.

Ang mahalaga ay nakikita ninyong nagdedevelop ang kaniyang katawan, pati na ang iba pa niyang mga senses. Sa tamang panahon, matututo ring gumulong si baby, at paglaon ay matututo na rin siyang maglakad.

Ngunit kung mayroon kayong pag-aalala, o kaya ay malaki na si baby pero hindi pa rin nagsisimulang gumapang o gumulong, wag mag atubiling magpakonsulta sa pediatrician.

Maraming dahilan kung bakit hindi gumugulong ang mga baby, at sila ang makapagbibigay ng magandang payo para sa mga magulang. Nakakatulong din ang mga physical therapist upang sanayin at palakasin ang katawan ni baby at bigyan sila ng lakas ng loob na gumulong.

 

Source: Today

Basahin: Stunning baby-mom photos capture the beauty of the “breast crawl”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!